"Paano na tayo pupunta sa rooftop kung maraming zombies sa labas?" Rinig kong boses ni Vincen.
"Easy! Lumabas tayo tapos sugurin natin sila, tutal marami naman tayo." Suhesyon ni Carvy, gusto kong sampalin ang sariling noo dahil sa kalokohan nito.
"Ba't hindi ikaw gumawa? Tutal ikaw rin lang naman ang naka-isip?" Sagot pabalik ni Hazel na nasa isang sulok at nakikikain sa chitchurya ni Ilana.
"Isa ring problema 'yan!" Wika ni Angel mula sa isang sulok. "Kailangan muna nating gumawa ng plano para makalabas dito."
"How?! Baka paglabas natin ng kuwartong ito patay na tayo?" It was Venice.
Inis na bumaling si Angel sa kaniya at tumayo para humarap sa kaniya. Angel is sweet, caring and full of joy but not when she's angry. Ayaw nito sa lahat ay ang pabuhat at walang ambag sa isang grupo.
No wonder she hates Venice.
"Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo, Venice?! You did nothing! You're a selfish, thoughtless and inconsiderate conniving woman! You always care about yourself, wala kang pakialam sa amin. Ano bang naging ambag mo mula noong nagkaroon ng virus? Wala!" She opened her arms while looking at Venice with full of anger in her eyes.
"Angel!" I held her hand but she just shoved it away.
"No! Don't stop me, Johanna, or anyone in here. Alam ko na may kinikimkim kayo na galit kay Venice." She roamed her eyes around us before looking again at Venice. "Napakalakas mong magreklamo, eh, ikaw na nga itong walang ambag. Noong nangangailangan kami ng taga-luto, nagpresinta ka ba? Hindi, kahit ikaw ang may kakayahan na magluto. Noong nanga-ngailangan kami ng pagkain para pakainin sina Carvy at Ilana, nagbigay ka ba? No, even there's a food inside your pocket."
Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis kay Venice dahil sa mga pinagga-gawa nito sa amin. Angel is right, we all hated Venice because of her selfish attitude. She only cares about herself.
Lumapit ako kay Angel at hinawakan ang balikat nito para pakalmahin. Inis ko ring tinignan si Venice at pagak na natawa. Akmang magsasalita ako nang sumabat si Hazel.
"Ano pang ginagawa mo rito? If I were you, I'm gonna leave this place and never come back. In this story, you are the villain here. Sana...sana ikaw na lang ang nawala at hindi sina Alyse o Ms. Kim." Hazel looked at her before looking at the door.
"Lumabas ka na."
She sarcastically laughed while standing up. "Yeah, why should I even come with these people who've not even looked at your good side?"
Inis kami nitong nilagpasan at dumiretso sa pinto bago tanggalin ang mga nakaharang duon na mga gamit. Nang matanggal na nito lahat ay muli itong lumingon sa amin.
She smiled genuinely. "Sana makaligtas kayo hanggang sa huli...goodbye." And she opened the door and walked like nothing happened.
Malakas akong bumuntong hininga at pabagsak na umupo sa sofa at tumingala para pigilan ang luhang nagbabadya sa aking mga mata.
"Paano kung may mangyaring masama kay Venice sa labas?" Donna asked.
"It's not our problem anymore, ang kailangan nating problemahin ay kung paano tayo makakarating sa rooftop ng buhay at ligtas. We need to plan." Angel answered, we all nodded our head as our answer.
Bumuo sila ng bilog at duon ay nag-usap-usap kung paano kami pupunta sa rooftop. Hindi ako makapag-focus sa sinasabi ni Angel, kumuha pa ito ng ballpen at papel para i-sketch ang plano pero mas lalo akong naguluhan.
Ba't kasi may angle at degrees pa siyang sinasabi?
"Hey, are you okay?" Theo asked beside me. I just smiled and nodded slightly.
BINABASA MO ANG
DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]
AcciónWhat if something that unexpected happens? What will you do to survive until the end? What will you do if a zombie apocalypse happens in real life? There's a group of high school students who can do everything just to get survive themselves. They c...