Chapter #06: Marketʼs Attack

267 16 2
                                    

"Maganda nga kasing iluto ang itlog sa umaga!"

"Wala nga kasing itlog, naubos kagabi-"

"Oh, 'di maghanap ng paraan! Mas maganda ang itlog sa umaga-"

"Hell! Wala ngang itlog, anong gusto mong gawin ko-"

"'Yang itlog mo na lang kaya?!"

Sabay-sabay kaming humalagapak ng tawa nang marinig namin ang pag-aaway nila Samuel at Ilana.

Umagang-umaga nambubulabog sila, pinagtatalunan kung ano ang iluluto ngayong umaga.

"Oo nga naman, Samuel. 'Yang itlog mo na lang-"

"Tangina mo, manahimik ka!" Inis na sigaw ni Samuel at pumasok sa van.

Natatawang inabot ko kay Ilana ang isang tray ng itlog at sinenyasan na iyon na ang iluto niya.

"Good morning." Bati sa akin ni Theo at umupo sa tabi ko.

"Morning."

Ilang minuto pa kaming binalot ng katahimikan bago ito muling magsalita.

"How's your sleep?"

Eh?

"Ganoon pa rin naman, mahimbing na medyo hindi-"

"Ay, gago, Samuel! Ba't mo naman flinat 'yung gulong ng van!?" Malakas na sigaw ni Ar-j mula sa likuran namin.

Sabay-sabay kaming lahat na tumingin sa van. Halos lahat kami ay gustong sampalin si Samuel nang makita ngang flat iyon.

"What did you do?!" Inis na sigaw ni Solene na kinangiwi ko.

"Ampota." Mahinang bulong ni Alyse sa tabi ko.

"Anyare?" Tanong ni Angel.

"No'ng sumakay ako biglang na-flat."

Tumaas ang kilay ko. "'Yon lang?"

"Oo, alangan namang hihigupin ko 'yung hangin sa loob ng gulong para lang ma-flat?!"

"Paano na ngayon?" Boses ni Donna.

"Tutal ikaw rin lang naman ang may kasalanan, ikaw na ang pumunta sa palengke para kumuha ng gulong!" Sabat ni Venice.

"Delikado."

Kaagad akong nag-angat ng tingin kay Ilana na abala sa pagbabatil ng itlog. May point din naman siya. Delikado dahil malay natin may ilang infected sa daan.

"Kailangan nating kumuha ng gulong, wala ring stock 'yang van iyan." Sabat ni Solene. "Ba't ba kasi 'yan pa ang nakuha niyo?!"

"Kung ayaw mo, huwag ka ng sumakay at sumama sa amin!"

"Tama na, si Samuel na ang magde-desisyon." Awat ni Angel kina Solene at Venice.

"Pupunta na lang ako sa market, but I need someone to accompany me." I immediately raised my hand.

"Ako."

"Me!"

Sabay na sagot namin ni Ilana. Nagpabalik-balik pa ang tingin nito sa amin. Naramdaman ko ang kamay ni Theo na humawak sa palapulsuhan ko ang binaba iyon.

"Samuel needs a boy, hindi kayo puwede."

"Yeah. Maybe Theo...ikaw na lang ang sasama sa akin," anito at tumingin sa gawi namin. Kaagad din itong nag-iwas ng tingin at bumaling sa flat na gulong.

"Ikaw, Theo? Gusto mo bang sumama kay Samuel?" Tanong ni Ms. Kim kay Theo na nakahawak pa rin sa palapulsuhan ko.

He nodded. "Okay lang naman sa akin-"

DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon