31

15 2 0
                                    

Nag-vacation muna ako for 2 weeks. Hindi ko parin matanggap na nandito siya at nagkita kami. At Ang mas hindi ko matanggap, siya yung lalaking minamahal ko ngayon na nagbibigay ng ngiti sa akin araw-araw!

"Punyeta." Inis na singhal ko habang nakahawak ako sa ulo ko. Nakaupo ako sa buhangin habang ang isa kong kamay ay may hawak na bote ng beer. Nakatingin sa karagatan.

"Seems you have a problem, Pusa." Biglang umupo si Chariza sa tabi ko. One week na siyang nandito.

"Wala." Balewala kong sagot saka lumagok ng beer. "Kailan ka naman uuwi?" Inis na baling ko sa kanya.

Napahawak siya sa dibdib niya na nakatingin sa akin na parang nagugulat. "Wow. Pinapalayas naba ang gustong mag-bakasyon dito sa Beach mo? Thank you ha. Parang wala naman kaming share dito." Parang mabigat ang loob na sabi siya.

Napabuga ako ng hangin. "Sorry." Kapagkwan ay sabi ko saka binalik ang tingin sa dagat.

"Ano ba kasing nangyari sa'yo?"

"Wala akong tiwala na mag-kwento sa'yo."

"Thank you ha. Ang bait mo talaga sa'kin ngayon." Sarcastic niyang sabi. "Nakita mona ba si Lhespher?" Maya-maya ay tanong niya.

Mabilis akong napabaling sa kaniya nang nagtataka. "Bakit mo alam?"

"Nakita kona siya last week pa. Magbabakasyon daw dito for 3 months ata."

"Ah.." tatango-tango ani ko.

"Yan lang reaksyon mo? Sure na?"

Napabuga ako ng hangin. "Yung kinukwento kong Bouquet Boy.."

"Hm? Oh?"

"Siya 'yun." Tumingin ako sa kaniya. "Si Lhespher yung nagbibigay sa'kin. Yun ang hindi ko matanggap eh. Minamahal kona ang binansagan kong Bouquet Boy kahit hindi ko pa siya kilala, tapos malalaman kong siya?! Napuno na ang buong kwarto ko sa mga Bouquet niya tapos siya? Hindi ko tanggap eh.. galing pa talaga sa lalaking nagpa-iyak at nanakit sa unang pagmamahal ko." Naiiyak na kwento ko. Napasuklay ako sa buhok ko.

"Talaga.. si Lhespher 'yon?"

"Oo. At alam mo, kahapon naging pasyente ko siya. Bugbog sarado siya. Punong-puno ng dugo ang mukha niya na halos hindi ko na makilala. Nalaman ko lang lahat nang pumunta ako sa room niya matapos ko siyang gamutin. Inamin niya lahat na siya ang nagbibigay sa akin ng mga bulaklak at iba pa.." tumikhim ako. "Iniwan ko siya. Hindi ko matanggap.. talaga.. hindi eh.." bumagsak na ang luha ko sa pisngi ko habang kinukwento ang mga nangyari sa araw na 'yon.

Hinawakan ni Chariza ang balikat ko at niyakap ako ng mahigpit. "That's okay. Bigyan mo kaya siya ng chance na magsalita? Tutal, alam mong siya pala yung secret admirer mo for long time.. mag-usap kayo. Para narin malinawan kauong dalawa, alam mo, better na bigyan mo siya ng chance na mag-explain. Kase.. base sa kwento mo sa amin, halos konti lang mga sinabi niya sa'yo pero, mas marami ang gawa. Bigyan mo siya ng chance na magsalita, Lhara. Malay mo, pareho kayo ng point of view kaya kayo humantong sa ganitong sitwasyon. Malay mo diba? Advise ko ito as your friend. Huwag kang masyadong matigas sa kaniya. Akalain mo, siya pala si Bouquet Boy. It means, halos nililigawan ka na niya sa loob ng sampung taon. Mag-usap kayo."

"Pero.. bakit? Diba, may fiance na siya?"

"Kaya nga mag-usap kayong dalawa para pareho na kayong malinawan. Bakit mo sa akin 'yan tinatanong, ako ba si Lhespher?"

I rolled my eyes. "Tss." Sabay lagok ng beer. Ubos na.

"Tama na 'yan. Magdu-duty ka naba bukas?" I nodded. "Good. Kapag nagkita kayo, magusap kayo ng mabuti. Huwag puro hinanakit ang inuuna mo. Yung tao na nga lumapit sa'yo tapos ganiyan kapa."

Waiting for your Answer (Waiting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon