06

17 3 0
                                    

Weekend kaya lumabas ako para bumili ng mga kakailanganin sa bahay.

Simpleng jogging pants na navy blue at black na sando lang ang suot ko saka tsinelas.

Kotse ang ginamit ko dahil madali akong bibilhin at hindi 'yon magkakasya sa motor ko. Sinimulan ko ng patakbuhin ang sasakyan ko at una akong nagpunta sa palengke na marami ng tao.

Una akong tumigil sa mga rekado. "Ate, isang kilo ng bawang saka sibuyas." Binigay niya sa akin plato ng kilo at doon ko nilagay ang mga bawang na tinantsa ko sa isang kilo.

Sunod akong kumuha ng kamatis, sayote, patatas, repolyo, carrots, sitaw, kumuha narin ako ng mangga at alamang.

Nagtungo ako sa mga sili-an bumili ako ng isang supot ng sili na pang-ice. Ten pesos isang supot, ang mura. Aalis na sana ako ng makita ko si Dein na kumuha din ng isang supot ng sili.

"Bakit hindi mo nalang gulpihin lahat 'yan?" Natatawang tanong ko.

Nilingon niya ako saka ngumisi. "Baka masira. Sige, alis na ako--"

"Ha? 'Yan lang kukunin mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Pumunta ka dito sa palengke na 'yan lang ang bibilhin mo?"

Itinaas niya ang hawak na isang supot ng sili at nakangising tumingin sa akin. "My favorite, that's why I'm the coolest." Aniya na umalis na.

Napa-iling na lang ako sa yabang niya.

Sunod akong nagpunta sa grocery store. Kumuha ako ng snacks, mga mantika, toyo, suka, patis, bagoong at iba. Kumuha nadin ako ng cheese. My favorite because I'm the coolest.

Maraming nakatingin sa akin. Bumaba ang tingin ko sa dibdib ko na nagpapakita na ang cleavage ko. May konti naman akong ipagmamalaki eh.

Nabigla ako ng may naglagay ng jacket sa buong balikat ko at natakpan ang mga tinitingnan ng mga tao.

Nilingon ko ang naglagay, naka sumbrero siya ng itim at nakayuko ang ulo niya saka nagmamadaling umalis.

Inayos ko ang naka-lagay na jacket ng may napansin akong sulat sa may hood.

Don't wear that kind of clothes.

"Huh?"

Hanggang sa makauwi ako ay nasa isip ko parin ang lalaking naglagay ng jacket sa akin. May tag price pa ang gago. Kabibili ata.

Habang nagluluto ako ng pang-dinner ay may narinig akong mga hakbang papalapit sa akin.

Nakaramdam ako ng kaba ng may naaamoy akong hindi maganda. Pasimple akong nagdial ng number ng kung sino at saktong hinila ako paharap sa kaniya.

"Nasaan ang pera mo?!" Sigaw sa akin ng magnanakaw habang nakatutok sa akin ang kutsilyo niya.

Pinakalma ko ang sarili ko at nagsalita. "Magnanakaw ka diba? Edi hanapin mo." Kalmadong sabi ko.

Muli na naman niyang inakma sa akin ang kutsilyo niya. "Nasaan!"

"Papatayin mo ba ako?"

"Oo! Kung hindi mo pa sabihin kung nasaan ang pera mo!" Sigaw na naman niya.

Tiningnan ko ang kutsilyong hawak niya at agad ko itong inagaw sa kaniya sabay untog sa.. tangina! Yung niluluto ko nagkalat-kalat na! Hinagis ko sa malayo ang kutsilyo.

Muli na naman siyang tumayo at tumakbo ako papalapit sa kaniya at ni-lock ko ang kaniyang leeg. Nabuhusan siya ng niluluto at dumadapo sa balat ko na ang init non. Napapaso na ako pero hindi ko pwedeng pakawalan itong magnanakaw na 'to.

"Bitawan mo ako!" Nahihirapang sabi niya. "A-Ayaw mo ah,"

"Ah!" Nabitawan ko siya ng sikuin niya ako sa tagiliran.

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon