Ikalimang Kabanata

0 0 0
                                    

Ikalimang Kabanata

Utos

Kagaya ng nakagawian ay maaga akong dumating sa hacienda ng mga Esquivel. Dahil maaga pa naman at hindi pa sumisikat ang araw, pinili kong sulitin ang paglalakad sa napakalaki nilang lupain.

Sumasayad sa lupa ang dulo ng sout kong bestida na hanggang talampakan ko ang haba. Nakangiti kong pinagmamasdan ang malawak na hacienda ng mga Esquivel. Habang naglalakad ay hindi ko napigilan ang sariling hawakan ang bakod na gawa sa kahoy. May mga matataas na bakod na gawa sa de kalidad na kahoy upang doon ikulong ang mga kabayo na hinahayaang makatakbo sa damuhan kaya no'ng mga baka, karnero, at iba pang mga alagang hayop na naririto sa loob ng hacienda.

Maaga pa lang pero abala na ang ibang mga kawaksi sa kaniya-kaniyang mga gawain sa hacienda.

"Magandang umaga po Mang Roy!" Masigla at nakangiti kong bati sa isang kawaksi na ngayon ay nagpapakain sa mga baka.

Kumuway siya sa akin at nakangiti rin. "Magandang umaga rin sa'yo Cherry!" Bati niya pabalik sa akin.

Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan niya. Nasa gilid siya ng bakod na kahoy na pumagitna sa aming dalawa nang huminto ako at tiningnan kung ano ang ginagawa niya. Maganang kumakain ang mga baka na binigyan niya ng mga mahahabang klase ng damo.

"Ang ganda ho ng katawan ng mga baka ngayon ah!" Usal ko habang pinagmamasdan ang mga baka. Natawa naman si Mang Roy sa tinuran ko.

"Aba'y kung may magandang dalagita silang parating nakikita, malamang ganado silang kumain!" Humalakhak ito kaya natawa na rin ako kahit pa medyo nahiya sa sinabi niya.

"Naku po! Ang galing niyo lang po talagang mag-alaga sa kanila kaya ang lulusog ng mga baka!"

Hindi pa man ako namamasukan rito, matagal nang tapag-alaga ng mga baka sa hacienda ng mga Esquivel si Mang Roy. Nakita ko kung paano niya inaalagaan ang mga ito mula noong mga maliit pa lamang hanggang sa lumaki, kaya hindi na kataka-taka ang pagiging malusog ng mga ito.

Nag-usap pa kami saglit ni Mang Roy bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Malapit na akong makarating sa mansyon nang makasalubong ko si Manang Selya, ang asawa ni Mang Roy, na kagaya niya rin ay naininilbihan sa mga Esquivel.

"Magandang umaga po!" Bati ko sa kaniya.

"Hija! Magandang umaga rin sa'yo! May ibibigay pala ako," saad niya at hinalughog ang dalang bag.

"Po?" Naguguluhan kong tanong habang pinapanood siyang hanapin ang kung ano mang ibibigay niya.

"Heto," saad niya at kinuha ang kamay ko para iabot ang hawak niya. "Sa'yo na 'yan! Naisip kita habang ginagawa 'yan at alam kong bagay sa'yo 'yan!" Aliw na aliw na saad niya.

Nag-alinlangan naman akong tanggapin ang ibinigay niyang bestida sa akin.

"Manang Selya..."

"Naku! Huwag kang mahiya ha? Para sa'yo talaga 'yan!" Pinilit niyang ibigay sa akin ang bestida kahit pa anong gawin kong pagtanggi rito.

"Salamat po Manang Selya. Hindi na po sana kayo nag-abala pa," saad ko.

"Walang anuman Cherry," nakangiting saad niya at hinawakan ang kamay ko. "Oh siya! Mauna na ako sa'yo ha? Kailangan ko pang tulungan si Roy."

"Sige po."

Sinundan ko lang ng tingin si Manang Selya habang naglalakad ito papalayo sa akin. Nang nawala na sa paningin ko si Manang Selya, naglakad na ako papunta sa mansyon. Kagaya ng nakagawian, sa likuran ako papunta sa kusina dumaan.

"Magandang umaga Cherry!" Bati ni Lina pagkakita niya sa akin.

Ngumiti ako. "Magandang umaga rin Lina!"

Incarnadine (Verdurous Series 1) - OnHoldWhere stories live. Discover now