CHAPTER 41 – GUT FEEL
"Sigurado ka bang okay ka lang? Gusto mo bang samahan kita dito? Kahit dito na lang ako matulog sa sofa. Kanina ka pa kasi walang imik ehh." Nandito kami ni Gerald sa unit ko. Kahit anong pilit ko sa kanya na umuwi na siya ehh ayaw pa rin niya. Sabi niya sasamahan niya daw muna ako.
"Okay lang ako. Umuwi ka na. May pasok ka pa sa trabaho bukas ehh. Nakakahiya naman sa'yo..." Sabi ko tapos tumayo na ako para ilagay sa sink yung pinagkainan ko. Si Gerald pa nga nag-insist na magluto eh. Hays, ano bang gagawin ko dito sa bestfriend ko na to. Actually, siya din pumilit sa akin na kumain kahit ayoko. Nakakawalang-gana talaga ngayong araw na'to.
"Natatakot kasi ako para sa'yo. Baka kung anong gawin mo." Pero seriously, halatang concern na concern nga siya. Yung tingin niya simula pa kanina ehh nakabantay sa akin na para bang anytime ehh magus-suicide ako. As if naman. Tsk.
"Magkikita pa tayo bukas okay?" Nginitian ko siya. "Hindi ako magpapakamatay. Hahah."
"Tsk. Pero seryosong usapan, Rain, huli kitang nakitang ganyan ehh nung nasa Paris tayo. Nung alam mo na...nagmo-moveon ka pa lang..." Seryosong sabi niya.
Hindi ko siya sinagot. Kinuha ko na rin yung pinagkainan niya para maghugas na ng pinggan. Pero nabitawan ko iyon. Ewan ko ba kung bakit. Wala na ba akong lakas at pati isang pirasong pinggan ehh hindi ko ba mabuhat? Ano bang nangyayari sa akin.
"Rain! Ano ba! Ano bang nangyayari sa'yo!" Inis na tanong niya sa akin. Kahit ako ehh naiinis na rin sa sarili ko. Para akong robot na kanina pa walang kibo. Pagkatapos kong umiyak kanina, wala na akong naging ibang reaksyon.
Maya-maya na lang ehh naramdaman ko yung mahigpit na yakap ni Gerald. At doon ko na-realize na umiiyak na pala ako. Hinagod-hagod ni Gerald yung likod ko pero wala pa rin akong tigil sa pag-iyak. Halo-halo yung nararamdaman ko sa oras na'to.
Una, bumabalik lahat sa nakaraan yung utak ko. Nung niloko ako ni Cloud. Alalang-alala ko pa rin lahat ng pangyayari nung araw na yun bago pa ako pumuntang Paris. Ilang beses kong sinubukang kalimutan lahat, pero bakit hindi ko pa rin magawa?
At eto ngayon si Gerald...
"Bakit ba hindi mo na lang ako iwan ngayon??? Gerald, if you could figure out, I'm a mess right now. Bakit hindi ka na lang maghanap ng iba? Nasasaktan lang kita..."
At imbis na sumagot siya, niyakap pa niya ako nang mas mahigpit. At lalo akong nasasaktan, hindi dahil sa yakap niya, kung hindi sa katotohanang hindi ko magawang mahalin yung kagaya niya na sobra akong mahal.
"Ano bang meron sa Cloud na yun *hik* Bakit ba ako nagkakaganto sa kanya???" Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi. "Ayoko na ehh. Hindi ko na siya mahal. Pero bakit nagkakaganito pa rin ako???" Umalis ako mula sa pagkakayakap kay Gerald at tumingin sa mga mata niya, "Gerald, kapag nakikita mo yung isang tao na may kasamang iba, at yung taong iyon ehh naging parte ng buhay mo...bakit nakakaramdam ka ng sakit? Samantalang sinabi mo na sa sarili mo na hindi mo na siya mahal. Diba *hik* diba okay na ako? Hindi na ako umiiyak nung nasa Paris tayo??? Bakit bumabalik ulit???"
"Dahil mahal mo pa rin siya." Seryosong sabi niya. Hindi ko mabasa kung anong reaksyon ang meron sa mga mata niya ngayon. Pero wala akong marinig na sisi galing sa kanya. "Masakit makita yung taong mahal mo na may mahal o kasamang iba, pero wala kang magagawa kasi wala ka namang karapatan."
"You know what, that's bullsht! Gerald, hinalikan ako ni Cloud! Sinabi niya na miss na miss na niya ako! Niyakap niya ako! Natulog kami nang magkasam—" Agad akong napahinto nang makita ko yung galit at sakit sa mata niya pero nawala din agad yun at napalitan ng simpatya.
BINABASA MO ANG
SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)
RomanceFive years ago... Cloud Sylvana was a well-known casanova, while Rain Skye Lopez was a geek. Five years after... Cloud Sylvana became a successful business man, while Rain Skye Lopez became a famous fashion designer. What if one day they meet each o...