Ikasampung Kabanata

0 0 0
                                    

Ikasampung Kabanata

Nararamdaman

Mataas na ang sikat ng araw habang naglalakad ako sa mahabang daan papunta sa hacienda ng mga Esquivel.

Masaya kong binabagtas ang daang gawa sa lupa. May mga maliliiit na mga halaman na may magagandang bulaklak akong mga nakikita sa gilid ng daan.

Tumigil ako sa patalon-talon kong paglalakad at pinitas ang nag-iisang kulay pulang bulaklak ng gumamela na nakita ko sa gilid ng daan. Sinikop ko ang mahaba kong buhok papunta sa likod ko at inipit ang ibang takas na buhok sa likuran ng tenga ko pagtapos ay ang gumamela naman ang nilagay ko sa likuran ng tenga ko.

Kahit mahaba ang daan papunta sa mansyon ay nakarating naman ako ng maaga doon kahit pa hindi iyon gano'n kaaga kagaya no'ng dati dahil medyo natagalan akong naggising kanina.

Malaki ang ngiting ibinigay ko sa mga nakakasalubong kong mga kawaksi, lalo na nang makasalubong ko si Tonyo na kagaya no'ng nakaraan ay may dala itong dalawang timbang may lamang tubig at pagkain ng kabayo.

"Magandang umaga sa'yo Tonyo!" Masayang bati ko sa kaniya.

"Oh Cherry?!" Gulat na wika niya nang makita ako. Para bang nakakagulat na makita ako rito sa hacienda kahit sa katunayan ay rito naman ako nagtatrabaho kaya malamang makikita niya ako rito.

"Tulungan na kita?" Presenta ko nang nakitang nahihirapan siya sa mga dala niya.

"Ha?" Gulantang niyang tanong. Napakurap-kurap pa ang mga mata niya dahil sa pagkakita sa akin.

Bago ko pa man mahawakan ang timbang may lamang mga damo, nailayo na niya ito mula sa akin.

"Huwag na Cherry! Ayos lang naman," saad niya sa akin. Namula ang mga pisngi niya na siyang kinabigla ko. "A-akala ko ba may sakit ka? Bakit ka nandito?"

Bakit kaya? May lagnat rin ba siya?

"Maayos na ang pakiramdam ko kaya magtatrabaho na ako sa mansyon ngayong araw."

"Ha? Baka mabi—" natigilan siya saglit pagkatapos ay ngumuso siya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya. "Oh? Ano 'yang nasa tenga mo?" Nagtataka niyang tanong at sinilip kung ano ang nakaipit sa tenga ko.

Nahihiya kong hinawakan ang pulang gumamela na nakaipit sa tenga ko bago sinagot ang katanungan niya.

"Ah! Nakita ko 'tong pulang gumamela sa gilid ng daan habang papunta ako rito kaya pinitas ko na," maligayang sagot ko.

Magiliw kong pinagsiklop ang mga kamay ko sa likuran habang mahinang ginagalaw ang mga balikat ko. Tumango naman siya habang hindi maalis ang mga mata sa gumamela na nasa tenga ko.

"Maganda ba?" Tuwang-tuwa kong tanong sa kaniya.

"Oo naman!" Malaki ang ngiti niya nang sabihin ang mga katagang 'yon. "Bagay sa'yo ang pulang bulaklak ng gumamela."

"Salamat!" Pakiramdam ko ay abot sa tenga ang pagkakangiti ko sa kaniya.

Natigalgal ako nang bigla ko na lang narinig ang malakas na boses ng senyorito hindi kalayuan sa kinaroroonan namin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maalalang ang tagal kong nakipag-usap kay Tonyo at nakalimutan kong may trabaho pa pala akong dapat gawin.

Pareho kaming napalingon kung saan nanggaling ang boses ng senyorito at natagpuan namin itong nakasakay sa kabayo. Mabagal lang na naglalakad sa kinaroroonan ang kabayo dahil sa paghawak ng senyorito sa tali nito upang hindi tuluyang tumakbo ang kabayo.

Nagkatinginan kami ni Tonyo nang makita ang galit na mukha ng senyorito.

"Mukhang hindi maganda ang gising ng senyorito ngayon Cherry," saad ni Tonyo na siyang sinang-ayunan ko.

Incarnadine (Verdurous Series 1) - OnHoldWhere stories live. Discover now