Chapter #10: Hotel Room

221 13 7
                                    

Tama nga ang sinabi ni Carvy, this is the most secured hotel. Ligtas at payapa kaming nakarating sa isang hotel room. Wala ring nangyaring masama ni isa sa amin.

"Dito na lang kaya tayo hanggang sa matapos itong delubyo?" Wala sa sariling sabi ni Hazel habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Hindi rin puwede."

Sabay kaming lahat na lumingon sa gawi ni Carvy na nakaupo sa couch. "Bakit?"

"Hindi ito gaanong matibay, this may be the most secured hotel but not the strongest one. Halos ilang months lang itong pinatayo nina mommy at daddy. This should be done in a year pero inabot lang ng ilang buwan." Mahabang paliwanag nito.

Sabay kaming lahat na nagkatinginan sa isaʼt-isa at malakas na bumuntong hininga. Ilang minuto pa ang lumipas bago tumayo si Carvy at pumunta sa kusina para maghanap ng makakain, ganoon din sina Vincen at Hazel.

"Johanna."

Agad akong lumingon kay Angel. "Oh?"

"'Di ba kumuha ka ng libro sa bookstore kanina?" Tanong nito. Tumango ako at kinuha ang libro mula sa likuran ko at inabot sa kaniya.

"Salamat," anito at tinaas ang hawak-hawak na libro bago umalis.

Matunog akong bumuntong hininga at sumandal sa kinauupuan na sofa hanggang sa maramdaman kong tumayo si Theo mula sa tabi ko.

"Saan ka pupunta?"

Tinuro nito si Solene na nakaupo sa pang-isahang sofa habang nakatitig sa wala. "I want to comfort her."

I nodded. "O-Okay."

Of course, it was his ex-girlfriend. He still cares about her.

Nang makaalis ito ay agad akong tumayo at lumayo sa kanila. Mukhang malaki rin itong hotel room na napasukan namin. May kusina, cr at isang kwarto kung saan nagpapahinga sina Donna at Ilana. May veranda rin ito kung nasaan si Venice.

"What are you doing here?" Puno ng inis at sungit ang boses nito nang pumunta ako sa gawi nito at pasimpleng sumandal sa terrace.

"Hmm…wala naman."

Ilang minuto pa kaming pinalubutan ng katahimikan bago ito nagpakawala ng buntong hininga at lumingon sa gawi ko.

"You know what," she started, "I pity you, Johanna."

My brows furrowed and looked at her confusedly. Ano bang sinasabi nito? Ano bang gusto niyang ipamukha sa akin?

"Why?" She looked at me before letting out a sarcastic laugh.

"Are you falling for Theo?"

"Eh?"

"Just answer me." She rolled her eyes.

Am I? Kung ako ang tatanungin ay medyo oo na medyo hindi. What I mean is, sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kaniya? He's attractive, he's good and intelligent, he's kind and thoughtful, he always think about everyone surrounds him. 'Yan lang ang mga  katangian na nagustuhan ko sa kaniya.

"I-I don't know, why?"

"J-Just don't fall in love with him, masasaktan ka lang," wika nito at tumayo bago umalis at pumasok sa loob. Taka ko itong sinundan ng tingin hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Ha?

"Ano bang gusto niyang iparating? At ano naman kung nahulog ako sa kaniya?" Inis akong nagpakawala ng tawa at ipinikit ang mata para damhin ang lamig ng simoy ng hangin na tumatama sa sariling mukha.

Kahit may delubyo na nangyayari ay masarap pa rin sa pakiramdam ang hangin. I still feel the peacefulness, the tranquility and silence. Parang walang masamang nangyayari sa mundo.

DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon