Chapter #14: Rooftop (3)

172 10 9
                                    

"Wala nga talaga kami, he gave me an acceptable reason to uncrush him." Her eyes widened in shock. She even slightly slapped my arms.

"Weh?! Totoo? Akala ko ba crush na crush mo siya?"

"Dati 'yon." I rolled my eyes. "People change."

"So...puwede ko na siyang agawin sayo?" She teased. Hindi na lang ako umimik at sumandal sa railings para ipahinga ang katawan ko.

I don't want to love someone. Lalo ngayon, I can't even trust anyone. Parang peke lahat, parang hindi totoo. Pero anong magagawa ko? Nandito na ako, kami. Ang tanging magagawa na lang namin ay iligtas ang sarili namin mula sa kapahamakan.

Natigil lang ako sa pag-iisip nang tumabi si Angel sa akin. Halos hindi na maipinta ang mukha nito dahil sa pangungulit ni Ar-j sa kaniya.

"Ano ba?! Tigilan mo ako, Ar-j, hindi nakakatuwa!" Sigaw nito at tinulak ang lalaki palayo.

"Ih! Sagutin mo muna yung tanong ko! Magpapakagat ka ba sa akin kapag naging zombie ako?" He even blinked his eyes a multiple times just to caught Angel's attention.

Kinalabit ko si Angel at itunuro si Ar-j. "Hoy, sagutin mo."

"Hindi!"

Akmang tatawa ako nang malakas na sumigaw si Carvy.

"NANDIYAN NA YUNG HELICOPTER!"

Sabay kaming tumayo at pumunta sa gitna para kumaway. May iba rin na kumuha ng tela para iwagayway iyon para makita kami.

Nang makita kami nito ay agad na lumiko ito at dumiretso sa gawi namin. Nang lumingon ako sa kanila ay sobrang saya ng mga mukha nila. They were smiling from ear to ear.

Sana ito na.

"Yiee! Makakaligtas na tayo!" Ilana said while clapping her hands.

"Survivor?" One of the people inside the helicopter asked. We all nodded in unison.

Hindi nito nilapag ang helicopter, dahil na rin siguro makipot ang rooftop at maraming kalat na baka tumama pa sa amin sa lakas ng hangin na nagmumula sa elise o propeller ng helicopter.

"Johanna..." Tawag ni Angel sa pangalan ko.

I looked at her. "Oh?"

"Parang may mali." It wasn't a question, it was a statement.

Anong mali? Is there something wrong with the helicopter?

"Ano 'yon?" I asked but she shrugged.

Bumukas ang pinto ng helicopter at may tinapon sila sa amin na tali. Hindi gaanong kataas ang helicopter mula sa amin pero kailangan pa rin ng tali para hilain kami papasok duon.

"Sinong mauuna?" Theo asked.

Ilana raised her hand and shouted in glee.

"Ako na lang!" Sigaw nito.

I was checking the helicopter inside when I noticed something wrong. May sugat sa braso ng isang sundalo. I don't want to assume but it was a bite. Dahil na rin sa dugo na nagkalat sa paligid ng sugat.

"Angel, may sugat sa braso no'ng sundalo," wika ko at tinuro pa iyon.

Duon ko lang din napagtanto na may iba pa silang kasama sa loob ng helicopter. May isang tao roo na mukhang may kausap at panay ang inom ng tubig.

There's literally something wrong.

"Ilana!" Angel shouted and walked towards Ilana's.

"Bakit, ate?"

DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon