Ikaapat na Kabanata

0 0 0
                                    

Ikaapat na Kabanata

Pag-iwas

Dahil sa nangyari no'ng isang araw, iniwasan ko ang senyorito sa kadahilanang baka galit siya sa ginawa ko sa kaniya kahapon.

Baka nagalit siya sa katangahan ko kahapon kaya imbes na harapin siya, mas mabuti na kung ako na mismo ang iiwas. Ginawa ko talaga ang lahat para hindi ako makita ni Manang Tesing at mautusan hinggil kay senyorito Raiden.

Kung minsan ay malayo pa lang ang senyorito, lumilihis na ako ng daan upang hindi kami magpang-abot sa daan.

Naglalakad ako papunta sa mga hardin ng bulaklak na nasa likod ng mansyon nang makasalubong ko si Lina sa daan.

Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko dahil sa biglaang pagsulpot niya sa harapan ko. Ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko dahil sa gulat.

"Muntik na akong atakihin sa puso!" saad ko sa kaniya.

Natawa naman siya sa akin.

"Pasensya ka na, Cherry." Hingi niya ng paumanhin. "Kanina pa kasi kita hinahanap eh."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong. Nag-uumpisa na rin akong kabahan sa maaari niyang sabihin sa akin ngayon. Baka kasi si senyorito Raiden ang nagpatawag sa akin.

"Kanina ka pa kasi hinahanap ni Manang Tesing eh," sagot niya at napakamot sa ulo.

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam, basta pinapahanap ka lang niya sa akin. Saan ka ba kasi galing? Hindi kita mahanap sa boung mansyon," aniya.

"Ah!" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Tumulong ako sa ibang mga gawain tsaka marami naman kayo sa loob ng mansyon kaya naisipan kong gawin ang ibang bagay," palusot ko na may katotohanan naman.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na iniiwasan ko ang senyorito dahil sa nangyari kahapon sa loob ng kuwadra. 

Hinila ako ni Lina papunta sa loob ng mansyon. Natulos ako sa aking kinatatayuan nang matagpuan ang senyorito sa kusina. Nakaupo siya sa isang mataas na upuan sa 'island counter' kung tawagin nila dito at may hawak na babasaging baso na may lamang alak.

Hindi alam ni Lina kung ano ang nangyayari at kung ano ang dahilan nang hindi ko pagpapakita kay Manang Tesing lalo na ang magpakita sa loob ng mansyon. Wala rin naman akong planong sabihin sa kanila iyon.

Tumaas ang isang kilay ng senyorito nang makita ako. Kaagad naman akong yumuko upang hindi ko na makita ang mga mata niyang nagdadala ng kilabot at kakaibang pakiramdam sa akin.

"Saan ka ba galing bata ka? Kanina pa kita hinahanap," tanong ni Manang Tesing nang makalapit ito sa akin.

Mabuti na lang at hindi naman malakas ang boses niya. Sapat lang ito upang marinig ko at sapat lang din para hindi marinig ng senyorito ang pinag-uusapan namin. Baka malaman pa niyang iniiwasan ko siya at kung ano pa ang isipin niya sa akin.

"Tutulong po sana ako do'n sa hardin, Manang," sagot ko naman kay Manang Tesing.

"Don't we have a gardener for that Manang?" Biglang sabat ni senyorito Raiden sa usapan namin.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Ibig bang sabihin nito ay naririnig niya ang pinag-uusapan namin ni Manang? Gano'n ba katalas ang pandinig niya na kahit ilang dipa ang layo ng kinatatayuan namin sa kinaroroonan niya ay narinig niya pa rin kami?

"Mayroon naman po senyo—" hindi pa man tapos magsalita si Manang ay pinutol na kaagad siya ng senyorito.

"Then why does Cherry's doing their job? Instead of doing her job inside the mansion, she's doing someone else's job," saad pa ng senyorito.

Incarnadine (Verdurous Series 1) - OnHoldWhere stories live. Discover now