Ikalabing Limang Kabanata

0 0 0
                                    

Ikalabing Limang Kabanata

Papeles

Kagaya ng nakagawian ay gumising ako ng maaga para magluto ng almusal namin ni Nanay. Nagluto lang ako ng gulay at nauna ng kumain dahil kailangan kong pumunta ng mansyon ng maaga.

Matapos kong kumain ay agad din akong naligo at nagbihis ng isang luma ngunit simple kong bestida. Alam naman na ni Nanay na maaga akong umaalis tuwing umaga, hindi na rin ako nakapagpaalam dahil sa himbing ng tulog niya at ayaw ko naman siyang isturbuhin. Kailangan niyang magpahinga ng maayos.

"Ay Cherry, pinapatawag ka ni senyorito Raiden," Bungad sa akin ni Lina pagkarating ko sa mansyon.

"Ha?"

"Sabi niya sa akin na kapag dumating ka raw ay agad kitang sabihan na pumunta sa opisina niya."

Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Mukhang tungkol ito sa napag-usapan namin kahapon. Hindi pa rin ako makapaniwalang nasangkot ako sa ganitong kasunduan.

"Hoy! Huwag kang matulala diyan! Pumunta ka na sa opisina ng senyorito at baka magalit pa lalo iyon." Napalingon ako sa kaniya at mas dumoble pa yata ang nararamdaman kong kaba.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Mukhang galit 'yon kanina eh. Palagi naman siyang galit tignan pero mukhang kakaiba 'yong galit niya ngayon. Kaya ang mabuti pa ay pumunta ka na roon at baka matanggalan ka pa ng trabaho. Mahirap na."

Akala ko ba ay may kasunduan kami? Mawawalan na ba ako ng trabaho dahil roon? Pero nangako naman siya na hindi ako ma-a-agrabyado sa kasunduan na ito ah. Nagbago kaya ang isip niya?

Puno ng katanungan ang isip ko habang naglalakad papunta sa opisina ng senyorito. Labis ang kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. Kinatok ko ng tatlong beses ang pintuan ng opisina niya, nang walang sumagot ay dahan-dahan ko iyong binuksan.

"Seny—"

Napaawang ang labi ko nang makita ko ang senyorito sa loob. Wala siyang saplot sa itaas na bahagi ng katawan niya. Tanging ang itim na pantalon lang ang sout niya at kitang-kita ko ang hubog ng katawan niya na talaga namang nagpalunok sa akin.

"Done feasting on my body?"

Akala ko ba galit siya? Bakit parang hindi naman yata? Binibiro lang yata ako ni Lina eh!

Agad kong iniwas ang tingin sa tiyan niyang mabukol-bukol at pinili na lang na tumingin sa mata niya.

"Ahm..." Bahagya akong tumikhim dahil sa biglaang naramdaman na pagkauhaw. "Pinatawag niyo raw ako."

"Uh-huh... Come over here, Cherry."

Natulos ako sa kinatatayuan ko at hindi alam ang gagawin. Wala akong maintindihan sa lahat ng mga sinabi niya. Kahit pa ilang taon na akong nagtatrabaho sa kanila at naririnig silang mag-usap ng ingles ay hirap pa din akong intindihin ang mga sinasabi nila.

"Lumapit ka Cherry."

Kahit na hindi ko alam kung bakit niya ako pinapalapit sa kaniya ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa mesa niya. Binuksan niya ang isang drawer sa lamesa niya at may kinuha roong papel.

Ito na ba iyon? Matatali na ba talaga ako sa kasunduan na ito? Ayon pa naman sa kaniya hangga't nasa ilalim ako ng kasunduang iyon, dapat kong sundin ang nakapaloob roon.

"It's not what you think—" natigil siya nang dumapo sa kaniya ang tingin ko. Tumikhim siya at umayos sa pagkakatayo.

"Hindi iyan ang iniisip mo Cherry. Iyan yung sinabi ko sa'yo kahapon na kopya mo no'ng dukumentong pinirmahan mo." Tumango lang ako sa kaniya at kinuha ang papel na tinutukoy niya.

Incarnadine (Verdurous Series 1) - OnHoldWhere stories live. Discover now