04

16 3 0
                                    

Mukhang abnoy na naka pose ngayon si Mines sa harap namin ni Ivhan.

Anong nangyari sa lalaking ito?

Nakangiti siyang lumapit sa amin at nagpose na naman ng weird sabay sigaw sa pag-mumukha namin ng, "Chubie Puchi!" Sabay belat sa amin.

"Dadalhin ka naba namin sa mental?" Ako na ang nagsalita dahil nagugulat parin ang kasama kong nakatitig sa kaniya.

"Ang hirap ka-bonding!" Pabagsak siyang umupo sa tabi ko. Dalawa na kami ngayong nakaharap kay Ivhan. Hindi ko nalang siya pinansin at bumaling sa ibang direksyon. "Anong nangyari sa tuhod mo?" Maya-maya ay tanong niya.

Hindi sumagot, si Ivhan. "Tanong mo kay Loko." Magka-krus ang mga braso na sabi niya.

"Ha? Tinulak ka ba niya?" Bumaling siya sa akin pero hindi ko siya tiningnan.

"Tanong mo kay Loko." Walang ganang sagot ko.

"Ibot, sigurado ka bang nilinis mo 'yan? Baka mamaya mas lalong lumala--"

"Anong tingin mo sa'kin? Tanga?"

"Oy," kinalabit niya ako, nilingon ko siya. "Linisin mo 'yan palagi para mas mabilis mawala." I nodded.

Pati si Mines maalam sa mga ganitong bagay. Kaya naman medyo nagkakasundo kaming tatlo kapag dating sa mga ganito.

"Siya nga pala, ang daming students sa cr kanina. May eksena ba dun?"

Tinikom ko ang bibig ko at tumayo na.  "Una na ako, Salamat." Paalam ko sa kanilang dalawa at pipilay-pilay na naglakad palabas ng clinic.

Maraming nakatingin sa akin habang nilalampasan ko sila. Sa school pa talagang ito, syempre, karamihan ata na students dito sa school na ito ay mga chismosa. Mga anak ni Marites.

Umupo muna ako sa loob ng canteen at nagpalimas muna ng sakit na nanunuot sa tuhod ko. Wala ng mga tao dahil katatapos lang ang time para sa recess.

Um-order ako ng spaghetti at nag-request ako na damihan ang cheese na ilalagay. Baka sakaling mawala yung inis ko.

Tahimik akong kumakain at nang matapos ko ay naglakad na ako papuntang building namin. Tangina. Second floor pa naman ang Section namin. Tsk!

No choice ako kundi umakyat. Uuwi na muna ako at magpapahinga. Uma-akyat ang sakit ng tuhod ko na parang nanginginig. Ayaw ko na munang isipin kung sino man ang may gawa nito.

Ayaw kong sumabog sa inis at baka durugin ko na ng tuluyan ang kaibigan niya.

Pumasok ako ng room namin na salubong ang kilay ko at hindi pinansin ang mga kaklase ko. Mabilis kong kinuha ang bag ko at lumabas ng may pumigil sa akin. Nilingon ko ito, si Jaybe na magkasalubong ang kilay.

"Anong nang--"

"Huwag ngayon, uuwi na muna ako." Walang ganang sabi ko sa kaniya at naglakad ng dahan-dahan.

Nakarating ako ng parking lot at mahirap kong napaandar ang motor ko dahil kumikirot ang tuhod ko kapag pinupwersa ko. Mabilis akong nakarating ng bahay namin at as usual, wala akong madadatnan. Magisa na naman ako.

Tumungo ako sa kwarto ko at ibinagsak ang sarili ko sa malambot na foam ng aking kama.

Ayakong alalahanin ang mga nangyari kanina. Pero hindi ko maiwasan. Hindi ko maintindihan kung bakita ganon na lang ang galit sa akin ni Lhespher. Kung tratuhin niya ako ay parang hindi ako babae. Parang may malaki akong utang sa kaniya at kailangan niya akong saktan para masingil iyon.

Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa akin nung Elementary pa ako. Binugbog ako ng mga kaklase kong lalaki. Napagtripan ako. Hindi 'yun alam ni Daddy dahil sobrang focus niya sa trabaho niya.

Dun ko naramdaman na hindi ako isang babae na tatratuhin ng maayos ng mga lalaki.

At pinatunayan sa akin ni Lhespher 'yon. Hindi na ako magtataka, alam kong pinagtripan ako ni Lhespher kanina.

Sinaktan niya ako ng pisikalan na parang wala siyang pakialam kung mamilipit ako sa sakit.

Iniisip ko nga minsan kung deserve ko ba ang mga itong nangyayari sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila pero kung saktan at sigawan nila ako ay parang may hinanakit sila sa akin.

Dumilat ako nang may maalala.

Deal.

Nasaktan ko siya noon. Trinato ko siyang kaaway. Naalala ko ang mga ginawa ko sa kaniya na halos mamilipit siya sa sakit nang sipa sipain ko ang nasa gitna ng mga hita niya.

Pero blinockmale niya ako. Nagkasundo kami, bakit niya ginawa sa akin ang mga ito kung meron naman kaming usapan.

Porque sinabi niyang araw-araw ko siyang kasama eh, wala na akong time para mapag-isa? Batas ba siya? Tangina.

Tumayo ako pipilay-pilay na bumaba para tumungo sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng gatas saka ininom.

Hindi nawawalan ng laman ang ref namin dahil every weekend ay namamalengke ako at naggo-grocery. Sanay na ako eh.

Napa-baling ako sa cellphone ko ng biglang may tumawag.

Daddy's Calling....

"Hello," walang ganang sagot ko sa kabilang linya.

[May ide-deliver na package diyan mamaya. Received it, it's for you, anak.]

"Kailan kayo babali--"

[Malayo pa, sige anak, I'm busy. Texted me if you already received the package, bye. I love you.]

He ended the line.

Binagsak ko ang cellphone ko sa sobrang ikli ng segundong magkausap kami.

Pumunta ako sa sala at nanood ng TV, nakaupo ako sa mahabang sofa. Hihintayin ko na lang yung package na binanggit ni Daddy ng maka-tulog na.

Hindi nagtagal ay dumating din. Kumuha ako ng cutter at binuksan ang package.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kung ano man ang laman ng karton. Isang box ng Chanel. Binuksan ko ito at shoulder bag ito.

Mapakla akong natawa. "Para saan ko naman ito gagamitin?"

Hinagis ko sa isang sofa ang Chanel bag at ti-next ko si Daddy na natanggap ko na. Nagpasalamat na din ako para ramdam niyang na-appreciate ko.

••

Pilay parin akong pumasok sa school kahit na alam kong nasa akin na naman ang mga paningin ng iba.

Biglang may nang-agaw ng bag ko. Si Lhespher ang unang pumasok sa isip ko. Sasapakin ko na sana kung sino man ang nang-agaw ng makita kong iba pala.

"Subukan mo." Nakangising sabi ni Reiven. "Tutulungan na nga kita, mananapak ka pa?"

"Tsh.. akala ko kung sino na eh," nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Dahan lang," inalalayan niya akong maglakad. Hanggang sa makarating kami sa building namin, sa room. "Nalaman ko kay Ivhan--"

"Shup up." I cut him off. "Atin-atin nalang ito." Umupo na ako.

Tumabi siya sa akin at hinarap. "Gago yun ah," sabi niya sa malamig na boses.

I gritted my teeth. "Pwedeng dito ka muna sa tabi ko?" Malumanay na tanong ko sa kanya.

He smiled and nodded. "Dito ako, hanggang okay kana."

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon