Chapter #15: Mini Memories

171 10 5
                                    

"Where's Vincen?" Theo asked. Tinuro ni Hazel ang isang gawi kung saan may isang maliit duon na campfire, nakahiga si Vincen sa hita ni Solene habang ito ay abala sa paglalaro ng buhok ng kasintahan.

Peste. Ang hirap maging single.

"Kanina pa umiiyak si Vincen dahil sa pagkamatay ng papa niya." Hazel smiled sadly before looking again at our campfire.

"Erpats pala 'yon ni, Vincen, big time." Bulong ni Carvy na katabi ni Ar-j.

Kahit ako hindi makapaniwala. Ama pala iyon ni Vincen, dati kasi tuwing nagpag-uusapan ang tungkol sa pamilya sa klase namin ay palaging tahimik si Vincen. He doesn't talk much about his family, especially his parents. He just always said that his parents we're busy in their job.

"Ang alam ko ay nagkaroon ng gap sa family ni Vincen, his father filed an annulment but Vincen canceled it. Malaki ang galit nito sa ama niya." Pagkwe-kwento ni Ar-j.

"The audacity to talk someone's private life." May kalakasang wika ni Solene at masamang nakamasid sa amin.

Lahat kami ay nagbabang tingin at nagkunwaring may ibang ginagawa. Napasobra 'ata ang chismis nito, dinaig pa si Aling Marites kung makapag-kuwento.

"Ar-j, kasi." Pang-aakusa ni Angel.

"Kasalanan ko na naman?!"

"Sino ba yung nagkuwento?"

Napaguso si Ar-j at nilaro ang daliri saka naglabas ng isang pack ng marshmallow. Mukhang bago pa at hindi pa nagagalaw. Sakto naman at may dala-dala si Ilana na stick.

"Gusto niyo?" Tanong pa nito.

Obvious ba?!

"Hindi, pre, hindi namin gusto." Barumbadong saad ni Carvy at halos batukan na si Ar-j. "Malamang gusto namin, bastos."

Habang naglalagay sila ng mga marshmallow sa stick ay biglang naglabas si Samuel ng gitara mula sa likuran nito.

"Saan mo nakuha 'yan?" Tanong ko ay sinipat-sipat pa ang gitara.

"Duon sa may mga kahoy, mukha namang maayos," he shrugged and started to strum the strings.

"Marami nang namatay rito sa rooftop ng hotel namin, malay mo Samuel, patay na pala yung may ari ng gitara na 'yan," biglang wika ni Carvy na abala sa pagtutusok ng marshmallow.

"Ay, putangina ang gago naman!"

"Totoo?!"

"What the…"

"Putangina, subukan niyong manakot itutulak ko kayo rito mula sa rooftop."

Napailing na lang ako at umayos ng upo. I rested my chin on my folded knees and stared at the fire. Takot din ako sa mga multo pero ngayon, hindi na dahil iba na ang kinatatakutan ko.

"Kung mang-aakit, akit ka na naman puwede bang sa akin, akin lang?"

We all looked at Samuel who's singing using his manly voice while strumming the strings of the guitar. His eyes were closed while singing. Nang bumukas ang mata nito ay kaagad nitong sinalubong ang tingin ko.

"Anong kanta 'yan?" Biglang tanong ni Angel mula sa tabi ni Theo.

"Isa lang by Arthur Nery, my favorite singer," he forced to smile and back again to singing and strumming the guitar.

"Kung mang-aangkin, angkin ka na naman puwede bang sa akin, akin lang?" He changed the lyrics.

Theo cleared his throat. "Kakausapin ko lang si Solene," anito at tumayo.

Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa tumayo ito at pumunta sa gawi nina Solene at Vincen. He sat beside Solene and smiled at her.

"Johanna, alam mo naman siguro yung katagang 'masamang mamangka sa dalawang ilog'," wika ni Angel na katabi ko.

DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon