27

9 1 0
                                    

"Sa Porgan tayo, Lei." Sabi ko habang sa daan lang ako nakatingin at kanina pa ako hindi umiimik.

Alam na ni Lei na may Beach na binili si Dad. Gusto ko doon na ako magpalipas ng oras. Ayokong umuwi na ganito ako. Sinunod naman ako ni Lei. Bumuntong-hininga na lang ako at ipinikit ang mata ko habang nakasandal ako sa passenger seat.

Para akong namamanhid na ewan ngayon. Walang maramdaman ang buong katawan ko sa nangyari. Meron sa dibdib ko ang magaan pero mas lamang ang bigat. Magaan dahil sa isang iglap, tinapos ko na lahat, hindi, tinapos na naming dalawa ang dapat na tapusin. Mabigat dahil ayaw kong tanggapin. Naiinis na ako sa sarili ko! Bakit ba kasi ako nakakaranas ng ganito?! Hindi ako ganito dati eh.

Naramdaman kong tumigil na ang kotse pero nananatili akong nakapikit.

"Ate.. we're here,"

Doon na ako napadilat at agad kong nakita ang liwanag ng Porgan kahit na umuulan. "Sige." Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang bigla niya akong pinigilan. Taka ko siyang nilingon. "Bakit?"

"Use this." Abot niya sa akin ng payong niya kanina. "Ito nalang gamitin mo. Aayusin ko lang mga gamit mo sa kwarto mo." Sabi niya at mabilis na tumakbo patungo sa daan kung saan papunta sa kwarto ko.

Oo, may sarili akong kwarto dito sa Beach. Ako lang ang dapat na gumamit ng kwarto na 'yon kahit na maraming nagsasabing babayaran nila ako ng malaki basta ipahiram ko lang ang kwarto ko sa isang gabi. Hindi ako mukhang pera na katulad ni Giannie na nasisilaw sa pera. Kung ano ang akin ay akin lang.

Naglakad na ako patungo sa kwarto ko pero saktong may nakasalubong akong waitress ng Porgan. Nagkatinginan kami.

"Ma'am?" Nagugulat niya akong tiningnan. Hindi ko siya kinibo pero nananatili kaming nakatitig sa isa't isa. "I-Ihahatid ko lang po dinner niyo.." nilagpasan na niya ako.

Nilingon ko siya at nagsalita. "Soup nalang po, please. Nandito kapatid ko, siya ang dalhan mo ng dinner, salamat." Hindi kona siya pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Marami paring mga tao kahit na malakas na ang ulan. May mga nalalagpasan pa akong mga bagong turista na mukhang nag-eenjoy naman.

Binuksan kona ang pinto ng kwarto ko at nadatnan ko si Lei na inaayos na ang higaan ko. Nilingon niya ako. "Labas lang ako. Maligo kana ate, baka lagnatin ka." Tumayo na siya at lumapit na sa akin.

Tumango ako at nilagpasan siya pero may naalala akong sabihin sa kaniya. "Lei," tawag ko sa pangalan niya.

"Ate?"

"May ihahatid na dinner natin mamaya. Dito ka nalang. Sa banyo na ako magpapalit."

Hindi ko na siya pinansin. Kumuha na ako ng damit na pwede kong isuot ngayong gabi. Pumasok na ako sa banyo at sinimulan ko ng basain ang buo kong katawan saka buhok ko. Habang nababasa ako ng shower siya ring pag-bagsak ng akin luha.

Ganito pala kasakit masaktan kapag nagmahal ng todo.

Hindi kona uulitin.

Tumigil na akong umiyak at tinapos na ang pagliligo. Nagbihis na ako at sinuot kona ang pajama ko. Lumabas na ako ng banyo at nakita ko nang kumakain na si Lei. Pumunta ako sa harap ng salamin at pinunas ang buhok ko gamit ang tuwalya.

"Ate, kain na." Tawag sa akin ni Lei.

"Sige lang."

Matapos kong punasan ang buhok, hindi na ako nagsuklay. Umupo na ako sa harap niya. May maliit na table lang ako dito na pang-isahan lang pero pwede nang pang-dalawa.

Sinimulan ko nang humigop ng soup. Giniginaw na ako, hindi lang halata para astig.

"Huy,"

Umangat ang tingin ko sa kaniya. "Mm?"

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon