CHAPTER 46

901 24 0
                                    

CHAPTER 46

Pagkatapos ng basta-bastang pagalis ni Cloud ehh hindi na namin tinuloy yung laro. Wala na ehh, hindi na masaya.

"Ano ba yan, di pa nga natatapat sa'min ni Coleen yung bote eh." Inis na sabi ni Victor. So...does that mean...

"Kayo pa?" Tanong ko sa kanila.

"Tayo pa ba?" Seryosong tanong ni Victor habang nakatingin kay Coleen. Magkatapat sila actually at kanina pa eh pansin ko na hindi sila nagi-imikan kaya nga akala ko parang Mawu at Paolo lang sila ehh.

"Ewan ko sa'yo. Tayo pa nga ba?" Sagot naman nito. Ang gulo ng dalawang ito ah? Halata namang mahal pa rin nila isa't-isa ehh. Pero yun nga, LQ sila. Ano naman kayang pinaga-awayan nitong dalawa?

"Sorry na kasi." Sabi ni Victor. Tahimik lang lahat actually maliban sa kanilang dalawa. Para tuloy kaming nanunuod ng teleserye. Hays. Magbati na kasi kayo. Ang e-ewan niyo.

"Sabihin mo yan sa alak at sa babaeng kausap mo last week." So last week pa silang magkaaway? Ang tagal na nun ah. Pero infairness naman dito kay Victor kahit ang tagal na nilang magkaaway ehhh mukha namang gumagawa talaga ng paraan ito para magkabati sila ni Coleen.

"Paulit-ulit na lang ba tayo? Kaibigan ko nga lang yun." Pagpapaliwanag nito.

"Kaya pala magkayakap kayo?" Inis na sagot ni Coleen. Naku, mas malala pa rin yung nangyari sa'kin. Hindi lang magkayakap! Naga-anuhan pa! At malay ko ba, baka sa mga panahong ito eh may milagro na naman silang magawa. Aysh, bakit ko ba sila iniisip!!!

"Kasi nga may problema siya. Kahit itanong mo pa sa kanya eh." Halatang naiinis na siya kakapaliwanang kay Coleen.

"Whatever." Tapos eh nag-walkout rin ito. Sinundan naman siya ni Victor.

"So, mukhang good night na ito???" Sabi ni Mawu. "Hays, osige, tutal may two days pa naman tayo eh, magpahinga muna tayo ngayong gabi. Alam ko naman pagod ang lahat sa byahe. Sana bukas malamig na yung isip ng lahat." At umalis na rin siya.

"Mawu! Wait up!" Tawag ni Gerald sa kanya bago siya lumingon sakin. "I'll just talk to her." Then I nod.

Isa-isang nagtayuan lahat. Balak kong mag-stay muna dito, wala lang, gusto ko lang magpahangin. Tsaka, masarap tignan yung dagat, sobrang tahimik.

"So..." Mahinang sabi ni Celyn. Siya at ako na lang ang naiwan dito. "Aren't you going to sleep already?"

"Ahm, not yet, magpapahangin lang ako. Ikaw?" Sagot ko.

"Gusto lang kitang makausap, actually." Mahinang sagot nito.

"What about?"

"Ahm, gusto ko lang mag-sorry para kay Kuya. I know it wouldn't help, maybe it's too late to say this, but I know, I can feel it, Kuya still loves you." Tumingin ako sa kanya at nakita kong seryoso siya. Knowing Celyn, or at least Cloud told me before, she was always joking around, she's always bubbly.

"Paano mo naman nasabi yan?" Alam kong hindi ko dapat pa pahabain yung usapan kung tungkol lang din kay Cloud pero wale ehh, gusto ko ring malaman. Mahina ba talaga ako pagdating sa kanya?

"I could just tell. By the way he looks at you or steal glances at you, ikaw lang eh, sa'yo lang siya ganun."

"I don't know. I'm not feeling the same way, Celyn." Sagot ko.

"Siguro dahil natatakot lang si Kuya Cloud na i-reject mo after what he did to you? Alam mo, Ate Skye, ayokong maniwalangg nagawa niya yung nagawa niya sa'yo before, the reason you are not together anymore right now. Pero sure akong mahal ka niya, because after you left, I could not talk to him like how I used to when he still had you. Tahimik siya lagi hanggang ayun nga, one day, he told everyone in the family that he wants to go to U.S. Ang reason niya eh para doon mag-aral to manage the company. Pero alam kong hindi totoo yun. He studied there, busied himself. He rarely called us nga eh. Then eventually, that Ghem followed him there. Hindi ko alam bakit pumayag si Kuya na sumama si Ghem sa kanya. I could tell he's sometimes annoyed by her presence, but he did not do anything to make Ghem leave him." Yun ay dahil ang akala ni Cloud ay may sakit si Ghem.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon