Ikadalawampu't Dalawang Kabanata
Legal
Natigilan ako nang pagkalabas ko mula sa kuwarto ay nakita kong nakaupo ang senyorito sa isa sa mga upuan sa sala kasama ang hindi ko kilalang lalaki.
Tumayo silang dalawa kaya naman kahit nagtataka at kinakabahan kung ano ang nangyayari, naglakad ako palapit sa kinaroroonan nila. Tumayo ako ilang dipa ang layo mula kay senyorito at kaharap ang 'attorney' kung tawagin ng senyorito.
"Attorney, this is Cherry," pakilala ni senyorito Raiden sa akin.
"Magandang umaga po," bati ko sa seryosong attorney. Nagitla ako nang bigla na lang niyang inilahad ang kamay para sa isang pakikipagkamay. Nahihiya ko namang inabot ang kamay niya.
"Magandang umaga Cherry, I'm Atty. Nathan Cabilete," pakilala naman niya sa sarili. Pagkatapos niyang makipag-kamay ay umupo na kaming lahat. Binuksan ni Atty. Nathan ang dala niyang bag at may inilabas roong mga papel.
"This is the legal document of your surrogacy. What Raiden promised you is already here too; your mother's treatment, and your education. If both of you still wanted to add something on the contract you can say it to me and I'll add it right away," paliwanag niya.
Napatingin ako kay senyorito Raiden. Bumuntong-hininga siya.
"Legal na dokumento sa pagiging surrogate mother mo sa magiging anak namin ni Marcela, kung may gusto ka pang idagdag, pwede mong sabihin sa kaniya," paliwanag niya.
Tumango ako pagkatapos ay napatingin sa papel na kakaabot lang ni Atty. Nathan sa akin. Ni isang salita ay wala akong maintindihan, wala rin naman akong maiisip na pwedeng idagdag. Sapat na sa akin na mapagaling si Nanay at laking pasasalamat ko na na pagpapaaralin ako ng senyorito. Labis na kung hihingi pa ako ng sobra.
"Wala na po akong idadagdag dito Attorney," saad ko.
Itinango ni Attorney ang ulo niya at umayos sa pagkakaupo.
"Ipapaalala ko lang Cherry na wala ka nang hahabulin sa kliyente ko pagkatapos mong manganak at mapagamot ang Nanay mo. Sa pag-aaral mo naman, siya na raw ang bahala roon hanggang sa makapagtapos ka. Alam mo naman sigurong hindi ikaw ang ina ng anak nila ni Marcela at tanging ikaw lang ang magdadala sa bata. Pagkatapos mong manganak ay inaasahan naming hindi ka na magpapakita pa sa kliyente ko, pero sigurado na ang gastos sa pag-aaral mo at isang taong sustento hanggang sa makaahon kayo," mahabang paliwanag ni Atty. Nathan.
Napahigpit ang hawak ko sa papel nang marinig na hindi na ako dapat magpakita pa sa kanila at sa pamilya nila. Hindi pa nga nangyayari ay para nang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Iisipin ko pa lang na hindi ko makikita ang senyorito kahit kailan ay nagpapahirap sa akin ngunit alam kong wala akong maggagawa, kailangan kong panindigan 'to. Ang tanging maggagawa ko lang ay ang hindi mapamahal sa magiging anak nila habang dinadala ko 'yon sa sinapupunan ko.
Pagkatapos kong mapirmahan ang mga papeles ay nagpaalam na si Atty. Nathan. Pagkaalis naman niya ay siyang pagdating ng isa pang panauhin, si Miss Cynthia, na siyang magiging tutor ko. Akala ko ay mananatili ang senyorito pero matapos niya kaming ipakilala ni Miss Cynthia sa isa't-isa ay kaagad rin siyang umalis.
"Ang paggamit ng 'ng' at 'nang' ay magkaiba. Ang 'ng' ay ginagamit kapag pangngalan ang kasunod. Halimbawa, “Nagpasalamat siya dahil sa ibinigay ng babae.”. Habang ang ‘nang’ naman ay ginagamit kapag ang kasunod ay pangkilos, panahon o pandiwang paulit-ulit. Halimbawa, “Si Hannah ay nadapa nang pinatid siya ng kaklase niya.”, paliwanag ni Miss Cynthia.
Tumango ako sa itinuro ni Miss Cynthia habang isinusulat 'yon sa notebook ko. Marunong naman akong magsulat, may mga hindi lang talaga ako maintindihan lalo na kung english. Naalala ko pa naman ang ilang itinuro sa akin no'ng elementary, ang ilan nga lang ay malabo na sa alaala ko.
YOU ARE READING
Incarnadine (Verdurous Series 1) - OnHold
RomanceTrapped with a deal she can't resist, can Cherry will be able guard her heart from the fall? Or will she let herself fall to the possible abyss of pain and misery? Will their opposite worlds hinder the imaginary growing love between them? Or will th...