CHAPTER 30 – THE FOOD THIEF
“Gerald!” Laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ng unitko ehh nandoon siya. “May problema ba???”
“Ahm...wala naman. I just wanted to offer you a ride to the office? Kahit malapit lang siya...Hehe...” Natatawang sabi niya.
“Osige, total papasok na naman ako eh...” Sabi ko. “Alam mo, dapat na ata kitang bayaran for the gasoline eh. Lately, lagi na lang ikaw nagda-drive para sakin.”
Tumawa naman siya. “I can pay for my gasoline. Anyway, wala ba kayong photoshoot ngayon?”
“Wala. Bukas na ulit.” Sabi ko habang pasakay na kami ng elevator. “Pupunta ka ba?”
“Yun nga eh. I can’t. Ang daming trabaho kasi ngayon.” Pagdadahilan niya. “And about last night, sorry ha. I shouldn’t have brought you. Mukhang naboring ka lang eh.”
I smiled at him. “Ano ka ba. Wala yun. Kagabi ka pa sorry nang sorry ah.” Kagabi kasi sabay din kami umuwi tapos sorry siya nang sorry along the way. Si Cloud naman eh hinatid si Ghem. May driver naman pala sila tito kaya mabilis lang sila nakauwi eh dahil malapit lang din yung bahay na tinutuluyan nila doon. “Ohh sige na. I’ll be working. See you later.”
Pagkalabas na pagkalabas ko ng elevator, ehh mukha agad ni Cloud ang bumungad sa akin.
“Let’s talk.” At naglakad na siya papunta sa opisina niya where I followed.
“What is this all about?” I asked then I folded my arms. He just sit on his table.
“Look, about what happened yesterday. Nung kinancel ko yung photoshoot... Sinabi sa akin ni Shyrile how peeved you are and I’m really sorry. I just needed to do something important...”
Hindi ko maiwasang magalit na naman sa kanya dahil sa ginawa niya. “What, like attend to your girlfriend while you have some freaking photoshoot to do with me!? Alam mo ba na all set up na lahat and then you’re gonna text my secretary that you can’t come!? Sana man lang ininform mo kami agad! Hindi yung pinaasa mo lang kami sa wala! Mind you, Cloud, you signed the contract! We always adjust to your every demand! Tapos eto lang gagawin mo ha!? Well fvck what the important thing you had to do! Dahil ako, marami din akong kailangan importanteng gawin pero I’m giving time for this!”
“I’m sorry.” Mahinang sabi niya.
“Look, Cloud, sabihin mo lang ngayon kung kailangan ka na naming palitan. If you can’t do this...If you really don’t care...”
“Is that what you think? That I don’t care?” Halata sa mukha niya yung inis.
“I’m letting you choose. Kaya naming magpahanap ng ibang model if you can’t attend to your responsibilities and obligations. Hanggang ngayon ba naman, Cloud ha? Hanggang ngayon ba hindi mo kayang panindigan yung mga nagiging desisyon mo? Hanggang ngayon tumatakas ka na naman sa mga responsibilidad mo!???” Galit na sabi ko sa kanya. Whoo, just thank God at soundproof tong opisina ni Cloud, at least we don’t get to attract attentions.
“Ano bang ikinagagalit mo??? Yung hindi ko pagpunta? O dahil si Ghem ang kasama ko? If you could just let me explain everything...Rain...” Ramdam ko yung pagmamakaawa sa boses niya pero hindi na ako magpapadala.
“Would you go tomorrow?” I asked him pokerface.
“What? Of course.” Naguguluhang sagot niya.
“Make sure I’ll see you tomorrow. Dahil kung hindi, you will never see me again here. Asahan mo na papalitan ka na namin. And the next time we’ll see each other...Magkaharap na tayo sa korte.”
.
.
.
Time check: 2:00pm
Pwede na akong umalis tutal 5 hours lang naman minimum hours ko dito sa kumpanya ni Cloud eh. I don’t plan to stay any longer. I need to relax myself. So I went to the mall para mag-shopping. I also treat myself for a new haircut and everything. Pagdating ko naman sa unit ko nanuod lang ako ng ilang movies hanggang sa makatulog ako.
