Ikadalawampu't Isang Kabanata
Simula
Agad na tumulo ang luha ko nang makita ko si Nanay na nakahiga sa kama at maraming nakakabit sa kaniyang kung ano. Unti-unti akong naglakad papalapit sa kinahihigaan niya at ang bawat hakbang ko papalapit ay tila isang lason na nagpapahina at nagpapahirap sa paghinga ko. Hindi ko kayang nakikita siyang ganito, tila wala nang buhay.
Nang makalapit ay hinawakan ko ang kamay ni Nanay na medyo nanlalamig. Kung noong nakaraan ay pumayat siya, ngayon ay malaki na ang pinagkaiba no'ng huli ko siyang nakita. Boung ingat kong hinawakan ang mukha niya at muling tumulo ang mga luha ko nang maramdaman ang mukha niya.
"Nay..." Naiiyak na tawag ko sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ako titingin, sa mukha ba niya, sa kamay na may nakaturok na dextrose, sa ilong niyang may nakalagay na tubo. Parang pinipisil ang puso ko sa sobrang sakit.
Suminghot ako at mas lalo pang umiyak. Pinigilan ko ang sarili kong humagulgol pero hindi ko rin kinaya. Lumayo ako kay nanay at napadausdaos sa malapit na pader at doon tahimik na umiyak. Napaupo ako at niyakap ang dalawa kong tuhod papalapit sa akin. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang paghikbi ko.
Sa boung buhay ko, siya ang nag-alaga sa akin. Ni wala na siyang pakealam sa sarili para sa akin. Ang dami niyang sinakripisyo, ang dami niyang binitiwan. Ang dami ng pagkakataon na pwede niyang piliin ang sarili niya, ang daming dahilan para sumuko pero hindi niya ginawa kasi pinili niya ako. Pinili niyang magpakatatag para sa aming dalawa at nakita kong lahat ng 'yon. Hindi ako makapaniwalang ang malakas na babaeng hinahangaan at tinitingala ko, unti-unti nang nanghihina. Unti-unti nang nawawala ang sigla, ang ngiti, ang saya at kinang sa mga mata niya.
Itinago ko ang mukha sa tuhod ko at doon umiyak nang umiyak. Pakiramdam ko mag-isa na lang ako. Pakiramdam ko wala na akong kakampi. Pakiramdam ko ang hina-hina ko. Wala akong silbi.
"Cherry..." Naramdaman kong may humaplos sa braso ko at kahit na sinisinok ako at halos mag-abot ang sipon at mga luha ay nag-angat pa rin ako ng tingin. Nakita kong nakaupo sa harapan ko si Senyorito Raiden.
"Stand up. Nothing will happen if you'll just cry there, you can't save your mother if you'll act like a weak woman that you're not," saad ng senyorito. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong naiintindihan sa mga sinabi niya. "Kausapin ka raw ng doctor."
Tumango ako pagkatapos ay mabilis na pinunasan ang mga luha ko sa mata. Nabigla pa ako nang tinulungan ako ng senyorito. Ilang minuto pa akong natulala habang nakatingin sa mukha niyang sobrang lapit sa akin. Kahit pa parang may nakabara sa ilong ko, amoy ko pa rin ang bango niya at hindi ko alam kung bakit ang tanging naririnig ko na lang ay ang tibok ng puso ko.
Natauhan ako nang hindi ko maramdaman ang kamay ni senyorito sa mukha ko. Nakatayo na pala siya at nakatalikod sa akin. Nakatingala lang ako sa kaniya at hinintay siyang lumingon pero hindi iyon nangyari, imbes ay naglakad siya palabas ng kuwarto. Mapait akong napangiti.
"Hindi ka niya magugustuhan, Cherry..." Bulong ko sa sarili bago tumayo. Pinagpagan ko ang sout na bestida dahil sa alikabok mula sa sahig.
Inayos ko muna ang sarili at sinigurong hindi ako magmukhang ewan bago sumunod palabas. Kagaya ng sinabi ng senyorito, gusto nga akong makausap ng doktor dahil nakita ko siya sa labas ng kuwarto ni Nanay at kausap ang senyorito. Nalipat sa akin ang atensyon nilang dalawa nang makita ako ng doktor at tumigil siya sa pakikipag-usap sa senyorito.
"Ms. Gallardo right?" Tanong niya nang makalapit ako sa kaniya. Tumango naman ako. "Your mother—"
Natigilan siya nang magsalita si senyorito.
YOU ARE READING
Incarnadine (Verdurous Series 1) - OnHold
RomanceTrapped with a deal she can't resist, can Cherry will be able guard her heart from the fall? Or will she let herself fall to the possible abyss of pain and misery? Will their opposite worlds hinder the imaginary growing love between them? Or will th...