Ikalabing Tatlong Kabanata

0 0 0
                                    

Ikalabing Tatlong Kabanata

Kondisyon

Gulat ang mababanaag sa mga mukha ng ibang mga kawaksi sa loob ng mansyon nang makita ako. Naglilinis sila sa sala at natigil iyon nang makita ako.

Nanatili ang kamay ng iba sa ere mula sa pagpupunas ng mga muwebles.

Magulo ang buhok, mugto ang mga mata at walang bihis. Ang sout ko kahapon ay sout ko pa rin hanggang ngayon.

"Cherry!" Bulalas ni Manang Tesing nang makita ako. May hawak pa siyang sandok nang makita ko. Hula ko ay galing pa siya sa kusina at nagluluto.

Maging ang ibang mga kawaksi bagaman hindi nagsasalita ay halatang nagulat sa presensya ko.

"M-manang Tesing..." Nauutal kong usal sa pangalan niya.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Hindi ba't nasa hospital ang nanay mo?"

Napaawang ang mga labi ko at napakurap-kurap para pigilan ang nagbabadyang mga luha. Napalunok ako at tinabayan ang loob para magtanong.

"Nas—" tumikhim ako. "Nasaan po sina senyor Ronaldo?" Kinakabahan na tanong ko.

Bawat segundo kong kinakagat at pinaglalaruan ang mga daliri ko habang hinihintay ang sagot nila.

Napakurap-kurap si Manang Tesing bago sumagot. "Kakaalis lang ng senyor Ronaldo at senyora Olivia hija, hindi mo ba nakasalubong sa daan?"

Mabilis akong umiling. Nag-uumpisa nang tumaas-baba ng mabilis ang dibdib ko dahil pag-aalala. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko. Masagana itong pumatak paisa-isa sa pisngi ko na mas lalong nagpa-aalala ng mga itsura nila.

"Ang s-senyorito po?" Tanong ko kasabay sa pagpunas sa mga luha ko sa pisngi.

"Bakit mo ako hinahanap?"

Napalingon ako sa may hagdanan at nakita roon ang senyorito na nakatayo habang nakatingin sa amin na parang hari'ng nakatingin sa nasasakupan niya.

"S-senyorito..." Muntikan na naman akong napahikbi nang bumuka ang bibig ko para banggitin ang pangalan niya.

Tumigas ang ekspresyon ng senyorito habang nakatayo sa puno ng hagdanan. Tiningnan niya ang iba pang mga kawaksi na ngayon ay tahimik na naghihintay sa kung ano man ang sabihin niya.

"Go back to work," aniya.

Nagtaka ako nang bigla na lang nagsialisan ang mga kawaksi at bumalik sa kaniya-kaniyang trabaho.

"Hala—" nagtataka ko silang tiningnan. "Sa— saan kayo pupunta?" Sinubukan ko silang pigilan pero mukhang ayaw nilang magpapigil sa akin.

"Sumunod ka sa akin, Cherry."

Napatingin ako sa itaas ng hagdanan nang magsalita ang senyorito. Tanging ang likuran na lang niya ang nakita ko kaya naman nagmamadali akong sumunod sa kaniya. Sumunod ako sa senyorito nang pumasok siya sa loob ng opisina niya.

Ngayon na lang ulit ako nakabalik sa opisina niya magmula no'ng hinatiran ko siya ng pagkain.

Kaya ba niya ako pinapunta rito?

Kabado akong naglibot ng tingin sa boung opisina ng senyorito. Wala namang nagbago sa loob, gano'n pa rin naman 'yon no'ng huli kong kita rito.

Halos gawa sa mamahaling mga muwebles at de kalidad na kahoy ang loob ng opisina. May isang mesa na hula ko'y gawa sa kahoy na narra, na nasa gitna ng opisina. Sa likuran nito ay ang malaking larawan ng kanilang pamilya na nakapaloob sa kuwadradong lalagyan. Katabi nito ay ang isang estante ng mga libro, puno 'yon ng iba't-ibang klase ng mga makakapal na libro. Ang nasa unahan naman ng estante ay ang isang may kalakihang bintana na may isang maliit na mesa. May nakalagay roong isang maliit na paso ng cactus na nagpangiti sa akin.

Incarnadine (Verdurous Series 1) - OnHoldWhere stories live. Discover now