CHAPTER 19 - UNKNOWN NUMBERS
Pagkadating ko sa bahay, nahiga na agad ako. Ewan ko ba, hindi naman ganoon kadami ang trabaho ko ngayong araw pero pakiramdam ko eh pagod na pagod ako. Buti na lang at hinatid ako ni Gerald. Kotse ko yung gamit niya pero siya na yung nag-drive. Tinanong ko siya kung paano siya uuwi, ang sabi niya ehh magta-taxi na lang daw siya. Hay, ang bait talaga ng bestfriend ko, minsan pakiramdam ko abusado na ako. Haha.
Buong araw niya akong kinulit kung okay lang ako, buti na lang ehh kanina eh tumigil na siya. Ayokong magpaliwanag eh. Ayokong ikwento sa kanya yung tungkol sa ginawa ni Cloud.
Ilang minuto din akong nahiga, just looking at the ceiling of my room. I've been working at Cloud's for almost three days, but it feels like a week already. Siguro, after nung shoot, baka mag-focus na lang ako sa modelling agency at sa boutique ko. Aalis na ako sa opisina ni Cloud afterall, wala na rin naman akong gagawin doon eh. Tapos na rin siguro yung contribution ko doon. At tsaka I don't think magkakaroon pa kami ni Cloud ng photoshoot together after next week eh. Kung sakali man, ayoko na.
At tsaka sabi ni Gerald, after daw magawa nung magazine namin, pwede na kaming umalis sa company ni Cloud. Nandoon lang naman kami kasi ni-request ng kumpanya nila dati na magtrabaho sa kanila kapalit ng pagmo-model ni Cloud. Maganda naman offer nun sa amin so nag-isip kami. Ang babang reason noh? Pero kasi hindi pa namin alam na si Cloud pala may-ari nun, so pumayag si Gerald since malaking tulong si Cloud sa sariling kumpanya ng pamilya niya. Actually, hindi naman talaga ako ang dapat na nagtatrabaho doon ngayon eh. Si Nikki naman kasi talaga dapat eh kasi hindi ako pumayag nun. Kaya lang, last February, ikinasal na siya. Actually, late ko lang din nalaman eh, nung kinasal na siya. Hindi naman kasi sa church o sa beach yung wedding eh, private daw. Ayaw kasi ni Nikki ikasal sa church kasi hindi daw niya mahal yung si Jester (yung pinakasalan niya.) Hindi ko pa nga nakikita yun eh. Ang sabi niya, laging wala yun kasi kung sinu-sino yung babaeng dine-date. Tsk, ewan ko sa kanila, magasawa sila pero iba-iba yung nilalandi. Okay lang naman sa kanila. Ang alam ko nga, based on Gen's story, may bahay sila nung asawa niya pero hindi sila tumutuloy dun pareho. Hindi naman daw aware yung parents nila kasi may usapan na silang sweet lang sila pagkaharap ang parents nila.
So ayun, since newly-wed lang sila, ayaw paalisin sa France si Nikki ng parents niya. Hindi naman sa France naninirahan ang parents ni Nikki ngayon pero ang alam nila eh magkasama si Jester at Nikki since bagong kasal lang sila. Hindi nila alam na kung saan saang lupalop ng mundo pumupunta ang asawa ng anak nila para mambabae at hindi din nila alam na kung saan saan pumupunta si Nikki para manlalaki. Psh.
Pero kahit na yan yung kwento nila, feeling ko may tinatago pa rin si Nikki sa amin eh. Hindi ko lang alam kung ano. Osha, tama na kwento tungkol kay Nikki, storya ko 'to eh. Psh.
Maya-maya, naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko. Hinanap ko ito sa kama at tinignan sa screen kung sino ang nag-text. Naka-silent mode kasi phone ko these pastfew days kasi ayoko ng may music eh. Naiinis lang ako nang wala sa oras.
Eto na naman yung unknown number na kung tama ang pagkakaalala ko, number iyon nung Karvy. Problema na naman nito!?
From: +63927*******
Hi! Saturday. *insert resto name*. I'll pick you up at 6:00 pm. ;)
BINABASA MO ANG
SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)
RomanceFive years ago... Cloud Sylvana was a well-known casanova, while Rain Skye Lopez was a geek. Five years after... Cloud Sylvana became a successful business man, while Rain Skye Lopez became a famous fashion designer. What if one day they meet each o...