Ikalabing Apat na Kabanata

0 0 0
                                    

Ikalabing Apat na Kabanata

Desisyon

Wala ako sa sariling naglalakad pabalik sa hospital matapos kong makausap ang senyorito.

Hibang mang pakinggan ngunit pumayag ako sa gusto niya. Wala na akong ibang nakikitang solusyon sa problema ko. Hindi sapat ang suweldo ko sa pagtatrabaho ko sa mga Esquivel para sa pagpapagamot sa nanay.

Kailangan ko ng napakalaking halaga para roon. Kung kailangan kong durugin ang bou kong pagkatao para sa kaniya gagawin ko.

"Cherry?" Mahinang tawag ni nanay sa akin ni nanay.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko na hindi ko namalayang tumutulo na pala sa pisngi ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago nilingon ang nanay at ngumiti ng malaki para hindi rin siya mag-alala sa akin.

Agad kong hinagilap ang kamay niya at hinawakan iyon. May kagaspangan ang kamay ni nanay at kulubot na ito. Ito 'yong kamay na nag-alaga at nagpalaki sa akin. Ni kailanman ay hindi ito marahas na dumapo sa kamay ko imbes ay isang haplos ang natanggap ko mula sa malakas na kamay na ito.

Wala akong ibang naramdaman sa ilang taong pangangalaga ni nanay sa akin kung hindi walang kapalit na pagmamahal at pag-aalaga. Kailanman ay hindi ako nakaramdam ng pagkukulang sa pagkatao ko, bagkos ay punong-puno ito at umaapaw.

Siya lang ang kailangan ko sa buhay na ito at sa susunod pa kaya gagawin ko ang lahat para sa kaniya. Ngumiti ako kay nanay at gamit ang isang libre kong kamay, hinawi ko ang puti niyang buhok na tumatabon sa magaganda niyang mga mata.

"Kumusta po ang pakiramdam ninyo?" Malumanay at malambing kong tanong sa kaniya.

Binigyan niya ako ng ngiting no'ng nakaraan ko pa gusto makita mula sa kaniya. Sa gitna ng panghihina niya ay nagawa niya pa akong bigyan ng isang maliwanag na ngiti.

"Kumusta ka hm? Maayos na ba ang pakiramdam mo anak?" Imbes ay tanong niya sa akin. Muli na namang nangilid ang mga luha sa sa mga mata ko.

Siya itong may sakit pero ako pa 'tong kinukumusta niya.

"Nay..." Napasinghot ako at pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko. "Ayos lang po ako. Magiging mas maayos ako kapag nagpagaling ka na..."

"Matanda na ako anak..."

Mas lalong tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Parang pinunit ang puso ko at pinagpira-piraso sa ilang milyong beses.

"Nay! Huwag nga po kayong magsalita ng ganyan! Gagaling po kayo..." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. "Gagawin ko ang lahat gumaling lang po kayo hm?"

"Cherry..."

"Gagaling kayo nay... Hindi mo ako iiwan 'di ba?" Umiiyak na tanong ko sa kaniya.

Umaalog ang balikat ko habang masaganang tumutulo ang mga makukulit kong mga luha. Nauwi sa walang katapusang paghikbi ko ang lahat dahil sa sakit ng sitwasyon naming dalawa.

Nanatili si nanay ng ilang araw sa hospital kaya naman hindi rin ako pumasok sa trabaho para alagaan siya. Nakausap at nakapagpaalam na ako sa senyora no'ng nakaraang araw na hindi na muna ako papasok at nagpapasalamat akong naiintindihan niya ang sitwasyon ko.

Abala ako sa pag-aasikaso ng agahan ni nanay isang umaga nang bigla na lang niya akong kalabitin. Kinuha ko ang bandeha ng mga pagkain niya pagkatapos ay umupo sa plastik na upuan. Inayos ko ang mga pagkain niya.

"Anak, gusto kong umuwi..." Mahinang saad niya. Natigil sa pag-angat ang kamay kong may hawak na kutsarang may lamang lugaw at naguguluhang napatingin sa kaniya.

Incarnadine (Verdurous Series 1) - OnHoldWhere stories live. Discover now