"Talaga napaginipan mo ako? Tapos ako yung main lead duon?"
That's the 10th time when Samuel Jacob asked me when I told him about my weird dream. Umabot ng dalawang buwan bago ko ikwenento sa kaniya ang tungkol sa panaginip ko.
Noong una ay kailangan ko pa siyang kaibiganin at makipag-close. Nakakahiya naman yung bigla-bigla ko na lang kwi-kwento sa kaniya ang panaginip ko.
"Oo, tapos namatay ka sa huli." Biro ko.
"Bastos...sana ikaw na lang nakagat ng zombie."
Mahina akong tumawa at nagpatuloy sa pagsusulat ng kinokopya namin sa board. Just programming things mabuti na lang at mabait ang teacher namin at medyo ka-vibes namin despite her kinda old age.
"Siraulo ka ba? Nakagat na nga ako roon-"
"Himala nabuhay ka pa." Putol nito sa sinasabi ko at nagpigil ng tawa.
"Haha, ang funny. Puwede ka ng humimlay," inis kong wika.
Patuloy pa rin kami sa pag-aasaran hanggang sa matapos ang oras ng subject ni ma'am. Wala ang susunod na teacher namin kaya abala ang iba naming mga kaklase sa pagpra-practice ng mga performance task nila. Mabuti na lang at tapos na kaming mag-perform kaya puwede na kaming huminga ng payapa.
"Joanna, samahan mo ako sa canteen."
"Ayoko!"
"Ah, okay. Libre pa naman sana kita-"
Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at agad na tumabi sa kaniya. "Good attitude, beh. 'Yan ang gusto ko sa'yo."
"Ano bang gusto mo?" Tanong nito habang naglalakad kami papunta canteen.
"Milktea lang, 'yung tig-50 pesos."
He gasped in shocked and stepped back like I did something to him.
Oa, ha?
"Limang candy lang ang afford ng wallet ko, Joanna. Grabe ka naman magpalibre," anito at sinamaan ako ng tingin.
"Hindi ako naniniwalang five pesos lang ang nasa wallet mo. Baka nakakalimutan mo one thousand nga baon mo isang araw. Siraulo."
Of course, in the end I won. Gusto pa sana naming tumambay sa harap ng quadrangle para manood ng ibang students na nagpra-practice ng sayaw kaso may announcement daw si president.
"Sure ka talagang hindi mo kapatid si Sam?" Tanong ko sa kaniya habang nakikinig sa announcement ni pres. Sinamaan lang ako nito ng tingin at matalim na kinurapan.
Bastos.
"For the last announcement, yung mga writer diyan puwede kayong sumali sa 'likha nobela' na gaganapin sa isang linggo. Puwede raw kayo ng pasa ng mga novels or stories niyo kay Ma'am Orange. And kapag nanalo raw kayo, isasali kayo sa division," wika nito at tipid akong nginitian.
"Naol nginingitian."
"Papansin ka ba?!" Usal ko at kinurapan din ito.
Nanatali kaming tahimik habang naghihintay na mag-12nn para makapag-lunch kami. Abala akong naglalaro sa cellphone ko nang biglang nagsalita si Samuel Jacob mula sa tabi ko.
"Hoy, may naisip ako!"
Tinigil ko muna ang paglalaro para bumaling sa kaniya. "Oh?"
"'Di ba nabanggit mo na nagsusulat ka ng mga stories noon?" Tanong nito.
"Oo, bakit ah?"
"Ganito kasi...what if isulat mo yung napanaginipan mo na zombie apocalypse tapos ipasa mo kay Ma'am Orange. It's a win-win for you. Mahahasa yung galing mo sa pagsusulat, and once na manalo ka puwedeng isali ka sa division."
Nanatili akong nakatitig sa kaniya at pilit na prinoproseso ang sinabi nito. I stopped writing years ago because of my studies. And also, I'm yearning for high grades. Siguro dagdag na rin iyon sa grades ko.
I nodded and smiled at him. "Okay pero anong puwede kong i-title?"
Huminto ito sa ginagawa nito at sandaling nag-isip.
"What about Dumb Ways To Survive?" He suggested and smiled back at me.
"Base from your dream, halos lahat kayo gumawa ng katangahan para lang makaligtas," anito at tumawa ng malakas.
"Edi sana pina-billboard mo!" Inis na wika ko at matalim itong kinurapan.
(hehe, sabi ko nga short lang. umabot lang ng 600+ words. don't worry, if mas bumait ako magdadagdag pa ako<3)
BINABASA MO ANG
DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]
ActionWhat if something that unexpected happens? What will you do to survive until the end? What will you do if a zombie apocalypse happens in real life? There's a group of high school students who can do everything just to get survive themselves. They c...