CHAPTER 31 - FIRST PHOTOSHOOT

947 28 1
                                    

CHAPTER 31 – FIRST PHOTOSHOOT

“So...dito ka pala photoshoot niyo ngayon? Haha, infairness, first time kong makapunta dito.” Masayang sabi ni Karvy pagdating na pagdating namin dito sa venue.

“First time mo bang makapunta ng garden? Ang OA mo.”

Inayos ko na muna yung mga gamit ko doon sa kunyaring dressing room sa loob ng tent.

“Ms. Rain! Good morning po!” Bati sa akin ni Jonica.

“Goodmorning din. Is Cloud here already?” Tanong ko.

“Not yet po. But he’s already on the way.” Sagot nito. Nako, Cloud, siguraduhin mong pupunta ka. Kung hindi, tsk.

“Ah, sige...”

“Ma’am, tawag na po pala kayo nung makeup artist, mag-ready na daw po.”

“Okay, susunod na’ko.” Sagot ko. “Karvy, aalis ka na ba? Magaayos na’ko ha.” Sabi ko sabay labas doon sa tent.

“Grabe ka naman, pinapauwi mo na ako? Tsk. Manunuod ako noh!”

“Wala ka bang trabaho?” Puro kasi panggu-good time trip nitong mokong na to eh.

“Nah. Vacation lang naman ako dito. At tsaka ayoko nga mag-trabaho doon sa company nila dad. May iba kasi akong interest eh.” Sabi nito. “Magiikot lang ako. See yah!” Tapos kumaway pa sa akin bago umalis.

.

.

.

“So...who is he? Araw-araw na lang bang may bagong maghahatid sa’yo?” Tanong sa akin ni Cloud. Tinignan ko lang ito ng masama at tumalikod na. Inaayusan pa kasi ako nung makeup artist, pero retouch lang naman. Nagpe-prepare pa kasi yung photographer. “Ha-ha-ha. C’mon, Skye, don’t tell me you’ve become a player now...”

Hinarap ko siya tsaka nagsalita, “So what if I became a player? Wanna be played?” Then I smirk. Hindi ko inaasahan na sasabihin ko yun. Pero tama lang yun, at least malalaman niya na yung dating pinaglaruan niya, ehh hindi na basta-basta maloloko ngayon.

For a moment, we do not speak. We just stared at each other.

“Rain! How lovely! You look great!” Nagulat na lang ako nang may yumakap sa akin. Si Ghem. What is she doing here? Ohh maybe, moral support sa boyfriend niya.

“Ahm...thanks. Saglit lang ah, may hahanapin lang ako.” Tapos eh tumingin-tingin ako sa paligid na tila may hinahanap.

“Oh, are you looking for Karvy? Yeah, he’s Karvy right? The one we met last Saturday? How sweet of him naman na ihatid ka pa niya. I found him outside. Mahilig pala siyang mag-take ng pictures???” Masayang sabi ni Ghem. So...photography pala ang hilig ng mokong. I didn’t notice na may dala siyang cam ngayon.

And that’s when I remember, nung nag-dinner pala kami last Saturday, after namin kumain doon sa restaurant, eh naglakad-lakad muna kami while he’s taking pictures of anything.

“Ah...Okay...I’ll just go to him. Maiwan ko muna kayo...” Sakto namang papasok si Karvy na may dalang camera.

“Woah! Picture naman diyan!” Tapos bigla-bigla na lang ehh nag-flash yung camera niya taking picture of my most shocking face! Ugh!!!

“I-delete mo yan, Karvy!” Inis na sabi ko sa kanya while trying to get his camera.

“Idi-delete ko pag nakuha mo! Hahahah!” I tried to reach it pero mas matangkad siya sa akin ng ilang inches kaya kahit naka-heels pa’ko ehh hindi ko talaga maabot!

“Karvy! Ano ba!!! Akin na yan!!!” Pilit ko pa rin inaagaw yung camera sa kanya.

“Ang cute mo kaya dito! Hindi ko idi-delete to!!! Hahahahah!”

“What the hell are you two doing!?” OMG. Siya yung masungit na baklang director ng photoshoot namin. Kung may kinakatakutan man ako sa buong buhay ko, siya yun. Si Mr. Zidjian Floro! Well, close naman kami, tsaka mabait naman siya. Pero sa kanya, kapag trabaho, trabaho talaga.

