Ikalabing Walong Kabanata
Siyudad
Nanghihina akong naglakad papunta sa kama ni nanay habang tahimik na umiiyak. Tumataas-baba ang dibdib ko dahil sa pinipigilang paghikbi.
Umupo ako sa isang upuan sa gilid ng kama niya at pinagmasdan ang siyang payapang natutulog. Dahan-dahan kong hinaplos ang namumutla niyang mukha at tiningnan ang bawat sulok nito.
Ano ang dapat kong gawin nay? Naiipit ako sa sitwasyon at wala akong pagpipilian. Mapapatawad mo naman ako sa gagawin hindi ba?
Napangiti ako nang dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya at tumingin sa akin. Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ang kamay niyang nanghihinang inaabot ang mukha ko. Sinandal ko ang mukha ko sa kamay niya at mas lalo lang akong naiyak.
"Anak..." Mahinang usal niya na mas lalong nagpadurog sa puso ko.
"Gagawin ko ang lahat para sa 'yo," saad ko kasabay ng pangakong ililigtas ko siya mula sa kapahamakan.
Nang makatulog ulit si nanay ay bou na ang desisyon kong pumayag sa inaalok ng senyorito sa akin. Kailangan ko lang patatagin ang sarili lalo para gawin ang inaalok ng senyorito at sa pagsubok na 'to. Tsaka ko na iisipin ang magiging kapalit nito kapag gumaling na si nanay. Ngayong nasa bingit siya ng kapahamakan, ay wala akong nakikitang ibang solusyon upang mailigtas siya. Ang tanging naiisip ko lang na mabilis at siguradong-siguradong paraan para mailigtas siya ay ang pumayag sa alok ng senyorito.
Huminga ako ng malalim at lumabas sa kuwarto. Nagulat pa ako nang makita ang senyorito na nakaupo sa mga naka-hilerang upuan sa labas ng kuwarto. Agad siyang tumayo nang makita ako at mabilis na nilapitan.
"Ano'ng desisyon mo?" Tanong niya nang makalapit sa akin.
Matapos niyang sabihin sa akin kanina na mas lalong manganganib ang buhay ni nanay kung hindi siya ma-o-operahan, humingi muna ako ng kaunting panahon para makapag-isip na ibinigay naman niya naman sa akin.
Huminga ako ng malalim at determinadong tumango sa kaniy. Unti-unting umangat ang gilid ng mga labi ng senyorito at ngumisi siya. Halos muntikan akong mawalan ng balanse sa harapan niya dahil sa ngising iyon at malunod sa pantasya kung hindi ko lang napigilan ang sarili at muling ipaalalang may kasintahan na ang senyorito. Lahat ng mga ginagawa niya ngayon ay para sa kasintahan niya.
"Good girl."
Magtigil ka Cherry! Walang ibang ibig sabihin ang mga ginagawa niya ngayon! Parte lang 'to ng panunuyo niya para pumayag ka sa inaalok niya sa 'yo!
Napasimangot ako at napatingin sa gawi ni senyorito may kalayuan mula sa akin. May kausap siya sa telepono niya kanina pa at mukhang seryoso ang usapan nila. Tingin ko ay kinakausap niya ngayon ang koneksyon niya sa Maynila para sa paglipat ni nanay sa isang ospital doon. Nakatalikod sa akin ang senyorito kaya hindi ko alam kung ano ang reaksyon ng mukha niya habang nagsasalita sa kausap niya sa telepono.
Kung nakakunot ba ang noo niya. Kung magkasalubong ang makakapal niyang kilay. Kung naka-isang linya ang mga labi dahil sa kaseryosohan.
Pinilig ko ang ulo ko dahil sa mga iniisip. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko.
Nang hindi ko na naman napigilan ang sarili, dumako ang tingin ko sa malapad niyang likod at sa balikat niyang gumagalaw sa tuwing nagpabalik-balik siya ng lakad sa pasilyo ng hospital. Gabi na kaya ilang pasyente na lang ang dumadaan rito at ilang pasyente.
Napatuwid ako ng tayo nang pumihit paharap sa akin ang senyorito. Nahigit ko ang hininga ko nang naglakad siya patungo sa direksyon ko. Ilang dipa pa lang ang layo niya sa akin ngunit naaamoy ko na ang pabango niya na gustong-gusto ko ang amoy. Kahit pa ilang oras na kaming magkasama parang hindi pa rin nababawasan ang bango niya.
YOU ARE READING
Incarnadine (Verdurous Series 1) - OnHold
RomanceTrapped with a deal she can't resist, can Cherry will be able guard her heart from the fall? Or will she let herself fall to the possible abyss of pain and misery? Will their opposite worlds hinder the imaginary growing love between them? Or will th...