Ikalabing Siyam na Kabanata

3 1 0
                                    

Ikalabing Siyam na Kabanata

Bagong Mundo

Hindi ko maiwasang tingnan ang bawat sulok ng kabahayan. Lahat ay malayo sa kinasanayan kong nakikita— ang mansyon ng mga Esquivel. Lahat ng kagamitan rito ay iba ang disenyo at kulay sa kagamitan kumpara sa mansyon. Hindi ko alam kung ano ang tawag rito pero masasabi kong iba ang kagamitan sa siyudad.

Natigil ako sa pagtingin nang bumangga ang gilid ng hita ko sa upuan. Tahimik kong hinimas ang hita ko at napatingin kay senyorito na nakatingin na pala sa akin. Mabilis kong inalis ang kamay sa hita ko at umayos sa pagkakatayo. Inayos ko ang pagkakahawak sa dala kong bag at palihim na tinitingnan ulit ang mga gamit sa sala.

"Marami kang panahon para libutin at tingnan ang kabouan ng condo unit Cherry. Sa ngayon, ihahatid kita sa kuwarto mo para maipagpatuloy mo ang naudlot mong tulog kanina," saad niya. Nag-init ang magkabila kong pisngi nang maalala ang nangyari kanina habang hinihintay ko siya.

Tahimik kaming naglakad ng senyorito sa isang may kahabaang pasilyo. Nakasunod lang ako sa likuran niya at kagaya no'ng ginagawa ko kanina— hindi ko napigilang tumingala, at tingnan ang bawat gilid nito dahil sa kuryusidad.

Natigil ako sa isang larawan na nakasabit sa dingding ng pasilyo. Ang isang nakangiting senyorito habang may kasamang babaeng sobrang ganda at nakangiti rin.

"Cherry!"

Napalingon ako kay senyorito Raiden na nakatayo sa harapan ng isang pintuan, isang pinto ang layo mula sa pinakadulong pinto sa gitna ng pasilyo. Mabilis akong naglakad papunta sa kaniya.

Binuksan niya ang pinto at mas lalo akong namangha sa ganda ng kuwarto. Puros puti ang makikita sa boung kuwarto. May malaking kama sa gitna ng kuwarto, isang mesa sa gilid, malaking telebisyon sa harapan ng kama, at sa ibaba nito ay isang lalagyan ng mga gamit. Hindi kalayuan mula sa kung saan nakalagay ang telebisyon ay may pintuan na hula ko ay para sa banyo.

"Dito ka mananatili habang pinoproseso ang operasyon ng nanay mo at ang usapan natin. Kumpleto sa gamit ang kuwarto bago pa man tayo dumating pero kung may kailangan ka pa—"

"Ay nako! Ayos na po sa 'kin 'to! Maraming salamat po!" Nakangiti kong saad.

Deretso lang ang tingin ng senyorito at walang emosyon na itinoun ang tingin sa akin. Napalunok naman ako sa ka-seryosohan niya.

"Bukas rin ay dadating ang magtuturo sa'yo," saad niya.

"P-po?" Gulat at naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"Mag-aaral ka hindi ba?" Tumango ako. "May darating na magtuturo sa'yo para ma-accelerate ka sa college," paliwanag niya.

Kahit na hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa accelerate ay tumango pa rin. Huminga ng malalim ang senyorito at namulsa.

"Magpahinga ka na."

Tumalikod ang senyorito at akmang lalabas na sana siya sa kuwarto nang umabante ako at pinigilan siya.

"Teka lang po," pigil ko sa kaniya.

Nilingon niya ako sa pagitan ng balikat niya at itinaas ang isang kilay.

"Si n-nanay po?" Kinakabahan kong tanong.

"Nasa hospital na siya."

"Pwede ko ba siyang puntahan?" Kuryuso kong tanong.

"Bukas."

'Yon lang ang sinabi ng senyorito bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Napabuntonghininga naman ako at dahan-dahang umupo sa dulo ng kama. Napatingin ako sa sapin ng kama at hinawakan 'yon.

Incarnadine (Verdurous Series 1) - OnHoldWhere stories live. Discover now