Chapter #02: The Beginning

382 19 20
                                    

“Johanna!”

Ngiting lumapit ako kay Theo sa gate at tumabi sa kaniya. “Tara na?” Ngiting tanong ko.

He nodded. “Oum.”

“Okay na ba ʼyang sugat mo?” Tanong ni Theo habang ang tingin ay nasa daliri ko.

Kinailangan kong lagyan ito ng bandage dahil lumalaki na ang sugat ko. Hindi namin siya masakit, actually. Masakit lang kung hahawakan mo. Tinakpan ko lang ito ng gauze at plaster dahil color green green ang dugo na lumalabas duon.

Weird.

“Yeah, medyo nadadaan ko naman sa gasa at plaster—”

“Hoy, Johanna. Five pesos, nakasapatos ka!” Sigaw na bungad ni Venice na bumababa ng hagdan.

Inis ko itong kinurapan at dumukot sa bulsa ko ng bente pesos. “Oh—”

“ʼNak ng putcha, Johanna. Barya-barya lang sa umaga!” Inis nito sabi at namewang pa.

Akmang dudukot ako sa bulsa ng palda ko para sana ipangbayad sa kaniya nang biglang nag-abot si Theo ng limang piso kay Venice.

He pointed me. “Now, she's paid.”

Hinatak ako nito paakyat sa hagdan. Nang makarating kami sa floor nila at huminto ako sa harap nito.

He arched his brow. “Why? Do you need anything?”

“Thank you.”

“It's okay. Basta sa susunod magsapatos ka ng maayos. Today is tuesday, hindi bagay ang shoes mo ngayong araw.” Huminto ito para tumawa. “Sayang pa five pesos ko.” Natatawang wika nito at pumasok sa classroom nila.

Dumiretso na rin ako sa floor namin at pumasok sa loob ng classroom. Mabutiʼt sakto ang pagdating ko dahil kasunod kong dumating si maʼam.

“Ginawa mo ʼyung assignment sa math?” Mahinang bulong ni Haze, sakto lang para kaming dalawa lang ang makarinig.

“Oo, one to three lang naman ʼdi ba?”

Ngumiwi ito tsaka ako binatukan. “Gaga ka! Show your solution daw.”

Binalewala ko na lang iyon at tumingin sa harap. Okay lang kung walang solution ʼyung akin. Bakit? Ikakamatay ko ba?

Ikakabagsak lang.

At isa pa. Hindi ko narinig na kailangan pala ng solution. Edi sana na-search ko pa.

“If x is raised to square and y raised to—”

Napatigil kaming lahat nang biglang may malakas na kumalabog sa isang building ng senior high school. Akmang tatayo kami nang biglang magsalita si Maʼam Daisy.

“Walang tatayo, riyan lang kayo at may titignan ako,” wika nito at lumabas ng room.

Nagkatitigan pa kami ni Donna bago sabay na kumibit balikat. Sa sobrang lakas no'n ay halos mabingi na kami.

“Ms. Johanna and Ms. Angel, kindly go to laboratory? May sasabihin si Maʼam Cynthia, kailangan niya rin ng kasama roon,” saad ni Maʼam Daisy at magsimulang magturo sa harap.

Sinenyasan ko si Angel na sabay na kami pumunta roon. Pagkarating namin sa laboratory room ay nadatnan namin si Maʼam Cynthia na aligagang naghahanap ng kung ano.

“Good morning, ma'am. May kailangan po ba kayo?” Tanong ni Angel. Tumigil ito sa paghahanap at naglakad papunta sa gawi namin.

“Nawawala kasi ʼyung daga na pinag-eksperimentuhan namin noong isang buwan. That mouse is a big trouble. Now I have to get and found that—”

DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon