"Anong ka-gaguhan ang ginawa mo at you have another bukol na naman?" Hindi matigil si Mines sa kakasalita habang tahimik si Ivhan na ginagamot at nililinis ang sugat ko sa noo. Hindi naman ganoon kalaki at hindi rin ganoon kaliit ang sugat na natamo ko.
Slight lang.
"Pinag-awayan siya ni Joemar at Lhespher." Nakangising sagot ni Ivhan.
"Tss."
"Huh? Joemar? Si Joemar? Si Araquez? May gusto ba sa'yo si Araquez?" Sunod-sunod niyang tanong.
Ngumisi ako at napatingin kay Mines. "In love si Joemar sa kaibigan mo, Boi." Ngumiti ako ng nakakaloko.
"Alam ko. Muntik na nga ako nasuntok dun eh." Natatawang sabi ni Mines at binigyan na ng band-aid ang sugat ko sa noo.
Umupo na sila uli sa dalawang upuan na nasa harap ko. Nakapandekwatro si Ivhan ng pambabae at naka-krus ang dalawa niyang kamay habang nakatingin sa akin.
"Sa susunod kasi, kapag may away huwag kang makialam. Sapat na yung sigawan mo sila na tama na. Looked what happened to you." Parang kuya na nag-sesermon ngayon sa akin si Ivhan.
"Tinulungan ko lang si Lhespher na makatayo. Pero malakas niya akong tinulak--"
"Ano?!" Putol ni Mines sa sasabihin ko pa. "Tinulak ka niya? Gago 'yun ah. Hindi siya gentleman." Saka siya suminghal. "Mag-ingat ka sa susunod. Yeah, tama si Ivhan. Huwag kang lalapit o makikialam sa away nag mga lalaki. Hindi bale sa mga away niyong mga babae, puro hilaan lang ng buhok ang alam niyo--"
I cut him off and glared at him. "Me, Jaybe and Dein is not that kind of girl when it comes to fight." I said seriously.
He rolled his eyes and nodded. "I know. Pero hindi niyo kami kasing-lakas. You should be more careful, Lhara. May Doctor ba na laging nasusugatan?" Tumingin ako sa kaniya.
Gumuhit ang ngiti sa labi nilang dalawa na nagpa-guhit din ng malawak na ngiti sa labi ko.
Nakaramdam ako ng saya sa loob ko. Si Ivhan at Mines ang laging nasa tabi ko kapag sugatan ako. Thanks to them.
To Ivhan, ang masasabi ko lang sa kaniya ay napaka-swerte ng babaeng mamahalin niya. Bakit? Kasi, ako nga napo-protektahan niya, ang babae pa kayang para sa kaniya. Kung sino man ang babaeng 'yon. Napaka-swerte niya. Para sa akin ay kuya ko nang ituring si Ivhan dahil lagi niya akong ipinag-tatanggol kapag naiipit na ako sa isang sitwasyon. Kahit na cold siya minsan, pero may araw na nakikita ko siyang naka-ngiti at parang abnoy na nakikipag-usap kay Meya. Kung si Meya man ang babaeng 'yun, maswerte siya.
And for Mines, ang bait niya. Para siyang kuya kung ituring ko sa kaniya dahil sa mga sermon niya sa akin. Napaka-swerte ni Baganella at naging kaibigan niya si Mines simula nung bata pa sila. I'm sure, ilang beses nang na-protektahan ni Mines si Dein sa mga laban-- no, si Dein ang pomu-protekta kay Mines, maybe? Ang masasabi ko lang kay Mines, yang ugaling niyang kahit na nang-iinis at nakakapikon, may tunay na pagmamahal siya sa iba at pag-aalala na pinaparamdam niya sa iba. Maswerte din ang babaeng makakakuha ng loob niya, kasi may pagmamahal, malasakit at pag-aalala siya sa iba, paano pa kaya sa babaeng mamahalin niya.
"Thank you, Ivhan." Sabi ko na nakangiti at tumingin naman kay Mines. "Thank you, Mines." They smiled and nodded at me.
Akmang magsasalita pa sana si Mines nang biglang bumukas ang pinto at mabilis na pumasok si Lhespher saka ako agad na niyakap na dahilan ng pagkahiga ko sa clinic bed na kinauupuan ko.
"Lhara! Sorry! Ayaw ko lang na may humahawak na iba sa kamay mo. Sorry! Sorry!" Sunod-sunod niyang sabi na ikinatigil ko ng ilang segundo sa ganoong posisyon namin.
BINABASA MO ANG
Waiting for your Answer (Waiting Series #3)
Random[WAITING SERIES #3] Lhespher blockmailed Lhara because he was annoyed, ended up dating, pero .. as time went on, the girl gradually fell in love with him, at sa isang iglap, kalokohan lang pala ang lahat. "Siya ang Kapitana ko." -Jaile Lhespher Corp...