Ikatatlong Kabanata

0 0 0
                                    

Ikatatlong Kabanata

Kuwadra

Sa sumunod na araw ay maaga akong pumunta sa hacienda. Hindi pa man tumitilaok ang manok at sumisikat ang araw, abala na ako sa paglilinis sa mansyon ng mga Esquivel. Kasama ko si Lina na kagaya ko ay maaga ring naggising, habang naglilinis sa sala. Nililinis ko ang malaking bintana na gawa sa salamin, habang siya naman ay sa mga mamahaling muwebles.

Naihinto ko ang kamay kong may hawak na basahan mula sa pagpupunas sa bintana nang may marinig akong mga mabibigat na yabag mula sa engrandeng hagdanan. Mula sa kinatatayuan ko ay naamoy ko kaagad ang isang pabango ng lalaki. Bumilis ang tibok ng puso ko nang sumagi sa isip ko ang maaaring pinagmulan ng mabangong amoy na iyon.

Napapitlag ako nang bigla na lang tumikhim ang senyorito. Mabilis pa sa alas-kuwatrong pumihit kami paharap sa kaniya at bumati.

Yumuko kaming dalawa ni Lina at hinintay ang sasabihin niya.

"Ano po 'yon senyorito?" Nanginginig ang boses ni Lina habang tinatanong si senyorito Raiden.

"Inform Manang Tesing to clean my room today," utos nito kay Lina.

"Sige po, senyorito," magalang namang sagot ni Lina sa kaniya.

Hindi kagaya ko, nakakaintindi ng ingles si Lina dahil kahit papaano ay nakapagtapos siya ng elementarya. Mabuti na lang talaga at magkasama kaming dalawa ngayon para hindi ako magmukhang tanga sa harapan ng senyorito.

Walang nang sinabi pa ang senyorito bago ito tuluyang umalis sa harapan naming dalawa ni Lina. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil do'n.

"Pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin," naghihingalo kunyaring saad ni Lina sa akin. "Bigyan niyo ako ng hangin, ngayon na!" Tumingala na siya sa kisame na para bang humihingi ng tuloy sa nakakataas.

Napabuga naman ako ng hangin dahil sa pag-arte niya. Nagsisimula na naman siya sa paghanga niya sa senyorito.

"Tama na nga 'yan Lina! Maglinis na lang ta'yo!" Sita ko sa kaniya nang hinawakan na niya ang kaniyang dibdib na parang hinimatayin na ano mang segundo.

"Iligtas mo ako Cherry! Maawa ka sa puso kong nalulunod na." Ngayon naman ay para na siyang isang makata kung kumilos. Napailing na lang ako sa kalokohan niya at iniwan siya sa kinatatayuan upang ipagpatuloy ang paglilinis.

Bandang alas sais y media ng umaga, tinulungan namin ang ibang katulong sa paghahanda ng agahan ng senyorito. Mabuti na lang at pinili niyang kumain sa hapagkainan ngayon at hindi sa kaniyang sariling opisina. Baka hindi ko na talaga alam ang gagawin kung sakaling ako na naman ang mapag-utusang maghatid ng pagkain sa opisina niya.

Nanatili kami sa gilid ng mahabang lamesa kung saan nasa dulo nito nakaupo si senyorito Raiden. Tahimik siya kumakain ng agahan habang naghihintay naman kami sa gilid para sa maaari niyang iutos sa amin.

Nakamasid lang ako sa kaniya habang kumakain siya. Ang pag-angat ng kamay niyang may hawak ng kutsara't tinidor. Ang halos pumuputok niyang mga ugat sa braso at ang pag-igting ng panga niya habang ngumunguya siya. Napapalunok ako kapag tumataas-baba ang bukol na nasa leeg niya.

Hindi ko dapat 'to ginagawa pero hindi ko mapigilan ang sarili. Napayuko ako nang nag-angat siya ng tingin pagkatapos ay nilingon ang direksyon ko. Nakagat ko ang labi ko at mariing ipinikit ang mga mata. Baka naramdaman niya ang pagmamasid ko sa kaniya at hindi siya naging komportable roon. Sana lang talaga ay hindi siya magalit sa'kin.

Pagkatapos kumain ng agahan ng senyorito, umalis ito para mangabayo. Nautusan naman ako ni Manang Tesing na puntahan ang beterinaryo na siyang gumagamot ang mga kabayo sa kuwadra ngayon. Ang ilan kasi sa mga kabayo rito ay nagkasakit, ang iba naman ay kailangan tingnan ng beterinaryo upang masuri.

Tahimik kong tinahak ang damuhang daan papunta sa kuwadra. Ang sout kong puting bestida ay sumasayad sa damong inaapakan ko. May mga nakakasalubong akong mga katiwala sa hacienda na nakangiti kong binati isa-isa. Dahil matagal na rin naman ako rito, kabisado ko na ang pangalan ng ilang mga katiwala.