I really need some relaxing since tomorrow is our supposed-to-be second photoshoot kaya nga lang hindi yun natuloy. So tomorrow would be the first.
.
.
.
*ting *ting (sound ng doorbell)
“Shocks! Nasa banyo pako eh!” Sino naman kaya tong nagdo-doorbell?
*ting *ting
*ting *ting
“Aba’y natuwa.” Psh.
*ting *ting
“Wait lang!!!” Rain naman, ang layo ng pinto, baka marinig ah. Idiot!
Dali-dali akong nagbanlaw tapos nag-robe.
Pagbukas ko ng pinto, “Woah!”
“Ikaw!? Anong ginagawa mo dito!?” Si Karvy po. Hay nako. “May pasok pa’ko. An gaga-aga naggagala ka na naman!?” Inis na sabi ko sa kanya.
“Papapasukin mo ba ako or what?” Nakangiting sabi niya.
“No.” Sagot ko.
“Sige na.” Tapos eh medyo tinulak niya ako papasok para makapasok siya sa unit ko. At nung nakapasok na siya. Ayun, dire-diretso sa kusina. Aba’t! “Wow, ang daming food! Luto mo ba lahat to? Asan yung microwave—ah ayun! Makikiinit ako ng pagkain ah! Hmmm mukhang masarap to ah! Hahah!”
Umiling-iling na lang ako at umakyat sa kwarto. “Magbibihis lang ako.”
.
.
.
“Rain, hindi ko alam na masarap ka pa lang magluto. Hehehe. At dahil alam ko na, lagi na akong pupunta dito.” Aba’t ngiting-ngiti ang loko.
“Bilisan mo kumain tapos umalis ka na. May photoshoot pa ako ngayon.” Sabi ko sa kanya tapos iniayos ko muna sa sala yung mga gamit na kailangan kong dalhin. Nagdala kasi ako ng mga extrang damit.
“Ay oo nga pala, model ka nga pala.” Sumunod siya sa akin sa sala tapos doon na kumain. “Kumain ka na ba? Kain ka muna oh.” Tapos inabot niya sa akin yung homemade pizza ko.
“No thanks, busog ako.”
“Asus, baka nagda-diet ka lang kasi photoshoot mo. O so clever of me! Hehe.” Ang ewan talaga nitong isang to. “Pero kain ka na kasi...”
“Ayoko nga kasi—umphhh asdfghjkl” Isubo ba naman sa bibig ko yung pagkalaki-laking pizza! “Ano ka ba!”
“Haha, ayaw mo kasi kumain eh!” Tapos tumawa lang siya habang patuloy pa rin sa pagkain. Halos maubos nga lahat ng stock food ko dahil sa kanya eh.
“Ipag-grocery moko ah! Ang takaw mo!”Sabi ko sa kanya sabay haggis ng unan.
“Aw!” Hahah! Buti nga!
“Dalian mo na. Alis na’ko.” Naiinip na sabi ko.
“Hatid na kita.” Sabi niya. “Peram muna ako nitong Tupperware mo ah? Magte-takeout ako.”
“Ang kapal ng mukha mo! Wala ka bang hiya sa sarili mo?” Hay nako. Ang epal ng mokong na’to. Siya na ang pinaka-makapal ang mukha na tao na kilala ko.
“Wala. Pagdating sa’yo.” Pagtingin ko sa kanya, seryoso yung mukha niya tapos bigla siyang tumawa. Baliw. “Hatid na kita.”
“Wag na.” Tapos kinuha ko na yung mga gamit sa sofa pero kinuha niya rin sa kamay ko yung mga yun.
“Wag kang makulit. Hahatid na kita.” At dire-diretso na siya sa paglabas sa unit ko kasama yung mga pagkaing ninakaw niya lol.
BINABASA MO ANG
SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)
RomanceFive years ago... Cloud Sylvana was a well-known casanova, while Rain Skye Lopez was a geek. Five years after... Cloud Sylvana became a successful business man, while Rain Skye Lopez became a famous fashion designer. What if one day they meet each o...