01

54 3 0
                                    

"Saan ka ba galing?"

"Nambabae." Inis na sagot sa'kin ni Dein.

I tsked. "Bakit hindi mo ako sinama?" Kunwaring interesadong tanong ko.

Inakbayan ni Jaybe si Dein habang kumakain ng Marshmallow. "Problem?" Sabay subo na naman ng Marshmallow.

"Problema ko kung paano ako magtatapat kay Patricia." Sarcastic na sagot niya.

Tumayo na ako at sumubo ng cheese. Ganon na din si Jaybe at wala sa sariling inakbayan ako. Parang wala ngayon sa wisyo ang isang Baganella na naka-upo ngayon sa damuhan dito sa Park. Nakita lang namin siya ni Jaybe dito at nilapitan namin. Kinakausap namin siya ng maayos pero hindi naman sumasagot ng tama. Puro sarcastic ang mga sinasagot niya sa mga tanong namin kaya bumigay na kami sa kahayufan niya.

"O siya, diyan kana. Hindi mo naman kami kailangan."

Hindi siya sumagot sa halip at iminuwestra niya lang ang kamay niya at nag-senyas na umalis na kami.

Mayabang!

"Ano kaya kung.. subukan natin mambabae?" Biglang sabi ni Jaybe habang naglalakad kami.

Nagulat ako pero nabawi ng ngisi ko.

"Gago. Wala tayong sperm." I said chuckling.

Natawa siya. "No. Wala tayong mahabang talong--"

"Ang babastos niyo." Nilingon namin ang nag-salita sa likod namin. "Ang gaganda niyo pa naman." Magkasalubong ang kilay ni Steven na lumapit sa amin.

Nagsimula na kaming maglakad pero hindi namin maiwasan ang hindi ibuka ang bibig. "Type mo ba kami?" Diretyang tanong ni Jaybe.

"No." Mabilis na sagot ni Steven. "Hindi kayo si Re-- uhm, wala. Nakalimutan ko na."

"Lie." Jaybe said while smirking.

"Totoo 'yon!"

"Lie!" Pag-iinis ni Jaybe sa kaniya.

Natatawa na lang ako kung paano mamula si Steven habang tinatabig ang daliri ni Jaybe na kada-sabi niya ng lie ay nakaturo lang sa kaniya.

Narating na namin ang floor namin at nauna ng pumasok si Jaybe habang naka-pakyu sa amin. Narinig kong bumuga ng malakas na hangin si Steven kay Jaybe.

Katabi lang ng classroom namin at room nila. Nilingon ko siya at hanggang ngayon ay namumula parin ang mukha niya na kasing pula na ng sili.

"May talong ako, Steven." Sabi ko na nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin.

He frowned. "A-Anong talong--"

That made me smirk. "May tanong ako kako," sabi ko na ikinatawa. "Ikaw ha," may panunuksong tinuro ko ang mukha niya. "Namiss-heard mo 'yung sinabi ko--"

"Ano ba kasing tanong mo?!"

"May talong ka ba?"

"What?" Hindi na maipinta ang mukha niya sa sandaling iyon.

Tinapik ko siya sa balikat at naglakad na papasok ng room namin. "Kidding, forget it." Natatawang sabi ko. Humarap na ako para pumunta na sa upuan ko ng may biglang humarang sa harap ko at nauntog ang noo ko sa dibdib niya na napaka-tigas.

"Tanga ka ba?" Malamig ang boses niya. "Yan kasi, kung saan-saan ka tumitingin." May halong iritasyon sa boses niya.

Inis ko siyang tiningnan, kahit na matangkad siya at gwapo-- no. Hindi magiging lusot sa akin ang kagwapuhan niya.

"Ikaw kaya ang tanga. Alam mong may dadaan-- humarang ka bigla. Ikaw ang tanga--"

"Ikaw. Sa iba ka kasi nakatingin."

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon