Chapter #03: Escape

284 16 5
                                    

“Sinong mauuna?” Tanong ko habang nakatingin sa kanila. Malakas akong nagpakawala ng hininga at umupo sa bintana bago kumapit sa kurtina.

“Stop!” Mahinang sigaw ni Theo. Kinuotan ko ito ng noo.

“Oh?”

“Ikaw lang?”

“Stupid, hindi puwedeng dala-dalawa!” Inis na sigaw ko at sinenyasan sina Carvy at Hazel na dahan-dahang pakawalan ang tali para makababa ako.

“Ingat ka!” Paalala ni Theo habang inaalalayan ako. Parang sinasabi lang nito na hindi ko kaya.

My ghod!

Tinignan ko muna ang kabuoan ng lugar kung saan ako lalapag dahil baka mamaya ay biglang may kumagat sa akin ng wala sa oras. Jusko, ayaw ko lang mamatay.

“Johanna!” Pigil ni Angel. Inabot nito ang pamalo na ginawa nito.

“Nilagyan ko na rin ng mga pako, para mas malakas ang impact.” Natatawang sagot nito, pero siya lang ang tumatawa ako hindi.

May joke ba roon?

Nang makababa ako ay nag-thumbs up ako sa kanila na safe ako at puwedeng bumaba ang iba.

“Susunod kami, wait lang!” Hazel mouthed while showing her palm, signing me to wait for them.

Sumunod na bumaba si Angel bago sina Hazel, Donna, Alyse, Solene, Venice at iba pang mga babae bago ang mga lalaki. Nakakapagtaka lang na panghuling bumaba sa si Diane kaysa sa mga lalaki. Hindi dapat mas nauna siya kaysa kina Carvy?

Nevermind.

Nang makababa kaming lahat ay agad na pumunta sa tabi ko si Theo at tinignan kung may galos o sugat ako.

“Okay lang ba kayo? Wala bang nasaktan ni isa sa inyo?”

Carvy scoffed. “Kami ba talaga o si Johanna lang?”

“Hindi mo rin ba kami titignan kung may kagat kami o galos?”

Tinaas ni Theo ang gitnang daliri nito dahilan para matawa ang iba. Kanya-kanya kaming lakad at maingat na hindi gumawa ng ingay.

“Daan tayo sa convenience store, kain muna tayo—”

“Donʼt!” Pigil ni Angel kay Carvy. Lahat kami ay napatingin sa kaniya ng nagtataka.

Bakit bawal kumain?

“May masama ba, Angel baby?” Ngiting wika ni Ar-j. Inis na umikot ang mata ni Angel kay Ar-j at tumingin sa amin.

“Maraming students ang infected duon lalo na at may ilang infected din na nakalabas.” She stopped. “Also the clerks. Kung maaari ay humanap tayo ng masasakyan dahil iyon lang ang naiisip ko na paraan para makaalis  tayo rito.” She suggested. Tumango kaming lahat sa kaniya at dumiretso sa highway.

“D-Diane, nilalamig ka?” Tanong ni Belle na nasa tabi ko na katabi si Diane.

Halos lahat kami ay tumingin sa kaniya. We all gasped when her own blood came out on her mouth. Does she…

Infected?

“Belle, stay away from her—”

“Shut up, Alyse!” Sigaw nito kay Alyse bago pumunta sa harap ni Diane para protektahan ito. Duon ko rin lang namin napansin na may kagat ito sa palapulsuhan nito.

Kaya ba nagpahuling bumaba si Diane dahil alam niyang may kagat siya? Pero saan? Bakit? How did she get infected?

“Diane is the last one who get down. Isa siya sa mga tumulong na magsarado ng bintana at maglagay ng mga bangko at mesa pangharang sa bintana. Baka ngaʼy roon niya nakuha ang kagat nito," bulong ni Theo sa akin.

DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon