Ikasiyam na Kabanata
Pagdalaw
Sobrang tirik na pala ng araw nang maggising ako kaya nakarating sa mansyon na nagkasakit ako kaya hindi muna ako makakapagtrabaho ngayong araw. Ang labis ko lang na ipinagtataka ay ang pagdalaw ng senyorito sa akin rito gayong hindi naman talaga iyon kailangan. Babalik din naman ako sa pagtatrabaho bukas kaya wala siyang dapat ipag-alala sa naiwan kong gawain sa mansyon lalo na ang pagsisilbi sa kaniya.
"S-senyorito," gulat kong banggit sa paggalang sa kaniya nang makita ko siyang nakatayo sa harapan ng pintuan ng kubo namin.
Nakasout siya ng manipis na puting pulo na tenernohan niya ng isang itim na pantalon at puting sapatos.
Nawala sa kaniya ang atensyon ko nang makita sa likuran niya si Lina na may dalang dalawang supot. Kumunot ang noo ko at nagtatakang tiningnan siya.
"Lina?" Naguguluhan kong pagtawag ko sa kaniya. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ko pa nang nakalapit na siya sa amin.
Nanatili siyang nakatayo sa likuran ng senyorito habang dala pa rin ang mga supot na hawak niya kanina.
"Nabalitaan ko kasing nagkasakit ka kaya naisipan kong dalawin ka," napatingin siya sa senyorito na prenteng nakatayo lang sa harapan ko habang nakakrus ang mga braso sa tapat ng dibdib niya. "Tsaka ayon sinamahan rin ako ng senyorito na bumili ng mga gamot at prutas sa bayan."
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya na mabilis naman niyang sinagot ng pagtango sa ulo niya.
"Cherry! Ikaw'ng bata ka! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na magpahinga ka?" Napalingon ako kay nanay nang marinig ko siya sa likuran ko.
"Nay..." Nahihiyang saad ko.
"Senyorito?" Gulantang niyang saad nang paglapit niya ay nakita niya ang senyorito sa labas lang ng pintuan. "Ikaw pala 'yan senyorito Raiden, pasok ho muna kayo," paanyaya niya rito. Gumilid naman ako at pinapasok sila.
"Pasok po kayo..." Mahinang wika ko.
Tuloy-tuloy papasok sa kusina si Lina habang ang senyorito naman ay dahan-dahang naglalakad papasok sa maliit naming kubo. Kailangan niya pa nga'ng yumuko sa pintuan bago makapasok sa loob dahil sa tangkad niya. Inilibot niya ang tingin sa boung kubo at natigil iyon sa nag-iisang litrato naming dalawa ni nanay na nakasabit sa dingding ng kubo.
'Yon 'yong mga panahong malakas pa si nanay at bata pa ako. Ang unang pagkakataon na nagsout ako ng magandang bestida na binili ni nanay sa kaarawan ko at unang pagkakataon rin na tinirintas niya ang mahaba kong buhok.
Napangiti ako sa libo-libong alaala na hatid ng nag-iisang litrato at kayamanan namin ni nanay.
"Hindi kita nakitang tinali o tinirintas man lang ang buhok mo," saad ng senyorito.
Wala sa sarili ko namang hinawakan ang mahaba kong buhok na umaabot sa bewang ko ang haba. Pagkatapos ay nahihiyang sinilip ang senyorito na ngayon naman ay nakatingin sa may kusina.
Tumikhim ako dahilan para makuha no'n ang atensyon niya. Tumaas ang isang kilay niya at hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan akong napahawak sa tapat ng dibdib ko dahil sa walang humpay na pagkabog nito.
Umawang ang labi ko para ipaliwanag ang sarili pero naunahan na ako ni Lina na nakalapit na pala sa gawi namin.
"Hali na po kayo sa kusina, naghanda po kami ng makakain niyo," panimula niya habang nakangiti. "Cherry?" Baling naman niya sa akin.
Lito akong nag-iwas ng tingin mula sa kaniya at napatingin sa senyorito. Nakatingin din pala siya sa akin kaya natataranta akong umiwas ng tingin at mabilis na umalis sa harapan niya.
YOU ARE READING
Incarnadine (Verdurous Series 1) - OnHold
RomanceTrapped with a deal she can't resist, can Cherry will be able guard her heart from the fall? Or will she let herself fall to the possible abyss of pain and misery? Will their opposite worlds hinder the imaginary growing love between them? Or will th...