JAILE LHESPHER CORPUZ
When my gaze landed on the woman who had grabbed my attention it was as if I had gone mad from where I was standing. I can no longer control myself when another man clings to her even though I know we have no connection with each other.
Lalapit lang na lalaki sa kaniya nagagalit na ako, paano pa kaya kapag nahahawakan siya.
Habang tumatagal, pagalit na pagalit ako sa mga lalaking umaaligid sa kaniya. Lalong-lalo na kay Reiven, Mines o di kaya si Joemar. Yes, their my bestfriend, pero walang bestfriend-bestfriend sa'kin kapag si Lhara na ang dahilan.
The day i saw Reiven very close to Lhara .. i was starting to get angry. I wonder why he is like that to my friend but not to me. How about me? Ngumingiti siya sa iba pero sa'kin hindi.
I'm in love with her.
Noong sinundan ko siya sa loob ng isang bodega, hindi ko inaasahan na kasama niya ang mga kaibigan niyang sina Dein at Jaybe. Pero ang mas hindi ko inaasahan ay ang pag-sipa niya sa'kin saka niya ako binalibag na parang may masama akong atraso sa kaniya kahit na alam kong wala naman. Pero nung time na binalibag niya ako, akala ko masakit, masarap pala kapag siya.
Wala na ang mga kaibigan niya kaya malaya na akong gawin kung ano ang gusto kong gawin sa kaniya. When I'm on the top of her, I badly want to kiss her.. but, I have respect on her. Gusto ko man pero pinigilan ko dahil ayokong mapasama ang tingin niya sa'kin. Gusto kong magtiwala siya sa'kin.
I'm busy watching horror when my phone rang. Nagtataka ako dahil wala naman tumatawag sa'kin sa mga ganong oras.
So I answered the call. Ang tanging naririnig ko lang ay ang salitang 'tulong' sa kabilang linya pero kilalang-kilala ko ang boses niya. Si Lhara!
Sobrang kabog ng dibdib ko sa mga sandaling 'yun. Halos lahat ng buong katawan ko at sistema ko ay nanginginig sa sobrang takot na kung ano ang mangyari sa babaeng gusto kong protektahan pero balibag lang ang aabutin ko.
Nagmamadali akong pumunta ng bahay nila. Our Fathers are best friends because of business. Kaya lahat kami, alam namin ang bahay ng isa't isa.
Nakarating ako sa entrance ng bahay nila na bukas ang pinto at tahimik. Pumasok ako sa loob ng bahay nila na may kaba sa dibdib ko. Iniisip kung ano na bang nangyari kay Lhara.
Napalingon ako sa kaliwa nang may narinig akong bagay na parang bumagsak. Dahan-dahan akong naglakad at sumilip.
Nakita ko si Lhara na punit ang damit niya, nakikita na ang dibdib niya pero may bra parin siya, walang malay at may patalim sa gilid niya. Nagsitapon pa ang niluluto niya. Binaling ko ang lalaking nasa ibabaw niya. Nandilim ang paningin ko at kumuyom ang kamao ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya saka ko siya hinila patayo, pinagsusuntok siya hanggang sa kumalat na ang dugo niya sa buong mukha niya. Hindi na siya makatayo kaya agad akong tumawag ng pulis.
Lumapit ako kay Lhara na walang malay. Hinubad ko ang jacket na suot ko saka ko tinakip sa dibdib niya. Binuhat ko siya. Habang buhat-buhat ko siya at naglalakad papuntang kotse ko, namumuo ang galit ko sa lalaking nagtangkang gumahasa sa kaniya. Gusto ko siyang patayin pero ma-swerte siya, may natitira pa akong awa sa kaniya.
But the best part of my life is I become Lhara's bodyguard. Wala naman talagang bayad 'yun eh. Mabantayan ko lang siya at nasisigurong safe siya, malaking bayad nayun sa'kin.
Ramdam ko naman na wala lang ako sa kaniya eh, kaya, ako mismo ang gagawa ng daan para makapasok ako sa puso niya.
Magkakilala na kami pero talagang wala ako sa atensyon niya. Tahimik siya. Ugaling nangbabalibag na lang kapag napasama mo ang mood niya.
BINABASA MO ANG
Waiting for your Answer (Waiting Series #3)
Sonstiges[WAITING SERIES #3] Lhespher blockmailed Lhara because he was annoyed, ended up dating, pero .. as time went on, the girl gradually fell in love with him, at sa isang iglap, kalokohan lang pala ang lahat. "Siya ang Kapitana ko." -Jaile Lhespher Corp...