Maghapon akong tahimik. Medyo okay na ang tuhod ko at hindi na gaanong masakit katulad nung dati, nakakalakad na ako ng tuwid at hindi na masyadong nag pipilay-pilay.
May kumalabit sa akin at nilingon ko ito. Si Jaybe. "Bakit?" Tanong ko. "Sasapakin mo ba ako?"
"Hindi. Pasalamat ka, maganda na ang mood ko ngayon. Nandito ako para ibigay ito." Inabot niya sa akin ang isang card na kulay blue.
Taka ko siyang tiningnan. "Ano 'to?"
"Tss. Card siguro." Sagot niya sa sarkasmo na boses.
"Alam ko. Kanino ito galing?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? Oh, ito pa." Abot na naman niya sa akin ang isang medium size na box. "Huwag mo ng itanong kung saan 'yan galing. Malalaman mo 'yan mamaya." Lumikod na siya pero humarap na naman. "And by the way, I'm still the coolest." She said and walked away.
O_O
Napatanga ako sa sinabi niya. Mayabang din talaga siya. Tinalo na ata si Baganella.
Pumunta ako ng cafeteria at um-order. Umupo ako at binuksan ang card na binigay sa akin ni Jaybe. Binigay agad ang kape ko at sinimulan ko ng basahin ang nakasulat.
Are you mad? Iiwasan mo naba talaga ako? Hindi mo naba ako papansinin? Hindi mo naba talaga ako kakausapin? Look, Lhara. I'm sorry. I know, sorry is not enough but, please.. don't do this to me. I can't control myself that time because you left me and I didn't know where you were going. Please.. I'm not begging you for your forgiveness. I just wanted you to stay at my side. Because, that's our deal.
"Tss, deal huh?" Wala sa sariling tanong ko sa sarili ko. Sunod kong binuksan ang box. Halos manlaki ang mata ko nang makita ang maraming cheese at may cheesecake din na nasa loob. "Ha, what the.." I chuckled softly.
"Are we okay now?" Tumaas ang tingin ko at nakita ko ang pagmumukha ni Lhespher.
Bumalik sa blangko ang mukha ko at sinara ang box saka sinoli sa kaniya pati narin ang card. Mabilis kong inubos ang kape ko at iniwan ko na lang ang bayad.
Nagmamadali akong lumabas nang bigla akong nakaapak ng malaking bato at parang naapektuhan ang tuhod ko na biglang kumirot sa sakit.
Napayuko ako habang hawak ko ang tuhod ko na kumirot sa sakit. "Ah!" Kinagat ko ang ibabang labi ko at napapikit nang dumaloy hanggang hita ang sakit nun.
"Lhara!" Tinig ni Lhespher na papalapit sa akin. Humarap siya sa akin pero hindi ko siya tiningnan. "Saan ang masakit?"
Hindi ako sumagot. Padadaluyin ko muna ang sakit ng tuhod ko bago ako umuwi at makaiwas sa lalaking ito.
"Lhara-- fuck!"
O_O
"H-Hoy! Bitiwan mo nga ako-- aray!" Bigla niya akong binuhat na parang sako. "Ano ba!" Pinagpapalo ko ang puwet niya sa sobrang inis.
Natigil ako sa pagpapalo ng paluin niya rin ang puwet ko. "Stop that! Sasama ka sa'kin."
"Ano?! Bitiwan mo nga-- aray! Masakit na yung tuhod ko!"
"Basta sumama ka sa akin. Huwga ka nang kumontra. Wala akong gagawin sa'yo." Malumanay niyang sabi.
Huminga na lang ako ng malalim at hindi na nagpumiglas. Habang tahimik siyang naglalakad, nandito ako, nakapatong ang baba ko sa aking palad. Boring.
Pinasok niya ako sa passenger seat ng kotse niya. Lumuhod siya at tiningnan ang tuhod ko na hindi parin nawawala ang itim non.
Wala akong imik na tumingin sa kawalan ng umikot siya at sumakay na rin sa kotse niya. Wala parin akong imik habang pinapatakbo niya ang sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero kung may binabalak man siya, no choice ako kundi baliin ang mga buto niya.
BINABASA MO ANG
Waiting for your Answer (Waiting Series #3)
Random[WAITING SERIES #3] Lhespher blockmailed Lhara because he was annoyed, ended up dating, pero .. as time went on, the girl gradually fell in love with him, at sa isang iglap, kalokohan lang pala ang lahat. "Siya ang Kapitana ko." -Jaile Lhespher Corp...