"Bato-bato pick tayo-"
"Gisingin na lang natin siya, malay mo alam niya." Turo ni Hazel sa babae na nasa tabi ko. Natutulog dahil sa antok. Kinuha ko na rin ang sanggol sa braso nito para alagaan.
Kanina pa sila nagbabangayan kung sino ang magdr-drive, akala mo naman kung marunog.
Mga timang.
"Johanna, duon ka sa likod, samahan mo si Theo," bulong ni Angel sa akin. Tumango ako at maingat na binuhat ang sanggol para lumapit sa tabi ni Theo.
"Okay ka lang ba?" Basag nito sa katahimikan na bumalot sa'min.
"Ikaw? Okay ka lang ba?"
He nodded. "Of course."
"Johanna, gising na si Miss Kim. Siya na ang nagpresinta na mag-drive tutal alam naman daw niya," sigaw ni Angel na ikinatahimik ng lahat sa loob ng van.
"K-Kung okay lang sa inyo," wika ni Ms. Kim. We all nodded at her.
Si Angel ang pumunta sa passenger seat habang ang iba ay umayos na ng upo sa kani-kanilang upuan.
Dumaan muna kami sa isang gas station para lagyan ng gasolina na ang sasakyan. Kumuha na rin kami ng ilang bote ng gas at inilagay sa likod ng van.
"Dumaan na rin tayo sa isang grocery store para kumuha ng ilang pagkain." Suggest ko.
"Johanna?"
I looked at Theo. "Oh?"
"Nothing."
Baliw.
Nang makarating kami sa grocery store ay sina Donna, Alyse, Ar-j at Samuel ang nagpresintang kumuha ng makakain namin. Hindi puwedeng lahat kami ay pupunta sa loob. Kailangan din naming magbantay rito sa labas.
"Mabuti at wala masyadong zombie rito." Basag ni Hazel sa katahimikan.
"Meron din naman-"
Sabay-sabay kaming napadapa nang makarinig kami ng ilang putukan ng baril. Kaagad kong hinawakan ko ang ulo ng sanggol para protektahan ito. Ganoon din ang ginawa sa akin ni Theo. Mahigit ako nitong niyakap at hinawakan ang ulo ko.
Nang maramdaman ko ang mahinang pagyugyog ng van na sinasakyan namin ay alam ko na pumasok na sina Donna, Alyse, Ar-j at Samuel.
"ʼYung pinto, isarado niyo, bilis!" Sigaw ni Angel. Kaagad na sinarado ni Carvy ang pinto at yumuko.
"Ano bang nangyayari-shit!"
"Napagkamalan kaming zombie ng mga pulis na nagbabantay-dapa!"
Mariin akong napapikit nang may marinig kaming tumama na bala sa isang salamin ng van. Ilang minuto pa kaming naghintay na humupa ang barilan bago umupo ng maayos sa kanya-kanya naming upuan.
"Okay lang ba kayo? May nasaktan ba?" Tanong ni Theo na nasa tabi ko. Lahat kami ay tumango at tumingin sa kinuha nilang pagkain.
"Baʼt puro chitchurya?!" Malakas na sigaw ko habang tinitignan ang bawat plastic na dala nila.
Kanya-kanya pa silang turuan na apat. Sinong matutuwa, may sanggol kami na dala tapos puro chitchurya?! Makakain ba 'to ng baby?
"Kasalanan ni Carvy, sinabi niyang pampalakas daw ʼyan-"
"Wala akong sinabi!" Putol ni Carvy sa sinasabi ni Donna.
"Ang daming kinuha ni Alyse na chocolate, sisihin niyo!" Turo ni Samuel kay Alyse na umiinom ng tubig. Muntik pang maibuga ni Alyse ang iniinom na tubig sa mukha ni Hazel.
BINABASA MO ANG
DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]
ActionWhat if something that unexpected happens? What will you do to survive until the end? What will you do if a zombie apocalypse happens in real life? There's a group of high school students who can do everything just to get survive themselves. They c...