this chapter in unedited, if you encounter some grammatical errors, misspelling please kindly disregard it. thank you :)
"Nagugutom na ako, ang tagal naman kasi magluto ni Ilana at Samuel!"
"Pasalamat na lang kayo may nakita pa tayong paglulutuan-"
"Grabe naman kasi itong hotel niyo, pre. Ano 'to? Bulsa ni Doraemon?"
"Shut up, someone's sleeping."
"Hoy! Gago yung kanin sunog na!"
"Magpatulog kayo!" Inis na sigaw ko at tumayo para mag-unat.
Napaka-aga at nag-iingay sila. Mukhang five o'clock pa lang ng madaling araw dahil wala pa ang sikat ng araw. Solene and Vincen on the other side, they're still sleeping.
Mukhang inalagaan ni Solene ang boyfriend nito kagabi dahil sa biglaang pagkakasakit nito. Ikaw ba naman kasi umiyak tapos hindi pa kakain, ending, lagnat.
Akala ko magiging zombie na, sayang.
"Si Ar-j ang sisihin mo, napakalakas ng bunganaga." Paninisi ni Angel at tinuro si Ar-j na abala sa pagsisiga ng apoy.
"Angel my loves-"
"Shut up!"
Dalawang kalan na ang pina-a-apoy nila, yung isa at para sa kanin habang ang isa ay para sa noodles. Mukhang may nahanap sila na kalan dito sa rooftop. Ginawa na rin kasing stock area itong rooftop ng hotel. Hindi rin mahirap ang paghahanap ng kahoy dahil may ilang nagkalat na kahoy rito.
"Saan niyo kinuha 'yang mga pagkain?" Tanong ko at sinipat ang mga niluluto nila Ilana at Samuel.
"'Yon, oh!" Turo ni Donna sa dalawang malalaking bag na nakabukas na may laman na mga bigas, instant noodles at mga tubig.
"Ah.... okay." Tumango-tango ako at bumalik ulit sa pagkakaupo.
Noong pumunta kami rito sa rooftop at wala akong napansin na mga bag na dala-dala nila. Baka hindi ko lang napansin dahil abala ako.
"Good morning," Theo greeted.
I smiled back, "morning."
"Gusto mo magkape?"
'Di ko maiwasang gulat na tumingin sa kaniya at tumingin sa paper cup na hawak niya. Saan nito kinuha yung tubig? Huwag niyang sabihin nahanap niya yung termos sa mga tambak?
Ew.
What if patay na yung may ari ng termos?
"Johanna, I can read your face. May tubig diyan sa bag na kinuha nila, pinainit nila iyan at saktong may nakuha si Ilana na kape." He grimaced and sipped on his coffee.
"Oh, kape ka muna. Pampa-init ng sikmura." Nag-abot si Samuel ng isang paper cup na parang kay Theo.
"Salamat," wika ko at tipid na ngumiti.
Nag-uumpisa nang bumuka ang liwayway, nagkakaroon na ng ilaw kahit papaano ay nakikita na rin namin ang mga ginagawa namin 'di tulad kanina na medyo madilim.
"Where are you going?" Theo asked when I stood up.
I shrugged. "I don't know, magpapahangin?"
"Beh, nanginginig na ako sa lamig tapos ikaw magpapahangin?!" Inis na sabi ni Hazel na nasa gilid ko pala. Balot na balot ito ng kumot at sumisimsim sa kape nito.
"Ingay mo, titignan ko lang itong kabuoan ng rooftop para makaalis na tayo rito," ani ko at lumakad palayo.
Laking pasasalamat ko at long-sleeved polo ang uniform namin bago ito pinatungan ng maroon na vest. May kakapalan din ang tela ng vest kaya hindi kami masyadong nilalamig.
BINABASA MO ANG
DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]
ActionWhat if something that unexpected happens? What will you do to survive until the end? What will you do if a zombie apocalypse happens in real life? There's a group of high school students who can do everything just to get survive themselves. They c...