Ikapitong Kabanata
Ulan
"S-senyorito..."
Hinawakan ng senyorito ang tali ng kabayo dahilan para dumikit ang braso ko sa dibdib niya. Nakaupo ako patagilid dahil sa sout kong bestida.
"Scared?" Tanong nito sa puno ng tenga ko. Napalunok ako at nag-init ang aking boung katawan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa mga oras na 'to.
"P-po?" Lumingon ako sa gilid ko. Mula sa leeg niya, dumako ang tingin ko sa mga mata niya nang dahan-dahan.
Tinaasan niya ako ng isang kilay mang magtagpo ang mga mata namin.
Napahiyaw ako nang bigla na lang niyang hinila ang tali at pinatakbo ang kabayo. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang wala sa sarili kong isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya at napakapit sa matikas niyang braso na ngayon ay pumuputok ang mga ugat dahil sa paggamit niya ng lakas.
"Look ahead of you, Cherry," aniya.
Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko at tumingala sa kaniya. Nakayuko rin siya sa akin at nakatitig ng mariin. Muli siyang tumingin sa harapan at bago pa man ako tumingin din roon ay nakita ko ang pag-igting ng panga niya.
Sumabog ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin at sa bilis din niya ng pagpapatakbo sa kabayo. Nahigit ko ang hininga ko nang mas dumikit pa siya sa akin at mas nakulong ako sa mga braso niya.
Mabilis na tumakbo ang kabayo sa malaking lupain ng mga Esquivel. Nadaanan namin ang mga malalaking puno ng akasya na nasa gilid lang ng mga maputik na daan patungo sa kung saan. Sumabog at nagsiliparan sa boung paligid ang bulaklak ng dandelion dahil sa pagdaan ng kabayo sa damuhan nang iniliko ito ng senyorito papunta sa kakahuyan.
Kinabahan ako dahil hindi ako pamilyar sa dinadaanan namin. Tahimik akong lumingon sa likuran at mas nangamba nang makita kung gaano na kalayo ang narating namin mula sa mansyon. Napansin siguro ng senyorito ang paglingon ko kaya nagsalita na siya.
"Huwag kang mag-alala, may pupuntahan lang tayo saglit."
Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Nakita ko ang marka ng mga dahon sa mukha niya na mula sa itaas ng mga puno at dahil na rin sa sikat ng araw na sumisilip rito.
Hindi iyon nakabawas sa kagandahang lalaking taglay ng senyorito dahil mas lalo lamang no'n denipena ang magandang hubog ng mukha niya.
Nagmistula siyang prinsipe na nakasakay sa kabayo kasama ang kaniyang prinsesa, ang kaibahan nga lang sa sitwasyon namin ngayon ay hindi prinsesa ang kasama niya kung hindi ang kaniyang katulong.
Napalunok ako at mas pinili na lang itoun ang paningin sa unahan.
Bukod sa yabag ng kabayo ay naririnig ko rin ang huni ng iba't-ibang klase ng ibon sa paligid. Ang kaluskos ng mga dahon ng mga puno ng akasya at narra dahil sa malakas na hampas ng sariwang hangin, kasabay din no'n ay ang paglaglag ng napakaraming tuyong dahon mula sa mga punong ito.
Itinaas ko ang mga kamay ko at sinubukang sumalo ng kahit na isang tuyong dahon, kahit pa nahihirapan ako dahil sa bilis ng takbo ng kabayo. Sabi nila kapag nakasalo ka raw ng dahon na mula sa mismong puno nito at isinulat mo ang hiling mo sa dahon kasabay ng iyong pagdarasal, matutupad raw ang ano mang iyong kahilingan.
Ngunit dahil hindi naman ako marunong no'n, ibinubulong ko lang ang hiling ko sa hangin habang boung pusong nagdarasal namatupad iyon.
Mula sa mabilis na pagtakbo ng kabayo ay unti-unti itong naging mabagal. Napangiti ako nang may nahulog na dahon sa mga palad ko. Agad ko itong hinawakang mabuti.
YOU ARE READING
Incarnadine (Verdurous Series 1) - OnHold
RomanceTrapped with a deal she can't resist, can Cherry will be able guard her heart from the fall? Or will she let herself fall to the possible abyss of pain and misery? Will their opposite worlds hinder the imaginary growing love between them? Or will th...