"You okay now?" Sinuri niya ang kabuuan ko. Tanging tango lang ang naisagot ko.
Kalalabas namin galing prisinto. Dalawang araw lang ako sa hospital kaya gumaan naman ang loob ko.
F L A S H B A C K . . . .
"Gago ka! Gago ka! Muntik mo na siyang makuhang hayop ka!" Pinagsusuntok ni Lhespher ang lalaking nanloob sa bahay namin.
Inawat namin siya ng mga pulis at hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya na huwag sugudin ang lalaki.
Hindi na ako nagtaka ng biglang lumuhod ang lalaki sa harap ko at nagmamakaawa na patawarin siya sa ginawa niya.
Walang emosyon ko siyang tiningnan. "Isipin niyo po ang ginawa niyo sa akin. Paki-isip po." Ilang saglit na katahimikan ang dumaan sa aming paligid at nagsalita din ako agad. "Ano?" Hindi siya sumagot. Itinuro ko ang sugat sa mukha ko na may tapal at ang leeg kong may dalawang kiss mark. "Gawa mo ito diba?"
Mas lalong humigpit ang hawak ni Lhespher sa kamay ko pero hindi ko na lang pinansin.
"Sumagot ka!" Sigaw ni Lhespher sa kaniya.
"O-Opo, gawa ko po--"
"Para po sa kaalaman niyo, bata pa po ako. Di niyo ba alam na nakaka-trauma ang ginawa niyo? Sa akin, sige, palalampasin ko ito. Pero kapag sa iba mo ginawa 'yun, mahirap na. Kailangan niyo pong pagbayaran ang kasalanan niyo. Hindi po ito biro. Bilang babae, karapatan namin din lumaban. Kung hindi sa pisikalan, sa batas kami lalaban. Ayos na po, pero kailangan niyo pong makulong. Baka gawin niyo pa po sa iba, mahirap na. Para narin po magbago kayo."
Nagpaalam na kami sa mga pulis at lumabas na. Ayaw kong makita siyang pinapasok sa loob ng selda at baka maawa ako.
E N D O F F L A S H B A C K . . . .
Hinatid ako ni Lhespher dito sa bahay at inalalayan akong pumasok.
"Pinalinis ko na ang bahay niyo noong isang araw. Anong gusto mong ulam? H-Hindi ako marunong magluto k-kaya huwag kang mag-expect." Parang nahihiya na sabi niya.
I softly chuckled. "Kahit ano na. Yung hindi mahirap sa'yo."
Nagiwas siya ng tingin sa akin at binuksan ang TV. Umupo ako sa mahabang sofa. "O-Okay.. sige, dito ka lang. Call me if you need something." I nodded.
I checked my messages. Si Daddy ang unang nahagip ng mata ko.
Daddy:
I'm sorry, there's a lot of problem about our business. I'll go home when I solved this, promise. I trust Lhespher. So be safe, anak. Be careful. I love you.Inis kong tinapon ang cellphone ko sa isang sofa na hindi naman kalayuan. Naiinis ako minsan kay Daddy, nasa peligro na nga ang buhay ko, mas importante pa ang negosyo sa kaniya.
Halos lahat kaming magkakaibigan ay pare-pareho kami ng problema. Nasa negosyo palagi ang mga magulang namin. Except kay Dein, Chariza, Reah at Meya na may kapatid o di kaya ay kasama sa bahay.
Ilang minuto ang lumipas at tinawag na ako ni Lhespher sa hapagkainan.
Umupo na ako at nilapag ang apat na pritong itlog. Napapahiya siyang umupo habang nakakamot siya aa batok niya. Kaharap ko siya.
BINABASA MO ANG
Waiting for your Answer (Waiting Series #3)
De Todo[WAITING SERIES #3] Lhespher blockmailed Lhara because he was annoyed, ended up dating, pero .. as time went on, the girl gradually fell in love with him, at sa isang iglap, kalokohan lang pala ang lahat. "Siya ang Kapitana ko." -Jaile Lhespher Corp...