Chapter #23: Silent Voice

157 10 0
                                    

Hazel's POV

Gising na si Johanna but something is off. She's so silent. Tuwing tatanungin namin siya ay wala kaming nakukuha na sagot ni isang salita. And the worst, she won't even look at us. It made us feel like we're just a ghost to her.

"Angel, talk to us. Gising na si Johanna, aren't you happy?" I heard Ar-j said.

There's also one problem. Angel is also silent. Simula pa noong dumating siya galing sa labas. Wala naman siyang kagat o ano. She's so fine. We tried to talk to her but same as Johanna, wala kaming makuha na salita mula sa kaniya.

"Ano bang problema niyong dalawa?! Magsalita naman kayo!" Inis na sigaw ni Ilana. She tried to walk towards Johanna but Samuel is stopping her.

"Ilana, tumigil ka—"

"Ano bang mayroon sa inyo at ayaw niyong magsalita?! May kinalaman ba kayo sa nangyayari ngayon?" Malakas na sigaw nito habang palipat-lipat ang tingin kina Johanna at Angel.

Ano bang nakain nito at nagkaka-ganiyan siya?

"Ilana!"

Angel's eyes suddenly darkened. Masama itong tumingin sa gawi nila Solene at Theo bago ito tumayo at lumapit sa kanila.

"Angel, what are you doing?" Theo asked and stepped in front of Solene.

Nagulat kaming lahat nang malakas nitong sampalin si Theo at malakas itong tinulak bago naman sampalin si Solene. We all alarmed on what Angel did.

What's wrong with them?

"Angel!" I tried to stop her but Donna grabbed my arms.

"What the fuck is wrong with you, woman?!" Malakas na umalingawngaw ang galit na boses ni Vince sa loob ng kwarto. He's fuming mad, we can sense it.

"We respect that you are the class president and accepted you to lead us but you can't hurt someone without any reason. Ano bang nagawa naming mali, Angel? Bakit parang mainit ang dugo mo kay Solene?" Inis na tanong ni Vince.

Angel smiled mysteriously at Solene at Theo before whispering. Enough for us to hear.

"Sana kaya niyo pang humarap sa amin hanggang sa huli nang hindi kayo kinakain ng konsensya ninyo."

Namutla ang buong mukha ni Solene habang si Theo naman ay gulat na napatitig kay Angel. Vince helped Solene to stand up.

"Angel, tumigil ka na." Vince tried to stop Angel but she just looked at Solene with full hatred written in her eyes.

"Sana ikaw na lang ang nawala," bulong nito at umalis.

"Susundan ko lang si Angel," paalam ni Ar-j at sinundan ang papalayong bulto ni Angel.

Lahat kami ay naguguluhang tumingin sa gawi nina Theo at Solene na ngayon ay gulat din sa sinabi ni Angel. Nakakainis dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari. Para kaming others, ni hindi naman alam kung anong gagawin namin.

"May dapat ba kayong sabihin sa amin?" Tanong ni Samuel.

Theo's brows furrowed and shook his head. "Wala."

Liar.

"Sa salas na muna kayo, magpalamig na muna tayo ng ulo," wika ni Donna at umalis.

"Magpapahangin lang ako," paalam ko kay Samuel at lumabas ng bahay.

Umupo ako sa isang upuan na gawa sa semento at tahimik na tumitig sa madilim na kalangitan. Ayaw ko na munang pumasok sa loob. It feels so awkward to enter again.

I was busy staring at the night sky when I felt someone sat beside me. I was alarmed! Pumulot ako ng isang kahoy na nasa tabi ko at hinampas iyon sa tabi ko pero ganoon na lang ang gulat ko nang may sumalag duon at hinablot mula sa akin ang kahoy at tinapon iyon sa malayo.

DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon