Chapter #28: The Antidiote

160 10 2
                                    

"Nandito na tayo sa Sto. Tomas, anong balak mong gawin, Johanna?" Tanong ni Hazel.

Pagbukas ng liwayway ay kaagad kaming pumunta rito sa Sto. Tomas dahil kailangan kong bumalik sa school. I know it was dangerous but for me…no. Half of my body is infected, zombies can't bite me.

"Babalik sa school, ano pa nga ba." Matunog akong bumuntong hininga at tumingin sa labas ng van kung saan kita ko ang isang parte ng school.

"Sasama ako—"

"Ba't sasama ka?!" Inis na tanong ni Simon kay Ilana.

'Yan, nagsisimula na naman sila. Kagabi pa sila nag-aasaran na dalawa. Para tuloy silang aso't-pusa. Away rito away roon, ang sarap isampal sa pader.

"Aalis ka na?" Tanong ni Samuel nang mapansin na nag-aayos na ako ng sarili ko. Tipid akong tumango at lumabas ng van. Akmang aalis na ako ng biglang may humawak sa palapulsuhan ko.

"Sasama ka rin?" Natatawa akong tanong kay Hazel at mahinang tumawa. Umiling ito at nagsalita. Hindi ko masyado iyon na narinig dahil sa hina ng boses nito.

"Hintayin niyo na lang ako rito, babalik din ako," wika ko at ngumiti para paaganin ang loob nila.

"Baka kasi hindi na, Johanna." Boses iyon ni Ilana na nasa loob ng van katabi ni Hazel.

"Give me one hour and I'll be back."

Before they could say another word, I immediately run out there. Pumunta ako sa main gate ng school namin pero sarado iyon. May mga zombies na pilit na lumalabas duon. I don't know where to enter since we only have one gate.

Last option. Over the bakod.

Hindi naman masyadong mataas ang pader ng school namin, kaya kong akyatin. When I went inside the school, I was hiding myself behind the tree.

Akala ko kaunti lang yung zombies na nasa loob, it was actually a lot. From the covered court, hallway, corridor and even inside the rooms. Kahit saan nagkalat.

Kung dadaan ako sa dating daanan namin para makapunta sa laboratory ay puwede akong masundan at pagkaguluhan ng zombies. Even though I was already infected, there's a part of me that I'm still a human.

Mabilis akong tumakbo palayo roon at dumaan sa likod ng building kung saan madaling lang ang nakakaalam. The laboratory room is on the 5th floor where teachers can only go inside.

Hindi naman mahirap makapasok sa laboratory room dahil may emergency staircase sa likod ng building na iyon. But something is in danger, there's a zombies surrounding the staircase.

"Shutangina talaga, suko na ako sa buhay ko!" Naiiyak ko na bulong sa sarili at nagtago sa likod ng isang malaking puno.

Isa lang ang alam ko na paraan para mapaalis sila. I need to caught their attention. But how?! Paano ko makukuha yung atensyon nila? Ipapain ko ulit sarili ko?

Pumulot ako ng isang bato mula sa kinatatayuan ko at tumingin ng pwedeng pagtapunan no'n. I saw a random window glass behind them, and that will be my target. Kapag tinapon ko ang bato roon ay gagawa iyon ng malakas na ingay na puwedeng umagaw sa atensyon ng zombies.

"One…two, three."

Malakas kong binato ang may kalakihang bato na hawak ko at tumama iyon sa salamin dahilan para mabasag at lumikha ng ingay. And it caught the zombies attention. As they went on it, I silently run towards the staircase and went on it.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan, meaning nasa second floor pa lang ako. Since I can't feel any tiredness I went upstairs in fast motion.

Tsaka lang ako huminto nang makarating ako sa floor ng laboratory. Hindi ako kaagad makakapasok sa loob…unless dadaan ako mula sa bintana ng laboratory room namin.

DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon