"Johanna, may pagkain pa ba tayo?" Bulong ni Ilana na nakahiga sa tabi ko.
Gabi na at napagpasyahan namin na magpalipas muna ng gabi rito sa loob van. Halos lahat sila ay tulog na, kami na lang ni Ilana ang gising.
"Wala na ata…naubos na nina Carvy at Ar-j," sagot ko at muling tinuon ang atensyon sa pagbabasa ng libro.
"Gutom na ako, hindi pa ako kumain simula no'ng kaninang tanghali. Isang biscuit lang ata 'yung kinain ko kaninang umaga." Umupo ito mula sa pagkakahiga at maingat na naghanap ng pagkain.
"Mag-ingat ka, baka may magising ka." Paalala ko, tumango na lang ito bilang sagot.
There are two types of zombie. First is 'Walker'. Walking zombies doesn't have much more capabilities. The only thing they can do is to walk. They aren't as dangerous as the second one. Second is the 'Runner', running zombies are dangerous. They can run as fast as an athlete. Unlike the first one, their capabilities are much dangerous. They can grab, scratch and destroy things.
Their capabilities depend on their bite. Normal bite will lead you to a walking zombie. If zombies bite and eat your skin and flesh, you will lead on a running zombie.
"Johanna, may nakita ako!" Pabulong na sigaw nito habang pinapakita ang hawak-hawak na isang chocolate bar.
"Kainin mo na para may laman 'yang tiyan mo bukas," wika ko at sinarado ang libro para matulog.
So, nakadepende lang pala ang kakayahan ng mga zombie sa uri ng kagat nila. Kung normal na kagat lang ang nakuha mo ay may posibilidad na magiging walking zombie ka. Kung ang kagat na natamo mo ang hindi normal kagaya ng pagkain nito sa balat mo ay magiging running zombie ka.
"Johanna, may isa pa akong nakita na chocolate. Kainin mo na, kaninang umaga ka pa walang kain," anito at iabot sa akin ang isang chocolate bar. Wala rin akong nagawa kaundi tanggapin ito dahil hindi pa ako kumakain simula kaninang tanghali.
"Salamat." Tanging wika ko at kumagat.
"Alam mo ba, palagi kong hinihiling kay God na sana magkaroon ako ng kapatid. At kapatid na mas matanda sa akin. Gusto ko kasi palagi akong center of attraction sa bahay, gusto ko na palagi akong pinapansin at inaalagaan," sabi ni Ilana at ngumiti ng mapait sa kawalan.
Sandali akong huminto sa pagnguya at tumitig sa kaniya. Bakas ang pangungulila at lungkot sa mata nito.
"Bakit? May problema ba sa bahay niyo?" Tanong ko.
"Busy ang parents ko sa mga trabaho nila, wala rin akong kapatid kahit isa." Huminto ito nang may tumulo na luha galing sa kaliwa nitong mata. "May kuya naman ako, but he died…namatay ito dahil sa isang car crash. Nang namatay ang kuya ko ay duon na nawalan ng oras sa akin ang mama at papa ko."
"I'm sorry to hear that."
She nodded. "Okay lang…Johanna."
"Oh?"
"Puwede ba kitang maging kapatid? Kahit man lang may tawagin akong ate—"
"Of course, why not? Gusto ko rin na may tumatawag sa akin na ate," wika ko at ngumiti rito ng malawak.
"Talaga?"
Tumango ako. "Oo naman."
Kaagad na nanigas ang katawan ko nang bigla ako nitong yakapin. Sandali akong kumurap at yakapin ito pabalik. Gumuhit ang isang ngiti sa labi ko at mahinang tinapik ang likod nito.
"Sige na…matulog na tayo."
"Good night…ate," anito, tanging tango lamang ang sinagot ko rito.
"Kailangan nga nating humanap ng lugar kung saan puwede nila tayong masagip—"
BINABASA MO ANG
DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]
AksiWhat if something that unexpected happens? What will you do to survive until the end? What will you do if a zombie apocalypse happens in real life? There's a group of high school students who can do everything just to get survive themselves. They c...