CHAPTER 44 – WONDERFUL, AMAZING, ONE OF A KIND?
"Rain, bakit ka umiiyak? Ano bang nangyari??? Ano bang sinabi ni Ghem!?" Halata ang galit sa mga mata ni Gerald habang tinatanong niya sakin yan.
"Wala *hik*. Let's just go. Gusto ko nang umuwi." Sagot ko.
"Kakausapin ko si Ghem..." Lalabas na sana siya ng kotse niya pero pinigilan ko siya. Ayoko na. Tapos na'ko. Ang sakit-sakit na ehh. Sapat na siguro yung nalaman ko para tumigil na ako. I thought I'm finding the truth...admittedly, for Cloud. For us. Pero hindi pala siya interesado. Siguro tama si Ghem. Siguro kailangan ko na lang mawala sa buhay ni Cloud, sa buhay nilang dalawa kasi ako naman yung talo, ako yung umaasa. "What, do you really think I could just let this pass???"
"Tama na, Gerald. Ayoko nang lumaban. Kung tutuusin, walang kasalanan si Ghem eh. Yeah, it's true. Wala siyang sakit. Pero hindi lang ako ang nakakaalam na wala talaga siyang sakit." I started crying once again. "Alam ni Cloud, Gerald. Pero siya pa yung nag-insist na ipagpatuloy ang pagpapanggap sa harap ko! Look how dumb I've become!"
Instead of answering, Gerald hugged me.
"Minsan iniisip ko, ano bang nagawa kong sobrang sama sa buong buhay ko at ganito na lang ang nangyayari sa'kin lagi??? Masama ba akong tao???" Tanong ko sa kanya habang umiiyak. Lagi na lang akong nasasaktan. Nakakapagod na pero hindi ko maiwasan.
"Ssshh...Wala kang ginawang masama...If you're really asking me, I'd say that you're a wonderful person." Sagot niya habang yakap-yakap pa rin ako.
"Akala ko hindi ko na siya mahal..."
"You can never unlove someone just by saying that you don't love them anymore. Sometimes, all you need is time because it tells you when the right things should fall into place."
.
.
.
I couldn't sleep. I need not to retaliate every thing that happened in the past weeks, right? Alam niyo na kung bakit bothered ako. Nakakasawang magkwento. Paulit-ulit na lang ang nangyayari sa buhay ko. Lagi na lang akong nasasaktan. Lagi na lang akong umiiyak. Lagi na lang kailangan kong magpakatatag. Kailan ba may magbabago?
Kanina nung kasama ko si Gerald? Doon lang ako umiyak ulit nang ganoon katagal after years. Ayaw nga sana akong iwan ni Gerald nang ganoon but I insisted. Sinabi ko na gusto ko munang mapag-isa. Para kasing lahat ng sakit nag-convert into tears. But though how hard I tried letting them go, they just wouldn't. Kung ang pagiyak ehh nakakatanggal ng sakit, hindi na sana ako nasasaktan pa ngayon, given that I cried so many times in my life already. Siguro, kailangan ko nang tanggapin na destined akong ma-involve palagi into one-sided love stories. Ang malas ko naman. Mag-madre na lang kaya ako? Eto ba yung calling ko?
I laughed at the idea. Am I going crazy?
I looked at the clock. It's already 11 in the evening. Sa sobrang gusto kong kalimutan ang mga nangyari ehh kung ano-ano na ang ginawa ko wag ko lang talaga maalala lahat ng mga sinabi ni Ghem kanina. Nanuod ako at least a couple of movies. Yung Blue Lagoon: The Awakening and The Wedding Planner. At mas lalo lang akong nalungkot. Naiinggit nga ako sa mga movies eh. At least sila may nakakatuluyan. At least sila may forever. At ako wala. Nag-vacuum din ako ng condo kasi napansin ko na maalikabok na yung ibang gamit. I even deleted some of the numbers in my contact...including Cloud and Ghem's numbers. Pero wala ehh, naaalala ko pa rin.
First, you think the worst is a broken heart
What's gonna kill you is the second part
And the third, Is when your world splits down the middle
And fourth, you're gonna think that you fixed yourself
BINABASA MO ANG
SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)
RomanceFive years ago... Cloud Sylvana was a well-known casanova, while Rain Skye Lopez was a geek. Five years after... Cloud Sylvana became a successful business man, while Rain Skye Lopez became a famous fashion designer. What if one day they meet each o...