“Ahh...eh...sorry. So are we about to start?” Tanong ko sabay ayos ng damit ko. Paano ba naman ehh halos magusot na siya kakaagaw ko ng camera kay Karvy. Aysh, sayang naman tong mga dinesign ko!

“Pumunta na kayong dalawa doon sa platform, Rain and Cloud! C’mon faster!” Sigaw ni Zidjian. Sa buong buhay ko, sanay na ako sa mga ganitong bagay since model na ako dati pa. Pero etong moment na ito? Sobrang ang awkward. Ilang minuto kaming nakatayo lang ni Cloud doon. Si Zidjian naman ehh pabalik balik yung tingin sa aming dalawa. “Oh my goodness!!! Hindi niyo pa ba alam kung anong gagawin ninyo??? Bakit nakatunganga lang kayong dalawa diyan!? Aren’t you two already briefed about the pose and such!? My goodness! Mia! Mia!” Tawag niyo doon sa isang staff.

“Yes, Mr. Floro?” Natatakot na tanong nito.

“Hindi pa ba sila nabi-brief??? Oh my goodness! Ang sakit niyo sa bangs ko!” Iritang sabi nito. “Now, you two...” Turo niya sa aming dalawa. “Look at each other!”

At yun naman ang ginawa namin ni Cloud. We looked at each other. Pero sa totoo lang, sa ilong niya lang ako nakatingin.

“Of course, I wanted that look of passion! Hindi yung bastang tingin lang!” Sigaw ni Zidjian.

There was flashes from the cameras.

I inhaled deeply. Kaya ko to. Look of passion daw oh? Tumingin ka lang sa kanya na parang mahal mo siya! Omg! Nakakasuka!

“Lumapit naman kayo sa isa’t-isa! Ano ba! May sakit ba yung isa sa inyo at ayaw niyo magdikit! My goodness, Rain! Kapag hindi mo inayos yan, ako ang papalit sa’yo!” Grabe lang ha? Ako pa ang may problema? So kaylangan ako ang lalapit!? Tsk! Rain naman kasi, isipin mo para yan sa career mo!

Nagulat na lang ako nang hinawakan ako ni Cloud sa bewang para ilapit sa kanya. Bigla na lang ehh magkalapit na kami ng mukha.

*flash

“OMG, Rain! What’s with the shocking face! Sumasakit ulo ko sa inyong dalawa! You two are the most in-demand models nationwide tapos ganito ipinapakita niyo ngayon sa akin!?” Iritang sabi ni Zidjian. Maya-maya ehh lumingon siya sa paligid.. “I need a male! C’mon! Give me one male now!!!” Everyone looks at Karvy.

“W-what???” Gulat na gulat na tanong ni Karvy. Paano ba naman ehh maliban kay Cloud, si Karvy na lang ang isa pang lalaking ma-appeal dito. Kokonti lang naman kasi kami dahil hindi naman sa studio yung photoshoot so limited lang yung mga staff kaya lahat ehh nakatingin ngayon kay Karvy.

“C’mere, you, handsome lad...” Sabi ni Zidjian. Sumunod naman si Karvy. Tapos bigla na lang siyang hinatak ni Zidjian papunta sa platform. “You sit there like a model. Beside Rain.”

“Huh?” Naguguluhang tanong ni Karvy. Pati kami naguguluhan eh.

“Just do what I said! Sit!” Sigaw ni Zidjian. Agad namang sumunod ito.

“Now, you Rain, lay sideways beside him facing the camera now!” And I immediately obliged. “Move a little upward, going to this young lad. Put your left arm across his legs, Handsome, look at her with Passion. Rain, face the camera now...AND CAPTURE!” Sigaw ni Zidjian. Tapos pumunta siya doon sa monitor kung saan agad naii-store yung mga captured photos. “PERFECT! This is perfect! Handsome, what’s your name???”

“Err, Karvy.” Tipid na sagot ni Karvy. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.

“Okay, Karvy. Let them fix you! C’mon! Dress this handsome young man over here! And now, I need a young lady as well! Cloud needs a new partner!”

OMG. What is happening???

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon