Chapter #01: Bitten Wound

899 23 19
                                    

"Ma! Pasok na ʼko!" Malakas na sigaw ko bago bumaba ng hagdan at kunin ang pera sa ibabaw ng mesa.

"Mag-iingat ka, tignan mo 'yang daanan mo. Baka matisod ka, tanga ka pa naman-"

Mabilis akong lumabas ng bahay at dumiretso sa gilid ng kalsada para maghintay ng sasakyan. Agad kong nilagay sa bulsa ng palda ko ang pera na kinuha ko at pumasok sa isang tricycle.

"Saʼn ka, ading?" Malakas na tanong no'ng driver bago paandarin ang sasakyan. Hindi ko ito sinagot at sumandal na lang sa upuan ng tricycle.

Ewan ko ba kung naglolokohan kami nitong driver. Hindi ba halata sa damit ko kung saan ako pupunta? Alangan namang magu-uniform ako habang mamamalengke.

Wala kasing general scientific invasion.

"Bayad, kuya. May sukli pa 'kong kwarenta, bilang ko ʼyan." Abot ko sa isang buong fifty pesos. Mabilis na ngumiwi ang driver bago kunin ang pera ko.

Walang barya-barya sa umaga!

Nang iabot nito ang sukli ko ay lakad-takbo akong pumasok sa gate. Tinaasan ko lang ng kilay ang guard namin sa school nang magtinginan kami.

"Palibhasa, tirador ng mga magaganda-"

"Johanna, putangina! Nandito ka na!"

Hindi na ako nagulat nang boses iyon ni Hazel. Sa lakas ba naman ng bunganga nito ay halos pagtinginan na kami ng higher grades.

"Gago, bawal magmura!"

Malapad itong ngumiti at umakbay sa akin. Palaging ganito ang buhay ko araw-araw sa school. Medyo boring pero okay lang kasi araw-araw may baon naman ako.

"ʼOy, gago. Hi, Theo! ʼDi ba ikaw ʼyung ex ni Sol-"

Bago pa nito matapos ang sinasabi ay malakas ko itong tinulak para tumahimik. Bakas din ang pagkailang sa mukha ni Theo.

"ʼOy, pre. Si Johanna, oh!" Turo ni Carvy sa akin. "ʼDi ba may sasabihin ka-"

"Wala." Putol nito sa sinasabi ni Carvy bago dumiretso ng lakad pababa ng hagdan. Palihim akong ngumiti at magpatuloy sa paglalakad.

Ayaw pang sabihin.

"Gusto mo ba ʼyung Theo na ʼyon?" Tanong ni Hazel sa tabi ko. Binaba ko muna ang bag ko sa tabi ng pinto at hinarap ito.

"Kahit sino naman magkakagusto, gaga. Huwag kang banal, alam kong may gusto ka rin sa kaniya!"

Lumawak ang ngiti nito. "Dati! Nagkagusto ako sa kaniya," kinikilig anito bago tumakbo paalis at dumiretso sa canteen.

ʼNak ng putcha, wala pa ʼyung taga-bukas ng pinto ng classroom namin. Hindi ko pangarap na magklase rito sa corridor.

"Nandiyan na si Diane!" Sigaw ni Leo habang tumatakbo.

Buong klase ay wala akong naintindihan maliban sa sinabi kanina ni maʼam na lunch break na. Balak ko sanang samahan si Angel na bumili ng pagkain kaso may naghihintay sa akin sa baba ng building namin.

"Johanna, my friend-"

"Kailangan mo?" Putol ko sa sinasabi ni Ar-j, kaibigan ni Theo.

Natatawa itong umakbay sa akin at iabot ang isang paper bag. Tinignan ko ang paper bag na nasa harap ko

"Ano ʼyan?" Walang kwentang tanong ko.

Inalis nito ang pagkakaakbay sa akin at pilit na binuka ang palad ko para ilagay roon ang hawakan ng paper bag.

"Bomba," anito bago lumakad paalis.

Gago!

Tumaas ang kilay ko nang makita kung ano ang laman ng paper bag. Isang tupperware na may nakadikit pa na sticky note sa takip no'n.

DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon