CHAPTER 15 - AT GERALD'S CONDO

1.2K 29 0
                                    

CHAPTER 15 - AT GERALD'S CONDO

Dialling Gerald...

"Hayyy, ang tagal namang sumagot ng mokong na'to. Tsk." Naglalakad na ako ngayon palabas ng opisina ko. Pupunta ako sa condo unit ni Gerald. Nai-send niya na sa akin kanina yung address niya, buti ehh walking distance lang naman pala ang layo sa pinagtatrabahuhan niya. Ang totoo niyan ehh katabi lang ng modelling agency namin yung condo na tinitirhan niya ngayon. Lapit lang noh? Haha.

Maya-maya ehh sinagot na rin niya ito. "Gerald! Buti naman at sinagot mo. Papunta na ako sa unit mo."

[Ha? Malapit ka na ba???] Tanong niya sa kabilang linya.

"Hindi pa naman. Palabas pa lang ako ng bulding eh. Pero malapit naman kasi condo mo talaga dito eh. So mga 5 minutes or more, nandyan na ako." Sabi ko sa kanya. Kinuha ko na yung susi ng kotse ko.

[Ahm...Osige, see you. Alam mo na ba papunta dito? Sunduin kita diyan. Hintayin mo'ko.]

"Wag na. Ano ka ba, alam ko na diyan noh. Ako na lang pupunta. Stay put, okay? Paghanda mo ako dinner." Natatawang sabi ko sa kanya. Medyo late na ako nakauwi kasi naman ang dami kong ginawa. Ang daming pinagawa kasi sa akin ni Cloud eh. Tsk. Hindi ko siya boss noh, but still, parang ganon na nga.

[Tsk. Dinner talaga agad eh noh? Oo na. Ano ba gusto mo?]

"Sabi ko na nga ba eh. Spoiled na talaga ako sa'yo eh noh?" Natatawang sabi ko. Lahat kasi ng hilingin ko ata sa bestfriend kong yan na si Gerald eh binibigay niya eh. Minsan nga hihilingin ako ng mansyon sa kanya, baka bigyan ako. Lols, joke lang. Hahaha.

[Tsk. Swerte mo lang. So ano nga?] Tanong niya.

"Ahm...Gusto ko ng beef steak. Haha." Sabi ko.

"Ingat po kayo, ma'am." Bati nung guard sa akin bago pa man ako tuluyang makalabas ng building. Nginitian ko lang ito dahil nga may kausap ako sa cellphone ko.

Papasok na ako ng kotse ko nang makita ko si Cloud at Ghem na magkasama. Mukhang pauwi na rin sila or baka may date. It's none of my business anyway. Bago ko pa man alisin ang tingin ko sa kanila, nakita ako ni Ghem at nginitian ako nito. "Rain!"

"Gerald, sige na ha? Punta na'ko diyan. Bye." Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya. Nginitian ko na lang sila Ghem, "Hi."

"Pauwi ka na ba?" Tanong niya sa akin tapos lumapit siya. "Sabay ka na sa amin, gusto mo?"

"Ahh...Hindi pa kasi ako uuwi ehh may pupuntahan pa ako." Sabi ko dito. At tsaka, ayoko nang makaabala pa sa inyo. At ayoko nang ma-out of place pa. Haha. "At tsaka, ano pang silbi ng kotse ko kung makikisabay pa ako sa inyo diba? Hahaha."

"Ahh sabagay. Saan ka pala pupunta???" Nagtatakang tanong niya. Hawak-hawak niya si Cloud sa braso nito kaya naman paglapit niya sa akin ehh kasama si Cloud. Nakatingin lang ito sa amin at hindi naimik.

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon