Chapter #11: Helicopter

195 13 6
                                    

"Ano? May dumaan na ba na helicopter?"

"Bobo, wala ba—ay gago! H'wag mo 'kong itulak, Ar-j. Ampota naman!"

"Tanga! Tinulak lang din ako ni Vincen!"

"Ano ba?! Napaka-ingay naman, bwesit! Isa pa talagang turuan niyo ihuhulog ko kayo sa terrace!" Banta ni Angel.

Mukha silang tanga.

Oo tanga.

Sinong hindi tatawa sa ginagawa nila? Ar-j, Carvy, Samuel, Hazel, Ilana, Angel at Vincen. Ayon, nandoon sila sa labas ng terrace habang nakatingala sa himpapawid at naghihintay ng helicopter na daraan. Nabanggit na rin naman ni Angel sa kanila ang pinag-usapan namin kagabi.

"One word description sa kanila." Panimula ni Solene na nakaupo sa tabi ko.

"Mga buang." Dagdag ni Venice na masama ang tingin sa kanila at nakadekwatro sa pang-isahang sofa sa kabilang tabi ko.

"Here…kumain ka muna, Solene. Kailangan mong magpalakas para may gana tayo bukas." Sabay baba ni Theo ng isang tray sa harap ni Solene. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon na lang sa kanila.

Does Theo know that Solene already had a boyfriend named Vincen?

"Hmm…thanks."

"Johanna, kumuha ka na lang ng sayo roon sa kusina, may kaunting lugaw pa naman duon sobra nila. Painitin mo na lang kung gusto mo," ani ni Theo. Nagpilit ako ng ngiti at tumango.

"Okay."

Kaagad akong tumayo at tumungo sa kusina para naman lumayo sa kanila. I don't know why but I felt something pinched my heart at Theo's actions towards Solene. He cares for her, the way Theo act like he's still Solene's boyfriend.

I admit, may kaunting feelings akong nararamdaman kay Theo pero maliit lang. Let's say, pagtingin. Kahit sino naman ay mafa-fall sa mga actions niya. Ang galing mag bigay ng motibo, eh, hindi naman alam panindigan. Nakakainis.

"What the…okay ka lang ba?!" Venice snapped in front of me.

"Ha? Oo naman, why?"

She shrugged. "Nothing." And she left.

Eh?

"Oh, Ate Johanna! Kumain ka na?" Bati ni Ilana nang pumasok siya sa kusina. Naiilang na tinuro ko ang mesa na nasa likod ko.

"Ha? Hindi pa, kakain pa lang," wika ko at kumuha ng mangkok at pinakita sa kaniya.

Pota, ba't ba kasi huli pa akong nagising?

"Ah, sige. Cr lang ako then babalik ulit sa terrace, mabuti roon at malamig ang simoy ng hangin. Don't worry, sasabihin din naman namin sayo kung may nakita kaming dumaan na helicopter."

"Ohh…sige-sige, thank you!" Pasasalamat ko.

Kumibit balikat na lamang ako at binuksan ang kalderong nasa lamesa. Wala akong nagawa kaundi kumuha na lang ng lugaw at tahimik na kumain mag-isa sa hapag-kainan. Balak ko sanang bumalik sa dating puwesto ko kaso nandoon na nakaupo si Theo habang katabi si Solene.

Sa tagal ng pagtitig ko sa gawi nila ay hindi ko na namalayan na naglapag ng bote ng tubig si Samuel sa harap ko. Nilingon ko lang ito at nginitian ng bahagya.

"Hmm…you're jealous, right?" He started.

Kumurap ako at sumubo ng lugaw. "Kanino? Kina Theo at Solene?! Ano namang ikakaselos ko sa kanila? At isa pa, wala akong pakialam sa kanila!" Sigaw ko at sumubo ulit.

Sandaling tumitig sa akin si Samuel at lumingon sa likuran ko. Isang ngiwi ang sumupil sa labi nito at umiling bago ubusin ang tubig na iniinom. Hanggang ngayon ay nasa likod ko pa rin ang tingin nito. Napipilitan akong lumingon sa kung saan ito nakatingin at halos ilubog ko na ang sarili sa kinauupuan nang makita sina Theo at Solene na nakatingin sa gawi namin…hindi, gawi ko. Oo ako lang ang tinitignan nila.

DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon