SPECIAL CHAPTER - CLOUD'S POV

1.4K 35 0
                                    

SPECIAL CHAPTER - CLOUD'S POV

CLOUD'S POV

I went to the bar after the encounter with my ex. It was Terrence' bar which I believe was already sold to someone else since he went abroad to study there. Even if we do not have connections, I still have sources in which I found out that Terrence sold this bar right before he went to France.

I still can not believe all that had happened earlier. I saw my ex. And I must say, she totally changed. Hindi na siya ganoon manamit na simpleng t-shirt, jeans at pants lang, okay na. Kanina nung nakita ko siya, nakamake-up siya na hindi naman niya ginagawa dati. She also walked so confidently wearing high-heeled shoes na sobrang hindi ko inexpect sa kanya. She talked as if nothing happened. As if, I never moved to US and she to somewhere.

Parang hindi awkward sa kanya ang pag-usapan ang nakaraan. Nakakangiti pa siya na parang wala talagang nangyari.

Hindi ko alam kung maiinis ako or what. Naguguluhan nga rin ako sa sarili ko nang makita ko siya eh. Samu't-saring emosyon yung naramdaman ko. When she started talking to me, I can't help but to stare at her lovely angelic face, although yung attitude niya towards me? Ang laki ng pinagbago.

After what I did to her five years ago, she's supposed to be angry at me pero bakit ni konting galit wala akong nabakas sa mukha niya? Was she really over me?

Hindi ko alam pero naiinis ako lalo sa naisip ko. Bakit ba ganito pa rin ako ka-apektado!? What's there to feel if she's already moved on? Hindi ko na alam. Hindi ba dapat lang talaga iyon dahil sa nagawa ko sa kanya?

Pero we never talked about it. Ni hindi nga kami nagkausap na ulit after nung nangyari...

Fvck! Bakit ko ba talaga iniisip ito! Five years na ang nakakaraan! I should never be this affected after all, we're done.

Pero sa tuwing titignan ko siya kanina, parang ayoko ng alisin ang mga mata ko sa kanya. Nung nahawakan ko ang kamay niya, parang ayoko na itong bitawan pa. Ano bang nangyayari sa akin. Sa totoo lang, wala na akong mukhang maihaharap sa kanya eh. Kaya sa tuwing tinatanong niya ako kanina, isang tanong, isang sagot na lang ako.

Ang totoo niyan, kinakabahan ako sa maaari kong gawin o sabihin. There's one thing for sure, I miss her. I miss her so much that I badly want to hug and kiss her. Pero hindi na gaya ng dati ang sitwasyon eh. I already lost her. Wala na. Wala na siya.

"Strongest one." I said to the bartender after he asked for my drinks.

Maya-maya eh binigay niya na rin ito at walang ano-anu'y tinungga ko na ito. Hindi ko talaga maintindihan sarili ko. Naiinis ba ako dahil parang wala na lang sa kanya lahat? O mas naiinis ako sa sarili ko kasi naiinis ako!? Ano ba! Ughhhh!

After, more or less ten minutes, I felt my phone in my pocket vibrating. Sino naman kaya itong natawag? Istorbo.

I answered it, "What do you want?"

"Ahh...ehh...sir..." Ah, yung secretary ko lang pala. Tsk. "I just want to ask you kung natuloy po ba yung meeting niyo with the representative of the *insert name* company?"

"Yes. Yes. Anything else?" Naiinis na naiinip kong tanong. Tsk. Gusto kong mapagisa ngayon eh!

"Ahh...Wala naman na p---" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at pinatay na yung phone ko.

"Isa pa!" I commanded the bartender. Halatang natakot naman ito kaya binigyan niya ulit ako ng order agad-agad. Tsk. Kapag ganitong badtrip ako, lahat ng gusto ko, dapat nakukuha ko!

"Hi, handsome..." Malanding sabi ng babaeng hindi ko naman kilala. Tsk.

"Nandito ako para mapag-isa." Sabi ko sa kanya at tinungga ko na naman yung baso ng alak. Umalis naman agad ito marahil ay natakot dahil sa tono ng boses ko.

Hindi ko na alam talaga ang nangyayari sa sarili ko, matapos kong umalis ng bansa noon, gusto ko laging mapag-isa. Lagi akong nasa bar at umiinom pero hindi na ako kagaya ng dati na kung sinu-sinong babae ang kahalikan and such. I just feel like drinking hanggang sa makalimutan ko lahat....

Pero kahit na anong gawin kong pagtakas sa problema, nasusundan at nasusundan pa rin ako nito. Nakakainis na! Ngayong bumalik na ako sa Pilipinas, susundan na naman ba ako ng problemang akala ko ehh natakasan ko na?

Fvck! I'm going insane!

At ngayon, makakatrabaho ko na siya ulit. Paano ko ba pipigilan ang sarili ko? What should I do???

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon