KINABUKASAN ay mukhang hindi matutupad ang napag-usapan namin ni Angel na babalik ng school. Madaling araw pa lamang ay malakas na ulan ang nagpagising sa amin. Wala rin kaming nagawa kaundi magising at maagang kumilos.
"Johanna, samahan mo raw si Samuel na maluto sa kusina," wika ni Angel na kakapasok lang sa kuwarto ko.
"Dala ko ba yung kaldero?!"
"Gaga ka, pumunta ka na lang samahan mo na. Para namang ayaw mo." Hinatak ako nito patayo sa kama at malakas na tinulak palabas ng kuwarto ko. Masama ko itong tinignan pero ngumiti lang ito pabalik at sinarado ang pinto.
Wala rin akong nagawa kaundi pumunta na lang sa kusina para tumulong. Kaso mukhang wala rin naman akong gagawin duon dahil tumutulong na si Ilana sa pagluluto.
Babalik pa sana ako sa kuwarto kaso nga lang sinarado na ni Angel ang pinto. Malamang hindi ako no'n pagbubuksan.
Aalis na sana ako sa kusina nang maramdaman kong bahagyang umuuga ang lupa. Tumingin pa ako sa paligid para pakiramdam kung nahihilo ako o hindi.
Ayaw ko sanang sabihing lindol iyon kaso mas lumakas pa ang paggalaw at pag-uga ng lupa na kinatatayuan namin.
"Pasok sa ilalim lamesa dali! Lumilindol!" Narinig kong sigaw ni Ar-j at pinagtutulak lahat ng upuan na nakapalibot sa mesa.
"Johanna, anong ginagawa mo? Pasok ka na sa ilalim ng mesa!"
Nang hindi ako gumalaw ay malakas akong hinatak ni Samuel at pinaupo sa ilalim ng mesa. Hindi ko alam kung ilang minuto nang lumilindol basta sunod-sunod ang pagkakarinig namin ng nahuhulog na ilang tipak ng bato galing sa dingding ng bahay.
"Nakakahilo, gago nasusuka na ako!" Inis na sigaw ni Ar-j.
"'Pag ako sinukahan mo itutulak kita palabas nitong mesa." Banta ni Theo.
"Ang init pa!"
"Ba't hindi niyo na lang itulak yung isa rito? Tutal siya rin lang naman yung nasa likod ng paghihirap natin." Rinig kong wika ni Donna na nasa likod ko rin lang.
Inis ko itong hinarap at matalim na tinignan. "Ako ba yung may kasalanan ng lindol?!"
"I hit a nerve didn't I?"
Matalim akong bumuga ng hangin at hindi pinansin ang tingin ng iba.
"'Yan ang mahirap sa inyo, ang kikitid ng utak ninyo." Tinignan ko silang lahat ay lumabas ng mesa. Rinig ko ang ilang pagtawag nila ng pangalan ko pero isinawalang bahala ko na lamang iyon.
Kahit lumilindol ay naglakad ako paalis sa kusina, bago pa lamang ako makalabas sa pinto ay may isang malaking bato ang nahulog sa likod ko. Mabuti na lang at nakaiwas ako.
But I can still feel my heart beating so fast, to the point that I can't step, I am afraid that something might fall down on me.
Nilakasan ko ang loob ko pumunta sa kuwarto. I remember, Angel was still there. I didn't saw her earlier. Pagkarating ko sa kuwarto ay halos manlambot na ang katawan ko sa nakita ko.
Natumba lahat ng aparador at may ilang tipak ng bato na nagkalat sa semento ng kuwarto ko. Good thing, the earthquake stopped already. Pinilit kong ipatayo ang natumba na mga kabinet at bato na nahulog at duon ko nakita si Angel na nakahiga, walang malay at may bahid ng dugo ang ulo nito.
"Angel?" I tried to tapped her but no response. Namumuo na rin ang luha sa mata ko. Ayaw kong mag-isip ng masama.
"Angel, gising!" Inis na sigaw ko at dahan-dahan na nilagay ang ulo nito sa hita ko.
"Angel, naman! Gumising ka!"
Patuloy kong tinatapik ng mahina ang braso nito at pilit itong ginigising. Umiiyak at nanginginig ang kamay kong nilapit ang hintuturo na daliri ko sa ilong nito at pinakiramdaman kung humihinga pa ba ito.
BINABASA MO ANG
DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]
ActionWhat if something that unexpected happens? What will you do to survive until the end? What will you do if a zombie apocalypse happens in real life? There's a group of high school students who can do everything just to get survive themselves. They c...