Ikalabing Anim na Kabanata

0 0 0
                                    

Ikalabing Anim na Kabanata

Sakripisyo

Matapos akong kausapin ni senyorito Raiden ay lutang akong naglalakad sa pasilyo ng mansyon nila habang bitbit ang kontrata na pinirmahan ko kahapon at ang sinabi niyang hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa.

Hindi naman niya siguro pababayaan ang Nanay, kahit pa may kasungitan siya ay ramdam ko naman na tutupad siya sa pangako niyang tutuparin niya ang kasunduan namin.

"Cherry?"

Napapitlag ako nang bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Lina, may bitbit siyang mga makakapal na mga kumot. Hula ko ay papalitan na niya ang mga kumot sa mga kwarto rito sa mansiyon.

Nang hindi ako sumagot ay ikinaway niya ang kamay niya sa harapan ko dahilan para muntikan na niyang mabitawan ang hawak niyang mga kumot. Agad ko din naman siyang tinulungan at kinuha ang iba pa niyang dala para hindi na siya mahirapan.

"Okay ka lang ba Cherry?" Tumango naman ako sa kaniya. "Sigurado ka ba? Napapansin ko kasi na parati ka na lang tulala. Halos wala ka na sa sarili."

"Ano ka ba Lina, ayos lang ako. Iniisip ko lang ang Nanay." Hindi naman ako nagsuningaling sa parteng iyon dahil totoo naman, hindi ko na lang sasabihin ang isa pang dahilan nang pagkakatulala ko.

Tumango lang siya sa akin. Tinulungan ko si Lina na magpalit ng mga kumot sa mga kwarto maliban sa kwarto ni senyorito Raiden.

Mula no'ng dito na siya namalagi sa mansiyon ay hindi siya nagpapapasok ng kahit sino sa kwarto niya maliban sa inatasamg tagapaglinis rito. Kaya naman ang ginagawa ng ibang kawaksi ay nilalagay na lang nila sa harapan ng kwarto niya ang pamalit na kumot at punda ng unan, gano'n din ang mga nalabhan na niyang mga damit. Nakatupi at plantsado na ang mga iyon kaya siya na ang bahalang maglagay no'n sa cabinet niya.

Pagkatapos kong tulungan si Lina ay ginawa ko naman ang araw-araw ko nang ginagawa rito magmula no'ng dumating ang senyorito— ang maglinis ng kuwarto niya at tumulong sa ibang gawain dito. Si Lina ay katulong ni Manang Tesing sa pag-aasikaso sa ibang bagay at paghahatid ng mga miryenda sa iba pang mga trabahador.

Nilinis ko ng boung ingat ang mga muwebles sa sala dahil ayokong makasira lalo na't tingin ko'y ang halaga ng mga ito ay mas mahal pa sa isang buwan kong sweldo.

Pagkatapos ko sa sala ay sa ikalawang palapag naman ako naglinis. Gumamit ako ng vacuum para linisin ang mga carpet sa bawat kwarto na nandito, mabuti na lang at tinulungan ako ni Lina kung paano ito gamitin.

Dahan-dahan akong umupo sa gilid at napasandal ako sa dingding ng kwarto ng senyorito na nilinis ko ngayong araw, humihingal akong lumingon sa bintana ng kwarto.

Sinasayaw ang puting kurtina na nakasabit sa bintana ng hangin na galing sa labas. Nagsisimula nang dumilim ang langit kahit maaga pa lang. Nagbabadya ng bumuhos ang ulan anumang oras.

Pumikit muna ako ng ilang segundo para magpahinga. Hindi lamang ng katawan kundi pati na rin ng isip.

Naggising na lang ako sa malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa balat ko. Nang ilibot ko ang tingin ay madilim ang paligid at malakas ang buhos ng ulan sa labas.

Napabalikwas ako nang matantong nakahiga na ako sa kama kung saan ako naglilinis kanina. Dahil siguro sa pagod ay nakatulugan ko na ang paglilinis.

Dali-dali akong bumangon sa pagkakahiga ko sa malambot na kama at agad na lumabas ng kwarto. Pababa na ako sa hagdan nang makita ko si senyorito Raiden na nagkakape sa sala, habang may hawak na diyaryo.

Incarnadine (Verdurous Series 1) - OnHoldWhere stories live. Discover now