CHAPTER 4 - IRRITATING
RAIN'S POV
"Hija, so ano namang naisipan mo at umuwi ka agad-agad dito sa Pilipinas? I thought you're loving France." Mom said while we're eating dinner together. I miss these times, me eating together with my mom and dad. How I wish I had a younger sibling, sad to say, hindi na nabiyayaan pa eh. Haha. But it's all right, I have a very caring, supportive, and loving father and mother! Kahit ano pang ginawa nila sa amin noon ni Chalton, pinatawad ko na sila. I know they already changed. At yun ang mahalaga.
"Of course, I do. But I love Philippines more, mom. And I miss you a lot kaya! Isn't that enought reason for me to stay here?" Naka-pout pa na sabi ko. Ang sarap kumain, actually kasi sobrang gutom na gutom na talaga ako. Pero mas masarap kumain habang kakwentuhan ang mga mahal mo sa buhay. Hehe.
"Eto naman... Hahaha, I miss you more, anak. Ikaw talaga. Ang swerte talaga namin ng daddy mo sa unica hija namin." Masayang sabi ni mom.
Ngumiti naman ako. "At ang swerte ko din dahil sa inyo!"
"Rain, anak, hindi ka na ba galit sa amin ng daddy mo? I mean... you already know what happened, hindi ba? We're so sorr---"
I cut them. "Ma, wala na po iyon. Ang importante ngayon, is that I already moved on from the past. Masaya na ako sa buhay ko ngayon, at alam kong ganoon din si Chalton. Napatawad ko na rin siya at sinabi ko iyon sa kanya before I left this country." Nakangiting sabi ko sa kanila. Totoo naman eh, wala na yung sakit ng nakaraan ko. Dahil kapag kinimkim ko yung galit, masasaktan lang ulit ako at yun ang iniiwasan ko.
"Mabuti naman, anak, ang tagal na rin pala nating hindi nakapag-kwentuhan noh?"
"Oo nga, ma eh." Paano naman kasi, ang tagal na namin halos walang bonding. Nung umuwi ako dito sa Pilipinas mula sa England, sila Mama Theresa ang kasama ko. Nung pumunta naman akong France, nasa England pa rin sila mommy. Nagkikita kami paminsan-minsan kapag pumupunta silang France but because of business, saglit lang ang pags-stay nila.
Pero buti na lang talaga at dito na talaga sila sa Pilipinas titira. At malapit lang kami sa main company kung saan pareho sila ni mommy na nagtatrabaho. Sabi ko nga sa kanila, ako nang bahala tutal graduate naman na ako, pero mapilit sila, hangga't kaya pa daw nila, magta-trabaho sila. For the sake of future use daw eh.
Kaya naman proud na proud ako at sobrang sipag nila mom and dad.
"O sige na, hija, kain lang nang kain ha? Ubusin mo yang lahat. Alam kong pagod at gutom na gutom ka na..." Sabi ni dad. At ayun nga, ang dami kong nakain. Makatulog kaya ako nang ayos mamaya neto? Hahaha.
*********
The next day...
I am actually driving right now. I am about to go to the mall. Mamaya kasi bibisitahin ko sila Mama Theresa, Lily, and Jacob. Magsho-shopping lang ako saglit tapos bibilhan ko na rin sila ng pasalubong. Hindi ko pa kasi naaayos yung gamit ko dahil nga nakatulog ako agad kagabi. Ewan ko ba... Pagod talaga siguro ako tapos medyo jetlag pa. Maliban sa mga pasalubong ko sa kanila na nasa bahay, gusto ko ring mag-shopping ng ibibigay ko sa kanila. Kulang pa ito syempre, kasi naman ang tagal kong nawala sa buhay nila. Hindi kasi talaga ako tumatanggap ng connection sa kahit kanino noong nasa Paris ako.
BINABASA MO ANG
SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)
RomanceFive years ago... Cloud Sylvana was a well-known casanova, while Rain Skye Lopez was a geek. Five years after... Cloud Sylvana became a successful business man, while Rain Skye Lopez became a famous fashion designer. What if one day they meet each o...