Sinilip ko ang tarangkahan ng kuwadra upang hanapin ang beterinaryo. Pumasok ako sa loob nang hindi ko siya nakita. May mga nakikita akong iba't-ibang klase ng mga kabayo sa bawat kulungan na nasa loob ng kuwadra. Sinisilip ko ang bawat kulungan na nadadaanan ko, nagbabakasakaling isa roon ang kinaroroonan niya. Hanggang sa makarating ako sa dulo ng kuwadra ay hindi ko nakita ang beterinaryo.

Nasa huling kulungan na ang narating ko pero ni anino ng beterinaryo ay hindi ko nakita. Napabuntonghininga ako at maglalakad na sana pabalik sa labas nang bigla na lang may puwersang humila sa akin at idinikit ako sa pader.

Ang bilis ng tahip ng dibdib ko dahil sa nangyari. Mabilis na nagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa gulat at kaba. Mas lalong nagwala ang puso ko nang marinig ang malalim niyang paghinga.

Nang tumingala ako, nagtagpo ang mata naming dalawa. Napalunok ako sa sobrang lapit ng mukha namin at sa intensidad ng tingin ng mga maiitim niyang mga mata. Halos magdikit na ang katawan namin sa sobrang lapit niya. Hindi pa nakatulong na naiipit ako sa pagitan ng pader at ng katawan niya. Nasa gilid ko ang isa niyang braso na nakatukod sa pader na nasa likuran ko.

"S-senyorito..."

Parang nawalan ng hangin ang baga ko nang dumapo ang tingin niya sa mga labi kong bahagyang nakabuka. Naglumikot ang mga mata ko at hindi siya matingnan ng deretso sa mga mata.

Nag-init ang mukha ko nang hinawakan niya ang baba ko at inangat ito. Nagtagpong muli ang mga mata namin ngunit saglit lang 'yon nang tumingin na naman siya ulit sa mga labi ko.

Halos hindi na ako makahinga nang mas inilapit pa niya ang sarili sa akin. Kahit wala nang maatrasan, mas idinikit ko naman ang sarili ko sa pader.

"What are you doing here, Cherry?" malalim ang boses ang ginamit niya habang nagtatanong sa akin. Naibuka ko ang mga labi ko at muli iyong naisara sa kawalan ng isasagot sa kaniya.

Papaanong hindi ko man lang napansing nandito ang senyorito at ang mas malala pa ay ganito na kalapit sa akin?

Nandito na naman ako sa sitwasyon kung saan ang baba-baba ko na naman sa harapan niya.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya sa matigas na tagalog.

Lumunok muna ako bago siya sinagot. Sana lang ay hindi ako mautal ulit.

"H-hinahanap ko po 'yong beterinaryo," sagot ko.

Nilingon niya ang paligid habang hindi pa rin binibigyan ng kaunting distansya ang pagitan namin.

"There's no one here, Cherry. Kanina ko pa pinaalis ang beterinaryo," saad niya na nagpagulat sa akin.

"Po?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Kanina pa nakauwi ang beterinaryo Cherry," bulong niya sa akin. Halos dumikit ang labi niya sa labi ko nang gumalaw ito dahil nagsalita siya.

"Gano'n po ba?"

Napatalon ako sa gulat nang may bigla na lang may kumalabog sa loob ng kuwadra. Napalingon si senyorito Raiden sa likuran kaya naman napsubsob ako sa hubad niyang dibdib. Dumikit pa ang labi ko sa pawis na tumutulo sa dibdib niya. Bumalik sa akin ang atensyon ng senyorito nang magsalita ako sa pagitan ng dibdib niya at labi ko.

"Ano po 'yon senyorito?" Kinakabahan kong tanong.

Baka mamaya may nakakita sa aming dalawa at mas malala pa ay sa ganitong posisyon pa talaga. Hindi ko yata kakayaning masangkot sa usapan. Minsan pa naman ay mabilis maniwala at maghabi ng ibang kuwento ang mga tao kahit na taliwas ito sa katotohanan. Oras na naniwala na sila at nakatatak na sa isip ang nahabing kuwento, mahirap na para sa kanila ang makinig na para sa katotohanan.

Naramdaman ko ang mabikis na pagtibok ng puso ng senyorito bago malutong na nagmura at lumayo sa akin.

Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwalang sinundan siya ng tingin habang naglalakad siya paalis sa kuwadra.

Nabigla ako nang umalingawngaw ang halinghing ng kabayo sa boung kuwadra.

Ano ba'ng nangyayari?



101721
1218

Incarnadine (Verdurous Series 1) - OnHoldWhere stories live. Discover now