Napatanga ako ng ilang segundo sa narinig ko.
"A-Are you gagoing me?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Imposible naman 'yun. Mukhang wala nga siyang pakealam sa akin matapos kong sabihin na umalis na siya sa bahay eh.
"Lahat ng kilos mo, alam ko." Sabi niya na magkasalubong ang kilay. "Pati ang paguusap niyo ng lalaking 'yun, alam ko. May tiwala kaba sa kaniya? Mukhang sayang-saya kang kasama siya ah. Ako, hindi?"
Naiinis ko siyang tinulak papalayo sa akin. "Ano bang pinagsasabi mo? Ano naman ngayon kung naguusap kami? Wala kang pakealam sa akin."
"Alam ba 'yan ng Daddy mo?" Hindi ako nakasagot. Matagal akong natahimik at nagiwas ng tingin sa kaniya at bumaling sa ibang direksyon. "See? Kung sabihin ko kaya sa Daddy mo na may--"
I chuckling sarcastically in front of him. "Really? Block mail na naman? Hindi kaba nagsasawa sa mga pinaggagawa mo?" Pinandilatan ko siya.
He shook his head and I saw a emotion in his eyes. "Kung ikaw ang dahilan, hindi ako magsasawa."
Halos marinig na ang tibok ng puso ko nang bigla niya akong yakapin at isiniksik sa leeg ko ang mukha niya. Nakaawang ang bibig ko habang nagugulat sa mga pinaggagawa niya ngayon.
"Bitawan mo ako." Matigas kong utos sa kaniya.
Pero nasa loob ko ang gusto ko pang sabihin sa kaniya na please huwag mo akong bitawan.
Sana mali ako ng iniisip. Hindi niya ako nagugustuhan. Pero bakit umaasa akong magugustuhan niya ang isang tulad ko? Nasasaktan ako kapag iniisip ko palang na hindi na niya ako gusto at hindi niya kailanman ako magugustuhan.
"Bibitawan lang kita kapag pumayag kang kasama ulit kita." Mataman niyang sabi na ikinagulat ko.
Napasabunot ako ng buhok at huminga ng malalim at tumingin uli sa kaniya. Pinapakalma ko ang sarili kong huwag siyang masigawan.
"Pwede ba?" Walang ganang sabi ko. "Huwag ka ng sumama sa'kin. May mga kaibigan ka naman diba?"
"Meron pero mas gusto kitang kasama. At para hindi kona sasabihin sa Daddy mo na may kasama kang--"
"Bakit ba ang gago mo?!" Pagalit nang sigaw ko na ikinatigil niya. "Stop blocked me! Hindi kana nakakatuwa. Nakakainis kana! Don't you dare tell him that I talked to someone. I will kill you." Matigas kong banta sa kaniya at mismong dinuro ko siya sa dibdib.
Hindi siya nagsalita ng ilang saglit at pinakatitigan lang ang mukha ko. Napakalapit na ng mukha namin sa isa't-isa at ilang dangkal nalang ay magdidikit na ang-- putangina. Mahina ko siyang tinulak para makalayo siya ng konti sa akin. Naiilang ako sa mga titig niyang halos matunaw na ako.
"Liligawan kita."
Agad ko siyang nilingon na mapakla ang mukha sa narinig. "Ano?!"
"Liligawan kita. Gusto mo man o hindi."
"Hinding-hindi pwede--"
"Pwede." Pagtatapos niya ng usapan at umalis na sa harap ko.
Hahabulin ko pa sana siya ng makalayo na ang kotse niyang pinaharurot.
Bumuga ako ng malakas na hangin at isinuklay ang kamay ko sa buhok ko. Nakapameywang habang nakatingin sa papalayong kotse niya. Mapakla akong natawa sa sinabi niya. Hinding-hindi ako papayag na liligawan niya ako. Sasabihin ko kay Daddy.
Nagmamadali akong pumasok sa kotse ko at pinaharurot pauwi. Sasabihin ko kay Daddy na itigil na niyang gawin na bodyguard ko si Lhespher. Dahil hindi na nakakatuwa, nakakairita na ang pinaggagawa niya. Hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayari ngayon. Ayaw ko ang hindi ako pinapatapos.
BINABASA MO ANG
Waiting for your Answer (Waiting Series #3)
De Todo[WAITING SERIES #3] Lhespher blockmailed Lhara because he was annoyed, ended up dating, pero .. as time went on, the girl gradually fell in love with him, at sa isang iglap, kalokohan lang pala ang lahat. "Siya ang Kapitana ko." -Jaile Lhespher Corp...