Again, this is just a work of fiction, names, characters, places, events, businesses, date and time are just your author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or events is entirely coincidental.
CONTINUATION OF FLASHBACK
I was busy researching our assignment when my younger sibling, Domnie, went inside my room. I tried not to look at her and kept my mind on my computer's screen.
"Ate, tignan mo may bago akong movie," anito at umupo sa upuan na nasa tabi ko. I just glared at her and looked again on my computer.
Ang ingay!
"Ate! 'Di ba inutusan mo ako kanina na maghanap ng movie, look I found one!" She even pulled my shirt.
"Mamaya na, may ginagawa ako." Pinilit kong ayusin ang boses ko at tinago ang pagkainis.
"Ih! Gusto ko ngang manuod muna!"
"Ano ba?! Itutugsit na talaga kita, kanina ka pa!" Banta ko rito.
Agad na namuo ang luha sa mata nito at nagsisimula na rin mamula ang ilong nito. Hala, iiyak na naman. Kakatahan lang nito kanina.
"Mama!" She cried and she was about to run when I stopped her.
"Oo na, manunood na tayo. Akina 'yang tablet." Inis kong kinuha sa kaniya.
Masaya itong umupo sa tabi ko at nanood ng movie. She's just six years old, tapos itong movie na pinili niya pang-teenager.
"Ano ba 'yang pinapanood mo na movie, akala ko ba cocomelon? Ba't zombie-zombie?!" Inis na tanong ko sa kaniya. Matalim akong kinurapan ni Domnie at bumalik sa panonood ng movie.
"Ano ako? Bata na maliit para manood ng cocomelon? That's Zombie Virus Y, yung last na pinanood natin Zombie Virus X."
X? Y?
"Ano susunod, Zombie Virus Z?!" Bakas ang pagkasarkasmo sa tinig ng boses ko.
"Oo—ewan ko, malay ko."
Tahimik akong nanood sa tabi nito hanggang sa biglang nagsimula ang scene kung saan nagmula ang virus. Mula iyon sa palpak na substance at tinurok sa isang daga at pinag-eksperimentuhan ng mga scientist.
Kumalat lang ang virus na iyon dahil may nagpatakas ng daga mula sa experiment room dahilan para maka-infect iyon ng ibang tao. And that is the reason why did Zombie Apocalypse happened.
"Domnie, p-puwedeng sa labas ka muna? May gagawin lang ako." Utos ko na agad naman niyang sinunod.
Mabilis kong sinuot ang eyeglass ko at nag-search sa website about zombies. I know it was just fiction but there's a possibility that it can happen in real life.
Lahat ng nabasa ko tungkol sa zombie ay ganoon na ganoon ang puwedeng mangyari sa ginagawa naming substance.
That substance, when it injected on your body it can kill all your organs in just a snap. Even your brain, papatayin nito ang utak mo bago iyon kokontrolin ng substance na itinurok.
In short, it can manage your body by your brain, even your ears, eyes, nose and your mouth. Ang tanging maiisip mo lang ay kagutuman. Starving flesh, blood and organs of a person.
"N-No…hindi, mali itong naiisip ko," I murmured and went out to drink some water.
Hindi kami hahayaan ng Tcuhan Experimental Group na gumawa ng substance na ikakapahamak ng lahat. But there's a part of my brain that they did it on purpose.
BINABASA MO ANG
DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]
AksiyonWhat if something that unexpected happens? What will you do to survive until the end? What will you do if a zombie apocalypse happens in real life? There's a group of high school students who can do everything just to get survive themselves. They c...